32

2.7K 73 0
                                    

It was hard to move forward. For the first weeks, I always find myself in front of Kuya Matteau's tomb. I cried my heart out until I get exhausted and fall asleep. When I wake up, I'm already in my room.

Alam kong kapag ganoong nakakatulog ako sa sementeryo ay nakasunod lang sa akin si Tristan. Hindi naman siya lumalapit at hinahayaan akong umiyak. Kapag nakakatulog ay saka niya ako binubuhat para iuwi.

Sa mansyon ng Villarel na ako umuuwi. Doon din ako natutulog sa kwarto ni Kuya Matt. Ginawa ko iyong kwarto ko. Nandoon lang ang mga gamit niya. Hindi ko pinakialaman pero dinagdag ko ang iilang gamit ko.

I also had to go seek for a professional's help, and I am not ashamed of it. The past few months were hard that I sometimes wanted to hurt myself again to ease the pain I was emotionally feeling. I also had nightmares. I always wake up in the middle of the night and cry like a lost child because of those dreams.

All throughout the process of healing, Tristan was with me. He has been an effective support system for me even when I barely give him the affection he deserves to feel as my boyfriend. Minsan pakiramdam ko wala na siyang girlfriend dahil sa pagiging unresponsive ko.

Si Kuya Reo naman ay nakakakita na. Sumasalang pa rin siya sa therapies para sa paralyzed niyang paa. May suot na rin siyang KAFO at habang tumatagal ay nasasanay na siyang maglakad gamit iyon. Pabalik-balik din si Ivy sa Cebu para alagaan si Kuya kahit na hindi naman kailangan dahil nandoon naman sina Mama at Papa. Hindi ko naman din siya pinipigilan dahil alam kong gusto niya iyong gawin. Nitong nakaraang buwan lang siya huminto sa pagpunta roon.

"Congrats, Egsel Dianne! Isang taon na lang, ga-graduate ka na!" masiglang bati ni Margaret.

It's been eight months. Eight months of trying to live again rather than just existing.

Ngumiti ako sa kan'ya. Nakasuot siya ng toga at may nakasabit na malaking gold medal sa kan'yang leeg.

"Sana all graduate na!" sabi ko naman saka siya niyakap. "Congrats, Garet! Konting tiis na lang, magiging sugar mommy ka na namin ni Ivy."

Natawa siya at sinilip ang isa na nakasimangot habang tinitingnan kami.

"Congrats, Santo!" bati niya kay Ivy.

"Hmp! Sana all talaga graduate na!" maktol niya.

Naiinggit kasi siya na tapos na si Margaret at ako patapos na tas siya ay may tatlong taon pa. Nagrereklamo siya kasi matanda na raw siyang matatapos.

"Congrats, anak." Lumapit sa akin si Mommy at niyakap din ako. Ganoon din si Daddy.

"Nuks. Isang kembot na lang, ga-graduate na ang bunso namin," saad ni Kuya Reo at paika-ikang lumapit sa akin.

Nakangiti ko naman siyang sinalubong.

"Proud ka sa akin, 'no?" tanong ko.

Ginulo niya ang aking buhok at tumango. "Sobra."

"Congrats din, Marga, Angelus," bati niya sa dalawa kong kaibigan.

"Salamat, Kuya," si Margaret.

Inirapan lang siya ni Ivy. Wow. Ano kayang meron?

"Congrats, anak! Proud ako sa 'yo!" Si Mama Maricel naman ang lumapit sa akin para yumakap.

"Syempre, hindi rin ako papahuli!" ani Papa at sumali sa amin.

Natawa na lang ako.

Sa sakit na naramdaman ko dati, halos nakalimutan kong marami pa palang nakapaligid sa aking tao na mahal ako. Hindi ko kailangang magpakalunod sa lungkot dahil kahit may nawala mang isa, alam kong hindi ako pababayaan ng ibang kasama ko pa.

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon