20

5.4K 224 71
                                    

Kinabukasan ay tinakasan ko si Tristan. Sinadya kong maagang umalis sa condo para hindi niya ako maabutan. Alam niya schedule ko at alas syete ang simula ng klase ko ngayong araw at sigurado akong 30 minutes before ay nasa labas na siya. Kaya naman 6:00 AM pa lang ay umalis na ako. Ang outcome tuloy, maaga ako sa university. Wala namang problema sa akin dahil hindi lang naman ako ang maaga e.

Baliw lang ni Tristan kung iisipin niyang pagbibigyan ko talaga siya.

I mean, bibigay ako kapag nasimulan na. Syempre, aminado akong marupok. Nasa dugo ng pamilya namin 'yon. Pero dahil hindi pa nangyayari, ako na mismo ang iiwas. Knowing Tristan, baka kung saan na naman umabot kalandian naming dalawa. Lalo na't hindi ako maka-hindi sa kan'ya.

"Egsel!"

Napalingon ako kay Nathan. Lakad-takbo siyang lumapit sa akin at sumabay na rin papasok sa aming classroom.

"Aga mo ata ngayon ah," aniya.

"May tinatakasan lang," kibit-balikat kong sagot.

"Jowa mo?" Bago pa ako nakasagot ay natawa siya. "May ginawa ka naman bang kalokohan?"

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Grabe naman kayo ng tingin sa akin. May nagawa agad na mali? Sinabi ko lang naman na may tinatakasan lang ako kaya maaga ako ngayon."

Napailing siya sa sinabi ko. "Ikaw ata 'yong tipo ng babaeng may naiisip na kalokohan palagi, Egsel. Hindi na ako magtataka kung tinatakasan mo ngayon jowa mo."

"Wala akong jowa."

"Weh? Hindi mo jowa 'yong nagselos sa akin noong isang araw?"

"Boss ko 'yon."

"Pero possessive? Ako pa lolokohin mo, Selly."

Nangunot ang noo ko nang napansin ang bahagyang pagtinis ng boses niya. Huminto ako sa paglalakad saka siya hinarap. Napahinto rin tuloy siya at tinasaan ako ng kilay.

"What?" tanong niya.

"Tapatin mo nga ako. Baliko ka ba?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko saka ako hinila papunta sa gilid.

"Laki ng boses mo!" singhal niya ngunit pabulong din.

"So, ano nga? Tama ako? Baklush ka?" pangungulit ko.

"Shush! Paano mo 'yon napansin e hindi nga halata!" Inis siyang nagpapadyak.

I rolled my eyes. "Minsan nakakalimutan mo facade mo, beh. Sa akin ka kasi palaging dumidikit kaya napapansin ko minsan. Duh."

"Napakaano mo!" Lumapit siya sa akin at bumulong, "Secret lang natin 'to ah. H'wag mong sabihin sa iba. Kakalbuhin kita kapag may pinagsabihan ka tungkol sa deepest cutie secret ko."

"Hindi ko pwedeng sabihin kahit sa mga kaibigan ko lang?" tanong ko sa kan'ya.

"Wala akong tiwala sa Ivy na 'yon. Mabunganga," ani Nathan at inirapan ako.

Natawa na lang ako. "Okay. Sabi mo e."

Napangiti siya saka ako inakbayan.

"Grabe ka naman mag-observe ng tao, besh. Wala akong takas sa 'yo," saad niya habang naglalakad. Pareho naming tanaw na ang classroom.

"Kapag sinabihan ba kitang pinanghihinalaan kong jowa mo si Christofer, maniniwala ka?"

Para siyang napapasong lumayo sa akin.

"Bruha ka!" inis niyang pabulong na sigaw niya sa akin. "May lahi ka bang mangkukulam?"

Napangisi ako. "Pinanghihinalaan ko lang naman. Ikaw 'tong wagas maka-react."

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon