04

5.1K 223 21
                                    

“Aalis ka na mamaya, Egsel,” ani mamshie habang kumakain kami ng agahan.

Tumango ako. “Baka mga one po mamaya. Babyahe kami nang maaga dahil medyo malayo-layo pa naman airport dito.”

“Okay na ba mga dadalhin mo?” tanong naman ni papsh.

“Opo. Inayos na namin kahapon.”

Kita ko ang lungkot sa kanilang mukha. Kahit itong si kuya na katabi ko lang ay hindi ako iniimik. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi o dahil sa aalis na ako mamaya.

Pilit kong pinasigla ang atmosphere habang kumakain. Nagkwentuhan kami at ang dami namang bilin sa akin ang mga magulang ko. Kulang na lang ay ilista nila lahat para hindi ko makalimutan. Si kuya ay tahimik lang talaga. Ramdam kong napansin iyon nina mamshie at papshie pero hindi na nagsalita.

Pagkatapos kumain, si kuya ang nagrepresentang maghugas ng mga pinagkainan namin. Aalis naman mga magulang namin dahil pareho silang hiniram ng mga nasa Munisipyo para sa isang trabaho. Hindi nga lang permanente. Nangako naman silang uuwi bago ako umalis.

Tahimik na naghuhugas ng pinggan si kuya. Ako naman ay may ilang metro ang layo sa kan'ya at pinakikiramdaman lang siya.

“Rinig ko mga pagbuntong hininga mo, Selly,” biglang saad niya.

Napabuntong hininga ulit ako saka lumapit sa kan'ya.

“Gusto mo hug, kuya ko?” nanlalambing kong tanong.

Pinunasan niya muna ang huling basong hinugasan at nagpunas din kamay saka ako binalingan ng tingin.

“Mami-miss kita,” aniya.

Kahit nalulungkot ay napangiti ako.

“Alam ko. Ako paborito mong kapatid e,” sagot ko at niyakap siya.

Agad naman niya akong niyakap pabalik. “Ikaw lang naman kasi nag-iisa kong kapatid.”

Tahimik akong napatawa. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang balikat niyang umalog-alog. Napapikit ako nang marinig ang iyak niya at walang nagawa kundi marahang tapikin ang kan'yang likod.

“Hindi mo siya deserve, kuya,” saad ko. “Hindi niya deserve luha mo.”

Hindi niya ako sinagot at patuloy lang na umiyak.

Ito ang masakit para sa akin tuwing nasasaktan siya. Hindi siya umiiyak hangga't hindi ko siya yakap-yakap— hangga't hindi ako ang kaharap niya. Sobrang open ni kuya sa akin na maging ang mga luha niya ay kaya niyang ipakita sa akin.

Kuya Reo is too precious to be hurt like this.

“H'wag mo ulit 'yon iiyakan. Isang beses lang kitang papayagang umiyak dahil sa babaeng ‘yon,” ani ko.

Tumango siya saka humiwalay sa yakap.

“Umiiyak ako dahil aalis ka na. Hindi dahil doon kay Elise.”

Pabiro ko siyang inirapan. “Duh. Baka nga magsa-sayaw ka rito kapag nakaalis na ako e.”

May ngiti sa labi niyang ginulo ang buhok ko.

“Mahal na mahal ka ni kuya, bunso,” sabi niya.

Ako naman ang naiiyak na yumakap ulit sa kan'ya.

“I love you, kuya. Mami-miss ko kaingayan mo.”

“Ang kapal talaga ng mukha mo. Ako pa talaga ang maingay?”

Natatawa kong pinunasan ang aking luha saka siya muling hinarap.

“Dalawa tayong maingay kasi pareho tayong anak ni Mario at Maricel,” biro ko naman.

Natatawang tumango na lang din siya sa tinuran ko.

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon