33

3.1K 70 14
                                    

"This is one of my property," proud na saad ni Tristan nang makarating kami sa kan'yang private beach house sa Palawan.

"Ang ganda, Tristan," namamangha kong usal. "How long are we gonna stay here?"

"A week."

"A week?"

Nakangiti niya akong inakbayan. "Yep. A week of only you and me."

"Sigurado ka bang pabalik nating Manila ay virgin pa ako?" naninigurado kong tanong na malakas naman niyang tinawanan.

Hello? This is a private property. It means there's only Tristan and I in this place.

"Hindi ko rin sure. My libido will tell," mapang-asar niyang sagot.

"Marupok ako pagdating sa 'yo, Tristan," may pagbabantang sabi ko.

"I know, love. That's why I can't assure you, right? Marupok din ako kapag ikaw ang pinag-uusapan."

"Basta walang maghuhubad sa harapan ng isa't isa!"

"You mean, like this?" pilyo niyang tanong saka hinubad ang kan'yang t-shirt. Sinunod nito agad ang pantalon na suot. Ang tanging naiwan ay ang kan'yang boxer na may bumabakat na ano.

"Normal pa ba 'yang laki mo?" Turo ko sa kan'yang super junior. "Partida hindi pa iyan nakatayo ah."

Muli siyang natawa. "I'm a gifted male, love."

"Swerte ba ako dahil ako unang makakatikim niyan?"

"Sino may sabing matitikman mo 'to?"

Tumakbo siya papalayo sa akin nang nakitang hahampasin ko siya.

"Come on, Selly! Let's swim!" aya niya nang makalapit sa dagat.

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Kakarating lang namin tapos nagyayaya na agad siyang maligo? E hindi pa nga namin naaayos ang mga damit naming dala.

"Baliw ka talaga!" sigaw ko sa kan'ya.

"Come on, love! Come here!"

"Tirik na tirik ang araw, Tristan! Bumalik ka rito!" Saka galing pa kaming byahe. Pareho kaming pagod.

"It's already three in the afternoon, Egsel! Take a dip!"

Inirapan ko na lang siya. Bahala siya r'yan. Ayaw paawat e. Tinalikuran ko siya at diretsong naglakad papunta sa beach house niya. Nihindi pa niya ako nato-tour sa loob.

Akmang itatapat ko na ang card sa high tech niyang pinto nang may biglang bumuhat sa akin na parang sako. Napatili ako.

"Ayoko maligo! Ayoko maligo, Tristan!" sigaw ko at pilit na bumababa.

"Masarap sa pakiramdam ang tubig, love," aniya.

Tumakbo siya papunta sa dagat na para bang hindi ako buhat-buhat. Napatili ako nang ibinaba niya ako sa tubig dagat. The water was surprisingly warm. It did feel good.

"Masarap sa pakiramdam, 'no?" tanong niya.

"Heh! Ang bigat ng suot ko!"

Hinubad ko ang suot kong black t-shirt. Wala akong sando sa loob kaya bra na lang ang natira. Bumalik din ako sa medyo mababaw na parte ng dagat para maghubad ng sapatos at jeans. May cyclings naman ako kaya ayos lang. Rinig ko ang pag-whistle ni Tristan.

"Sexy talaga ng girlfriend ko!" sigaw niya. "Baka alagang Tristan 'yarn!"

Natawa ako saka muling bumalik sa gawi niya. Agad naman niya akong hinapit papalapit sa kan'ya.

"Sure kang walang ibang tao rito ha. Baka may manilip sa atin," ani ko.

"Bakit? May balak ka bang gawin, hmm, Egsel?"

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon