Chapter Twenty One 🔞

721 9 0
                                    

Tuxedo and Gown Fitting

Nandito kame ngayon sa isang exclusive store ng mga pangkasal, kami lang ang tao dito sa VIP Room, ewan ko ba dito sa dalawa na ito sabi ko naman sa kanila okay lang kahit yung mumurahin at simple lang pero gusto talaga nila na mahal yung bilhin dahil afford naman daw nila kaya heto kami ngayon nag titingin din ng mga designs nila na ready made tuxedo and gown.

This past few weeks sobrang busy na namin, hindi na din sila umaalis sa tabi ko dahil medyo nahihirapan akong magbuntis mag four months na nga pala ang tiyan ko pero para na siyang 7 months sa laki.

Halos araw araw tumatawag si Castel sa amin para kumustahin yung mga baby. Nalaman ko na nakabalik na pala siya ng France medyo napaaga lang daw pero okay lang naman.

Sila mama mosang at Amara madalas na dumadalaw sa bahay, si Amara madalas ko din siyang makitang tulala ewan ko ba dun sa bata na iyon.

Tinatanong ko siya kung may probrema pero ayaw naman magsabi sa akin, laging okay lang ang sagot niya.

May mga time na sumasakit ang balakang ko tapos pakiramdam ko lagi akong pagod. Pag ganon kinakabahan na ang magkapatid, agad na silang tumatawag kay Doctora Yaptanco para malaman kung anong nangyayari sakin.

Hands on sila, lagi nila akong pinapacheck up minsan nga tinanong ko sila kung bakit hindi sila pumapasok sa trabaho ang sagot lang sakin ay "bakit pa mayaman naman kami at pagkayari ng kasal saka kami papasok sa work" Ang conceited lang nila talaga pero benta naman sakin yun.

Lagi silang nakaalalay sa akin nabawasan na ng konti ang mood swings ko pero yung pag crave ko andun pa din at isa na sila sa kinecrave ko hahaha sa totoo lang namamanyakan na ako sa sarili ko kase everytime na matutulog at gigising lagi naming ginagawa ang bagay na iyon.

Kagaya nalang ngayon nakatingin ako sa kanila na parang natatakam, dahil ang hot nilang tignan sa suot nilang sando at jeans.

"Wife huwag kang tumingin ng ganyan baka hindi kami makapagpigil eh makain ka namin dito." Warning ni Carson but I just bit my lower lip and look at them hungrily.

Patayo palang sila nang may isang babae ang pumasok sa VIP Room habang dala dala yung mga damit na napili namin.

Mahirap maghanap ng size na mag fit sakin dahil sa pinagbubuntis ko pero sabi naman ni Ate na nag assist samin meron daw sila nung pang buntis kaya no worries daw.

Nang makuha yung mga damit ay sabay na pumasok sa fitting room ang magkapatid para mag bihis, habang ako naman ay nakaupo lang sa couch at nagtitingin ng iba pang design ng mga gowns nila.

"Ma'am tignan niyo po itong design na ito kung magugustuhan niyo." Nakangiti si ate habang ipinapakita sa akin ang magazine na hawak niya.

Tinignan ko yung gown na tinuturo niya at napaawang ang labi ko sa kung gaano ito kaganda at kasimple.

Wala siyang masyadong detalye pero pakiramdam ko nakita ko na yung gusto kong suotin, habang nakatingin ako sa gown ay may mga imahe na naman ang pumasok sa isip ko.

It was the three of us standing in front of the church holding each other's hand. We were happy and contented.

"Ma'am are you okay?" biglang akong napabalik sa kasalukuyan ng marinig ko ang nagtatakang boses ni ate na tinatanong kung okay lang ako.

"Sorry, yes I am fine, pwede ko bang makita yung gown na yan?" I smiled at her and ask for the gown.

"Certainly ma'am!" ngumiti ulit si ate at lumabas ng VIP Room para kunin ang gown.

Eksakto naman sa paglabas ni ate ay lumabas din ang magkapatid sa fitting room.

At isa lang ang masasabi ko, kung makikita niyo lang sila ay maiinlove kayo, imagine a hazel eyes, mestizo with perfect jaw line, under cut hairstyle and a muscles, abs and biceps to die for, tapos nakasuot ng tuxedo jusko nakakapag laway hindi lang ng bibig sa itaas kundi pati yung bibig sa ibaba.

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon