23

5.3K 219 33
                                    

"Sorry kung na-late ako. Nakipagkita pa kasi ako sa sekretarya ni Mr. Villarel. Pinapaabot daw 'to sa 'yo, boss." Binigay ni Justine ang isang buting box. "Cake 'yan. Si Mr. Villarel mismo nag-bake."

"Saan siya? Hindi makakapunta rito?" tanong ni Tristan.

"Busy daw. Babawi na lang daw siya, sabi no'ng sekretarya niya."

"Mga kuya mo, Ana? Hindi rin ba sila pupunta rito?" tanong naman niya kay Garet.

"Papunta na 'yon sila rito, kuya. Hinintay pa kasi nina kuya Aivan at kuya Amos si kuya Aino."

Napangiwi ako nang tawaging kuya ni Margaret si Tristan. Nakakailang na nakakapanibago.

"WOOOH!"

Napalingon kaming lahat kay Ivy nang sumigaw ito habang nakatapat ang microphone sa kan'yang bibig. Wala na siyang pakialam sa paligid. Hindi rin naman siya lasing pero sobrang ingay na niya kahit magda-dalawang oras pa lang kaming nakatambay sa labas.

"O ang galing. Galing kong sumayaw, galing kong gumalaw. Galing kong sumayaw, galing kong gumalaw, galing kong sumayaw. Bibong-bibo gumalaw! Aw!" kanta nito at nagpagiling-giling pa.

"Jusko. Awatin mo 'yan!" sigaw ko kay Margaret.

Sina mama't papa ay nasa lamesa lang at tinitingnan lang kami. Minsan ay tumatawa kapag may ginagawang kalokohan si Ivy.

"No'ng bata pa ako, tinuruan ako ng lolo ko ng tango." Kumikembot na lumapit sa akin si Ivy saka ako hinila papalayo kay Tristan. "Pasadoble, boogie, rhumba, itinuro ng tatay ko."

No'ng nag-ala Vhong Navarro siya na papoging gumiling sa harapan ko ay kunwaring tinakpan ko ang aking mata.

"Pinagsama-sama ko kaya ako ngayo'y bibong-bibo..."

"Tangina, Egsel. Sumayaw ka! Sayang isang libong renta ko sa karaoke na 'to kung hindi ka rin naman sasayaw!" sigaw niya sa akin pero hindi naka-microphone.

"Kinakantahan ang karaoke, gaga. Hindi sinasayawan!"

Umirap siya saka pinatong ang kan'yang braso sa kanang balikat ko at nang-aakit kuno na sumayaw.

"Kaya ang tawag nila sa akin, Totoy Bibo!"

"Bwesit ka, Ivy! Dapat Careless Whisper kinanta mo kung lalandiin mo lang din naman ako!" Pabiro ko pa siyang tinulak.

"Wala kasi si Johansen baby e!"

"Dapat si Tristan sinasayawan mo dahil siya naman may birthday!" sigaw ni Justine dahilan para mapalingon ako sa kan'ya.

"E kung putulan kita ng dila para hindi ka magkapagsuhesyon ng kung ano-ano?" sigaw ko rin pabalik sa lalaki.

Napatawa ang mga naroon. Kahit si Tristan ay tuwang-tuwa sa naging reaksyon ko.

"Sorry. Sadista talaga girlfriend ko," saad naman ni Tristan.

"Sinong girlfriend mo?" tanong ko.

"Ikaw."

"Weh? Hindi ko maalalang sinagot kita," sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Egsel!" angal niya.

Natawa ako dahil napatayo pa siya sa sinabi ko. Benelatan ko lang siya saka muling binalingan ng tingin si Ivy.

"Ano ba 'yan. Hindi ko na tuloy natapos ang kanta dahil ang iingay niyo!" reklamo nito.

"Woy! Bitiwan mo naman ang microphone! Hindi lang ikaw ang gustong kumanta, 'no!" singhal ni Margaret sa kan'ya. "Kung sino pang pangit ang boses, siya pa 'yong makapal ang mukhang kumanta nang kumanta."

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon