Chapter Twelve

723 18 0
                                    

Angelina POV

The Past (Flashback)

"Hey, is everything alright, kanina ka pa tahimik ah?" Carson asked noticing my silence all of a sudden.
"Angel are you okay?" Cray draped an arm around me and asked me with worried eyes.
I heaved a deep sigh. I don't know how to tell them that I am going home for a while. They don't like being away from me "hmp! assumera ng taon ang peg mo angelina?!" My subconscious mind is not in the mood to agree with me "oh shut up!" I snapped back at her.
"Earth to angel!" Cray flicked his fingers in front of me
"Is everything really okay angel? You were spacing out,whatever it is you know you can tell us, right?" Carson's really worried, I guess I have no choice but to tell them my plan.
Muli akong napabuntong-hininga bago nagsimulang magsalita. "it's now or never!" I said to myself and began explaining to them my plan.
"I am planning on visiting my family." I said matter-of-factly.
"What?! When?! Where?! For how lo-" "STOP!" I stopped them mid sentence kase wala na halos akong maintindihan sa sinasabi nila.
Paano ko maiintindihan eh sabay silang nagsasalita at nakasigaw pa "hear that mind? See how they react? Hahaha" I am laughing on the inside because they look cute, like a kid who's about to get abandoned.
"isa-isa lang okay, and please wag kayong sumigaw" sambit ko na nangingiti.
"You're smiling, habang kame dito frustrated and scared? You're impossible!" Carson exclaimed in annoyance and I broke into laughter.
"HAHAHA!! Easy okay I just wanted to visit my family next week." I said to them smiling.
"For how long are you gonna stay there? Cray asked
"Are you still gonna come back? Carson seconded
These two really amused me, I've never been touched by someone's concern my whole life and here they're showing concern. I just smiled at their questions.
"First, yes I am gonna come back and second I am gonna stay there for a month, I guess..." I answered them, though in all honesty I don't know if I can stay there for months.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko kase finally makakauwi na ako. It's been four years since I last saw them, nakikibalita lang ako sa mga taga samin kung kumusta na sila at kung maayos ba yung pamumuhay nila.
Pero never kong naisip na bumalik doon after ng nangyari sakin and I don't think gusto pa din nila akong makita. Hindi ko nga lang alam kung ano ang pumasok sa isip ko at gusto kong bumalik ngayon kahit na alam kong masasaktan lang ako.
"Are you sure okay kalang na mag-isa? Tanong ni Carson habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
"Isama mo nalang kaya kame angel, ayaw ko ng malayo ka sa amin" may halong lungkot at pagmamakaawa na saad ni Cray at niyakap na din ako ng mahigpit.
"Flight bound to Cagayan de Oro is ready for take off, may we call on those passengers who's bound to Cagayan to proceed to the airplane" narinig ko na ang machine-like voice na tinatawag ang flight ko, i am sad kase pansamantala akong malalayo dito sa dalawang ito. "mamimiss ko sila" napabuntong hininga nalang ako ng mas humigpit ang yakap ng dalawa sa akin.
"Hey, tinatawag na yung flight ko, babalik ako, okay? I'm gonna miss you guys." I hugged them tightly and kissed them good bye.
I looked around the area and noticed that people were looking at us weirdly. "PDA kase hahaha" I just shook my head and waved at my boys one more time before getting into the plane.
Nakakakaba. Nakakatakot, ilang minuto na ba ang lumipas mula ng sumakay ako ng eroplano? Ni hindi ko magawang umidlip man lang, sa tuwing sinusubukan kong matulog ay bigla-bigla nalang bumabalik ang mga nangyari nung huling dumalaw ako sa aming tahanan, para akong may amnesia na binabalikan ng memoryang nawala.
To all passengers please fasten your seatbelt for we're going to land, thank you for flying with us." the flight attendant announced that we're gonna land. I did as she said and fastened my seatbelt.
Nang makapag land ang eroplanong sinasakyan ko ay mabilis akong lumabas dito para kunin ang mga gamit ko.
As soon as I got my luggage ay dumiretso na ako sa labas at pumara ng taxi. Habang nasa sasakyan ay panay ang buntong hininga ko "bumalik na kaya ako?" Tanong na bumabagabag sa isip ko pero andito na ako, wala namang mawawala kung susubukan ko at isa pa walang mangyayari kung matatakot akong magpakita sa kanila.
After all it's been four years since I last visited this place, I missed it so much. And I miss them so much. Hindi nagtagal ang byahe sa taxi dahil hindi naman ganoon ka traffic kaya sandali lang din ay nakarating ako sa baryo kung saan ako lumaki.
Ang lugar na saksi sa lahat ng dinanas kong paghihirap. Ngayon nandito ako at nakatayo sa harap ng bahay na matagal kong hindi nakita. Wala pa din itong pinagbago mula ng huling tapak ko dito. Mula sa malawak na bakuran na napapalibutan ng mga naglalakihang puno ng manga, ang bahay na minsa'y aking tinawag na tahanan, it is still look the same walang pinagbago, the homey ambiance is still there.
Habang nakatayo ako sa harap ng kahoy na gate ay napansin ko ang isang babaeng papalapit. Kumabog ng mabilis at malakas ang aking dibdib "Nanay.." "hindi ko pa kaya ito" papatalikod palang ako ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag ng aking ina gamit ang malamig na tono.
Nakangiti akong lumingon sa aking ina na sana ay hindi ko nalang ginawa sapagkat wala akong ibang makita sa kanya kung hindi pagkamuhi at pandidiri.
"N-na..nay" nauutal na tawag ko sa kaniya pero imbes na matuwa ay mas tumigas pa ang kanyang mukha.
"Anong ginagawa mo dito!" she snarled at me and I flinched.
"Gusto ko lang po kayong makita at makasama, gusto ko po sanang kumustahin si tatay at ang kapatid ko, nanay miss na miss ko na po kayo, walang araw na hindi ko kayo naisip lagi kayong nandito sa puso't isip ko mahal na mahal ko po kayo." hindi ko na napigilan ang mga luha ko, kusa na itong tumulo ng magkakasunod.
"Matagal na kaming walang anak na babae maliban kay Carmina, isa lang ang anak namin at kahit kailan ay hindi naging ikaw iyon!" may diin sa bawat katagang binitawan ng aking nanay na siyang nagpaluha sa akin ng husto.
Ang bawat salitang kanyang binitawan ay katumbas ng isang punyal na patuloy na humihiwa sa aking puso.
"Pero nay paano ako? anak niyo din po ako." nagsusumamong pakiusap ko ngunit naging bingi ang nanay ko sa mga salitang binitawan ko.
"Hindi kita kailanman naging anak, isa lang ang anak ko at yun ay si Carmina isang teacher at may marangal na trabaho, hindi kagaya mo na maruming babae, "POKPOK!" Ang sakit sobrang sakit na marinig sa magulang mo yung mga katagang kailanman ay hindi mo narinig sa ibang tao.
Akala ko masakit na yung walang taong rumerespeto sayo pero mas masakit pala na hindi mo makuha yun sa mismong pamilya mo.
"Nanay bakit ano bang nagawa ko na masama at ganito niyo ako tratuhin?" tanong ko sa mababang tinig ngunit nanatiling tahimik si nanay.
I began losing my patience because of her silence, so I snapped "Simula bata ako hindi ako kailanman nagreklamo, sa araw-araw na buhay ko noon wala akong ibang narinig sa inyo kung hindi ang pagkukumpara mo sakin sa kapatid ko, hindi ako nagreklamo kahit nung ipinagbili ninyo ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumbatan siya, sobra-sobrang sakit na ang nararamdaman ko, na kahit alam kong masama ang magsalita ng hindi maganda sa magulang ay ginawa ko pa din.
"Nanay kasalanan ko ba na ganito ako ngayon?" Naghihisteryang tinuro ko ang sarili ko
"Ako ba yung dapat sisihin sa nangyari sakin? Hindi ko naman ginusto ito eh, pero kayo? Oo ginusto niyo dahil kayo ang dahilan kung bakit ako nandito sa sitwasyon na ito. Ang sakit na ako yung sinisisi niyo sa kasalanang ginawa niyo! Nay! Diring-diri ako sa sarili ko, kung sinu-sinong lalaki ang bumaboy sakin. Pero alam mo kung ano yung masakit? Yung masakit sa lahat na yung sarili mong ina ay nilugmok ka sa putikan at hindi ka kayang iahon!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay umiiyak akong umalis sa lugar na iyon ng hindi alam kung saan pupunta.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na hotel na pwede kong matuluyan ngayong gabi. Nang makarating ako sa pinakamalapit na hotel kaagad na akong nag check in. Binaba ko lang ang mga gamit ko at umalis nadin ako para uminom ng alak sa bar.
Nakakatatlong bote palang ako ng beer ng may umupo sa magkabilang gilid ko at sabay na nagbuntong hininga. Sa narinig ko ay napalinga ako sa katabi ko at agad na nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dalawang unggoy na iniwan ko sa manila na ngayon ay nandito at uminom na din kagaya ko.
"Paanong-?!" I was shocked. I didn't even finish my sentence ng matawa sila dahil sa expression ko.
"Well, we kinda want to know kung maayos ka lang ba so we booked a ticket papunta dito." Cray explained
"And the rest is history" Said Carson
Tinungga ko ang natitirang laman ng beer na iniinom ko ng magsalita ulit si Carson. "Hindi naging maganda tama? He asked, the gentleness in his voice is soothing, I am too tired to talk so i just shook my head.
A lone tear escapes from my eyes as i remember kung anong nangyari sa muli naming pagkikita ng aking ina.
"Shhh, stop crying we're here, you don't need them, you only need us." pag-aalo sakin ni cray.
Paulit-ulit na bumabalik sa akin yung nangyari kanina. Lagi nalang nila akong binabalewala kahit nung bata pa ako.
"May mga tao talagang kaya kang wasakin ng paulit-ulit hano." nakadukdok na saad ko
"At may mga tangang kagaya ko na paulit-ulit na ngang sinasaktan pero paulit-ulit pa din nag papatawad" napabuntong-hininga nalang ako sa katotohanan sa sarili ko, na ang tanga-tanga ko.
"Shh.. Angel don't say that you are an amazing woman, and we love you" pag-aalo nila sa puso kong sugatan pero kahit yata ilang milyong pagpapalubag nila sa kalooban ko ay hindi nun maaalis ang sakit na nag-marka na dito.
I drink myself to insanity dahil yun lang ang kaya kong gawin and I am lucky because they drink with me hanggang sa hindi ko na kaya at ako na din mismo ang sumuko.
Ang huli kong natatandaan ay nung binuhat na ako ni cray, pagkatapos non nakatulog na ako ng tuluyan.

Moon Star: The Lucky Stipper (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon