15

5.1K 218 18
                                    

"Who is she?"

Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng aking puso nang magsalita mama niya. Ang aga naman ng swerte ko. Pashnea!

"Mom, dad, what are you doing here?" kalmadong tanong ni Tristan.

"Aren't you going to let us in?" si dad niya.

Umalis naman agad ako sa daanan para makapasok sila.

"Pasok po..." sambit ko.

They both eyed me curiously before stepping in. Nang pareho na silang nakatalikod ay nagpa-panic akong humarap kay Tristan.

"Anong gagawin ko?" I mouthed.

"Calm down," bulong niyang sagot. "It's okay."

It's okay? Ginagago ba ako ng lalaking 'to? Paano ako kakalma e nandito nga mga magulang niya!

"So, how are you, son?" tanong sa kan'ya ng ina niya pero ang tingin ay nasa akin pa rin.

Napaigtad ako nang biglang pumulupot ang isang braso ni Tristan sa baywang ko. Hindi naman iyon nakawala sa paningin ng mga magulang niya.

Nananadya talaga ang mokong e!

"I'm fine, mom. Come on. Sa sala tayo," sagot niya.

Nauna kaming maglakad at nasa likod namin ang mga magulang niya. Gusto kong bigwasan si Tristan pero baka makita iyon ng mom at dad niya.

"U-Uhm. Magpe-prepare lang po ako ng meryenda niyo," saad ko nang makaupo sila sa sofa.

Ngunit hindi ako pinakawalan ni Tristan. Pinanlakihan ko pa siya ng mata pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Magtitimpla ako ng juice, Tristan," pabulong kong sabi.

"Hindi ka tatakas?" tanong niya sa akin.

Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan. "Baliw ka ba?"

"Hindi ka talaga tatakas?"

Sumilip ako sa mga magulang niya na tahimik lang nagmamasid sa amin. Nakakahiya naman 'to!

"Bakit ako tatakas? Magtitimpla lang ako ng juice! Bitiw na!" Saka ko siya siniko.

Napahawak naman siya sa tyan niyang natamaan, dahilan para mabitiwan niya ako.

Pilit akong ngumiti sa mga magulang niya saka nag-excuse. Nakahinga lang ako nang maluwag nang hindi na sila makita.

Wala naman kaming ginagawang masama ni Tristan pero sobra-sobra ang kaba ko na para bang nahuli kaming may ginawang mali.

Napahinga ako nang malalim saka nagtimpla ng juice. Buti na lang may cookies na mamahalin dito si Tristan. Iyon na lang nilabas ko at nilagay sa sala.

"You're planning to expand your business?" dinig kong tanong ng ama niya sa anak habang papalapit ako.

"Yes, dad. Mitt and I are on it already."

Maingat kong nilapag ang juice at cookies. Bumalik pa ako sa kusina para kumuha ng baso saka rin iyon nilagay sa center table. Pinaglagyan ko sila pareho sa baso habang nag-uusap pa rin.

They were talking about business but suddenly stopped when they saw me standing between them awkwardly just after serving them their merienda.

"Uh..." Pilit akong ngumiti na pakiramdam ko ay mas nagmumukhang ngiwi. "Sa kwarto na lang po ako para makapag-usap kayo nang maayos," paalam ko.

Please. Wala sanang aangal. Wala sanang aangal, dasal ko sa aking isipan.

Ngunit hindi pa ako nakakahakbang nang biglang magsalita si Mrs. Vargaz.

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon