Chapter Thirteen 🔞

849 16 1
                                    

Angelina POV

The Past (Flashback Part Two)

I woke up all of a sudden when I felt someone squeezing me. I tried to move around but I felt a heavy thing pinning me down making me unable to move, so I looked around only to find Cray and Carson were cuddling me and hugging me like a vine.

I can't help but snort "grabe hindi naman ako aalis eh" I messed up their hair and they both stirred, slowly waking up.

"Good morning!" nakangiting bati ko sa kanila

Patuloy akong ngingiti hanggat kaya ko. Sabi nga ng ilan, na malakas kang tao kung nakakaya mong ngumiti sa kabila ng problemang kinakaharap mo.

"Angel?" patanong na tawag sa akin ni Carson, hindi ako kumibo bagkus ay tumingin lang ako sa kanya ng may pagtatanong.

"We were there" simpleng sambit niya na nagpakunot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot ang noo na tanong ko, may hinala ako pero hindi ako sigurado. Knowing them baka nga sabay pa kaming dumating ng Cagayan de Oro.

"Nakita namin yung nangyari, nandoon kami" naluluha na ako sa kahihiyan habang nakatingin sa malungkot nilang mga mata.

"Sobra kayong preoccupied kaya hindi niyo kami nakita." Cray said

"Narinig niyo ba lahat?" Hindi ko alam kung bakit hindi na matigil sa pagtulo yung luha ko, habang naiisip ko na naman yung nangyari.

"Sorry Angel" hinging paumanhin ng dalawa kasabay ng marahang pagtango.

Napapikit nalang ako at napabuntong hininga dahil hindi ko naisip na malalaman nila ang bagay na iyon.

"Paano? Gusto kong malaman kung paano ka napunta sa Crystal" seryoso pero mababakas ang awa sa boses ni Carson ng magsalita siya.

"Wanna know my story?" malungkot na ngiti ang pinakita ko sa kanila ng magtanong ako, tumango lang ang dalawa.

Muli akong napabuntong hininga ng magbalik-tanaw ako sa aking nakaraan.

Flashback Fourteen years ago.....

I was fourteen years old that time, pinanganak at lumaki ako dito sa Cagayan de Oro. Nagmula ako sa mahirap na pamilya, pero hindi mo masasabing isang kahig isang tuka ang pamumuhay namin dahil nakakakain pa naman kami ng tatlong beses sa isang araw.

Meron akong nag-iisang kapatid na babae si Carmina. Carmina is fragile and frail lagi siyang nagkakasakit pero hindi yun naging kabawasan sa mga magulang ko, mas lalo pa siyang minahal ng mga ito, carmina's georgous and she's smart unlike me I'm just strong but dumb.

Being the eldest children tungkulin kong magparaya at tulungan ang kapatid ko at pamilya ko, nung mga panahong iyon kailangan namin ng pera para masustentuhan yung pagpapagamot ng kapatid ko kaya tumigil ako sa pag-aaral at nag simulang mamasukan biglang isang kasambahay sa mayaman naming kababayan.

Habang nag tatrabaho ako wala akong ibang iniisip noon kung hindi ang matulungan sila nanay kase yun lang yung paraan ko para kahit papaano ay mapansin din nila ako, na baka pag gumawa ako ng bagay na makakatulong sa kanila ay mahalin din nila ako, hindi naman kase lingid sa akin na hindi anak ang tingin nila sa akin pero ipinagwawalang bahala ko lang iyon dahil yun yung alam kong tama. Monthly ang schedule ng sahod ko pero mas gusto ko itong ipunin sa mga amo ko para hindi ko magastos, mabait naman din kase sila, libre pa nga ako lahat doon.

Pero nung panahon na dapat ay kakailanganin ko yung perang naipon ko para may maipangpagamot ako, dun ko lang nalaman, na wala na pala kahit piso, tinanong ko yung amo ko kung saan napunta yung sahod ko, ang tanging naging sagot lang nila ay "kinailangan ng nanay mo yung pera, pambili ni Carmina ng damit para sa birthday ng kaklase niya.

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Where stories live. Discover now