21

5.4K 231 60
                                    

Pagkarating namin sa shooting place ni Tristan ay agad siyang inasikaso ng kan'yang makeup artist. Ako naman ay tiningnan ang schedule niya sa mga susunod na araw. Kasama na roon ang tungkol sa kumpanya nito.

"Pati sa birthday mo may trabaho ka?" tanong ko sa kan'ya habang tinitingnan pa rin ang mga gagawin niya sa susunod na araw.

Nagpapalit na siya ng damit nang lingunin ako.

"Wala naman akong gagawin sa araw na 'yon," sagot niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Birthday mo 'yon."

"Oh tapos?"

"Tsk." Pinaikutan ko siya ng mata saka kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Justine.

"Who are you calling?" tanong sa akin ni Tristan pero hindi ko siya pinansin.

"Hey, Selly," bati sa akin ni Just nang sagutin ang tawag ko. "What's up?"

"Can you clear Tristan's schedule this 15? It's his birthday," pakiusap ko sa kan'ya.

Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Tristan sa narinig pero wala namang sinabi.

"Next week, right?" I said yes. I heard some ruffling noise from the other side of the phone call as if he's doing something. "July 15. Okay, Selly. I got this."

"Thank you, Just," ani ko.

"Sure thing. You planning something for his day?"

"Not sure pero ayokong pagtrabahuin siya," sagot ko na lang.

"O baka gusto mo ikaw trabahuin niya?" biro nito kasabay ng malakas niyang pagtawag mula sa kabilang linya.

Nagpasalamat lang ako ulit sa kan'ya saka siya binabaan ng tawag. Baka kung ano na naman sabihin ng mokong e.

"So you're the boss now, huh."

Napatingin ako kay Tristan at tinaasan siya ng kilay. Kasabay naman no'n ay ang pagkumpirma ng kan'yang makeup artist-slash-hairstylist na pwede na siyang lumabas. Agad naman siyang lumapit sa akin at awtomatikong pinulupot ang kan'yang braso sa aking baywang.

"What are you planning for my birthday, love?" masuyo nitong tanong.

Napalingon ako kay Samantha na naiilang na iniiwas ang tingin sa amin. Kimi siyang ngumiti sa akin nang mahuli ang tingin ko sa kan'ya saka tahimik na nagpaalam na lalabas. Nang mawala ang babae ay muli kong nilingon si Tristan.

"I don't know yet. Basta ang alam ko ay hindi ka pwedeng magtrabaho sa araw na 'yon," sagot ko sa kan'ya.

"Okay po, boss." Ngumiti siya sa akin saka ako hinalikan sa noo.

Napangiti na rin ako sa ginawa niya saka siya marahang tinulak.

"Labas na. Baka nasa labas na si miss Vernice!" pagtataboy ko sa kan'ya.

Napasimangot siya sa sinabi ko. "I want you to get jealous because we're having a wedding-themed photoshoot but you're not showing any sign of bitterness, Egsel. Nakakasama ka ng loob."

"Hindi ako magseselos kasi wala namang kaselos-selos," saad ko at inirapan siya. "Unless na lang kung sa mismong bibig mo lumabas ang mga salitang 'hindi lang 'to trabaho' o 'gusto ko siya' dahil talagang doon ako magdadabog, Tristan."

Ngumisi siya sa akin saka nilapit ang kan'yang mukha sa mukha ko.

"Kapag ba pinagselos kita, magseselos ka?" maloko niyang tanong.

"Hindi na kasi sinabi mo na plano mo e. Alam ko nang pagseselosin mo lang ako kaya bahala ka riyan kahit mag-momol pa kayo sa harapan ko."

Nilayo ko ang kan'yang mukha sa akin at naunang lumabas sa kan'yang dressing room.

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon