Chapter 18.1

392 13 0
                                    

Hindi ko na alam kung nasaan kame dahil tinakpan na nila ang mata ko, ayaw ko sana kaso nagmakaawa sila sa akin para daw sa surprise na pinaplano nung magkapatid, dahil papatayin daw sila ni cray at carson pag nagkataon.

Sabi pa nga nitong lalaking katabi ko ay, "kawawa naman ang mga babae, pag namatay ako mawawalan na ng gwapo sa mundo".

May angking kayabangan din itong katabi ko parang yung magkapatid na Constantine, nag-uumapaw sa kayabangan.

Dahil din sa pakiusap nila ay tinanggap ko ang panyo na inaabot nila at ako na mismo ang nagtali nito sa mata ko.

Sa tantiya ko ay nasa trenta minuto na kaming nagpaikot ikot sa lugar pero parang wala na kaming patutunguhan, hanggang sa ihinto nila ang sasakyan.

Dahil sa wala akong makita ay hindi ko alam kung nasaan na kami.

Basta sumusunod lang ako sa sasabihin nila, kaya naman nung narinig ko yung pagbukas ng pinto ng sasakyang kinalalagyan ko ay inihanda ko na din ang sarili ko.

Inalalayan ako ng dalawa pababa sa sasakyan.

Nang makababa ay inayos ko muna ang sarili ko at hinawakan ko ang tiyan ko.

Sa totoo lang ay ngayon lang pumasok sa isip ko ang sitwasyon ko.

Buntis pala ako, hindi ko iyon naisip kanina, wala akong ibang naisip kung hindi ang takot ko and it's not just me anymore.

Dapat na akong mag-ingat dahil meron ng bata sa sinapupunan ko.

Mga batang gusto kong alagaan, mga batang magiging sentro ng buhay ko at mga batang may magandang kinabukasan.

Kaya naman halos batukan ko ang sarili ko ngayong naalala ko ang kalagayan ko.



Habang niyayakag ako ng dalawang lalaking hindi ko kilala papasok sa may kadilimang lugar ay unti unti kong nararamdaman ang kaba.



Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero sobra sobra ang aking kabang nararamdaman, pakiramdam ko ay any moment babagsak ako habang akay ako papunta sa kung saan.

Habang tumatagal ay mas napapansin ko ang isang bagay, katahimikan, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aking tainga.

Nanatili kaming naglalakad sa isang tahimik na lugar, para akong nasa scene ng isang pelikula kung saan yung bida ay naglalakad at nakikiramdam sa kanyang paligid dahil baka anumang oras ay may biglang lumabas at hilahin siya sa kadiliman.

Hindi ko alam kung nakatulong ang takip sa mata ko o hindi, kase mas nararamdaman ko ngayon ang takot na baka may multo dito o baka may bigla nalang humila sa akin.

"Para kang tanga Angelina!" sininghalan ako ng isang bahagi ng isip ko dahil sa kabaliwang pilit kong isinisiksik sa kukote ko.

Hindi nagtagal ang paglalakad namin, pero nang tanggalin ang takip sa mata ko ay natagpuan ko nalang ang sarili ko sa stage ng isang lugar

na pamilyar sa akin.

This place is the witness of my life and trials and being here means a lot to me. It's like I saw my family again.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar ng magawi ito sa gitna ng stage na may kalayuan sa akin.

And there they are...

Seeing the two guy I love standing in the middle of the stage wearing their best suit and best smile habang nakatingin sa akin pakiramdam ko'y biglang bumagal ang oras, naging slow motion ang buong paligid.



Muli kong tinignan ang buong paligid at hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo ng makita ko ang dalawang taong itinuring kong pamilya na naka dress at masayang nakatingin sa akin.



hilam ng luhang muli akong napatingin sa dalawang lalaking nakatayo sa harap ko .



"Sabi ko sa sarili ko na hindi ako mag mamahal!" panimula ni carson sa sasabihin niya.



"Pero nakilala kita, sa isang ngiti mo lang ay tinunaw mo ang yelo sa pagkatao ko, ikaw yung pader na handa kong akyatin at ikaw yung batas na handa kong labagin, alam kong hindi ako perpekto pero handa kabang tanggapin at maging kabiyak ako?" umiiyak na nakatingin lang ako sa kay carson na nakangiti habang nakaluhod sa harap ko.



Napatingin naman ako kay cray na tumikhim at naglakad papunta sa tabi ng kuya niya.



"Alam kong maraming tao ang manghuhusga, masasaktan tayo at mahihirapan, noon ay walang kwenta ang buhay ko pero mula ng makilala at makasama kita pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng halaga, angel gusto kong masaktan at mahusgahan kasama mo, will you be my everything? Pagkatapos magsalita ni cray ay hindi ko na napigilan ang mapahagulhol at dambahin sila ng mahigpit na yakap.



"A-Akala ko a-ayaw niyo na s-sa a...kin!" humihikbing sagot ko habang yakap sila.



Lahat ng sakit na naramdaman ko mula kaninang umaga ay parang isang bula na bigla nalang pumutok at nawala.



"Hinding hindi ka namin iiwan angel, ikaw, si cray at ako, tayo lang ang mahalaga." Mas humigpit ang yakap nila sa akin ng sabihin ni carson ang mga salitang nagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Yung pakiramdam na kompleto ka na at wala ng hihilingin pa.



"So anong sagot mo angel?" ask cray with his hyper tone



"syempre magpapakasal ako sa inyo!" pagkayari kong sabihin yun ay hinalikan na nila ako habang yakap pa din ng mahigpit.

Kumalas ako ng yakap sa kanilang dalawa at pinagtaasan sila ng kilay.

"Sinong nakaisip ng kagaguhan na iyon kanina?" sa totoo lang nagtatampo ako pero hindi ako galit gusto ko lang malaman nila na hindi laging okay pag nakagawa sila ng kasalanan, kailangan din nilang malaman yung pwedeng maging outcome ng actions nila nang sa gayon ay maiwasan ang problema.

"sorry angel.... si cray kase eh!" Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa pagtuturo ni carson sa nakababatang kapatid.

Pinipigilan ko ang matawa ng malakas ng makita ko ang nakasimangot na mukha ni cray na halos umusok na ang ilong habang tinuturo si carson.

"Anong ako?! Ikaw kaya yun!" pagkakaila din ng huli, kung ano ang ginawa nung kuya ay ginawa din nung bunso.

"at talagang nagsisihan pa kayong dalawa?!" kunwari'y galit na singhal ko.

sabay na napabuntong hininga ang magkapatid at humingi ng paumanhin, "sorry..."

"paano kung nalagay sa kapahamakan yung baby natin?" tanong kong muli sa magkapatid.

sabay na tumingin sa akin si cray at carson habang nagpapaawa ang mga mata.

This time ako naman ang nagbuntong hininga at muli silang niyakap.

"sorry angel..." bulong ni cray

"I love you angel..." Ani carson

"mahal na mahal ko din kayo.... ng higil pa sa buhay ko" this time it is my turn to tell them how much I love them....

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon