Special Chapter 5: Their Life before Angelina 🔞

808 13 7
                                    

Ang kabanatang ito ay may maselang paksa

Happy Reading

Author's Note:

Ang chapter na ito ay nangyari bago nila makilala si Angelina so expected na iikot ito sa magkapatid at mga kaibigan niya....

And another thing,

I just wanted to say thank you for those who supported me and my story  all the way from the starting line up to the finish line, sobrang laking bagay para sa akin na kahit papaano ay may nagbabasa ng story ko, sobrang saya ko at sana ay napasaya ko din kayo

Muli maraming salamat!!

Cray POV

"Wala ba tayong lakad, kanina pa ako nabuburyong!" Bagot na bagot na napadukdok nalang ako sa lamesa dito sa tambayan namin.

Tambayan? Parang high school lang pero ang totoo niyan ay graduate na kaming lahat sa kolehiyo may mga time lang talaga na nagkikita kita kami kagaya nalang ngayong araw, schedule naming magkakaibigan at ang madalas naming tinatambayan ay ang restaurant ng hilaw naming kaibigan na si Andrei.

"Gutom na ako Andrei, luto kang pagkain!" Natatawa ako habang pinapanuod ko si Kyro na parang tanga na nagpapaawa kay Andrei

"Yuck dude, you're such a gay!" Si Jordan naman ngayon ang nagsalita na umakto pang parang nasusuka

"Ay, papa! Gawin mo naman akong modelo!" Ani kyro sa malambot na tinig na sinamahan pa nito ng himas sa braso ni Jordan.

"HAHAHA!!" Napahagalpak nalang kami ng tawa ng biglang tumakbo si Jordan papunta sa direksyon na tinahak ni Andrei habang nandidiring nakatingin kay kyro na malaki ang ngisi.

"Dun tayo sa bar mo Luther" suhestiyon no kuya na kaagad sinang-ayunan ng lahat

"Andrei! Huwag ka na magluto punta tayo sa bar ni Luther! Sigaw ni James  na nasa tabi ko.

"YES!!" nagkatinginan kaming mga natira sa special spot namin dito ng marinig ng isa sa kanila yung sigaw ni Andrei

Sa sobrang lakas ng sigaw ni Andrei sigurado ay kahit nasa malayo  rinig na rinig.

"Hoy kupal ka siguro wala ka talagang balak magluto at hinihintay mo lang yung libre ko!" This time si Luther naman ang sumigaw na parang galit pero naiiling.

"Wala namang bago dun, HAHAHA!!" pagkasabi ko nun ay nagtawanan kami

I was about to grab my stuffs ng biglang tumunog yung phone ko indicating na may nagtext.

Napahinto muna ako at kaagad na binuksan yung phone ko.

It was my girlfriend....

Napamura ako pagkatapos kong mabasa yung text niya na wala daw siyang kasama sa kanila, at umalis daw ang parents nito.

Ito yung text....

From: Love 💕💕

Love my parents are out of town, at wala akong kasama, can you please accompany me for awhile?

Please love 🥺

Hindi ko siya kayang hayaan na mag-isa kaya naman nagdecide na ako na samahan siya.

"Yo!" Agaw-pansin ko sa mga kaibigan ko

"Bakit?" Takang tanong ni Castron sa akin

"Walang kasama si Catrice, wala yung parents niya, nagpapasama muna, kaya pass muna ako" pagkatapos kong sabihin yung reason ko kung bakit hindi ako makakasama ay nagkanya kanya na sila ng kantyaw.

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Where stories live. Discover now