Chapter 12 - Unsure

4K 159 42
                                    

"Avi wag ka ngang ngumingiti dyan ang pangit mo!"


Binatukan ko lang ito, ayokong masira ang mood ko. I know I looked creepy. Matapos kasi noong lumabas ako sa office ni Miss Ramirez ay hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko.


Hindi sila tumigil kakatanong kung saan ako nagpunta dahil hindi na raw ako bumalik, hindi rin naman sila nakakuha ng matinong sagot mula sakin kasi binabara ko lang sila. Ayoko ngang sabihin yung reason baka asarain lang ako ng tatlong panget. Mahirap na baka hindi talaga ko lubayan ng mga to.


I'm currently having a chillnuman with the squad. Actually si Ilog at Sage lang naman talaga ang nag-yaya, nadamay lang kami dahil gusto raw nila ng moral support buti nalang at hindi sa bar ang trip nila dahil ayaw kong mag-alaga ng lasing.


"Hoy! wag niyo ngang gawing ulam yang pulutan!"


"Pake mo, nagugutom nga ko!"


"Klaytong ikalma mo yang sikmura mo baka sikmuraan kita dyan tamo."


"Chillnuman ba to diba? ang iingay niyo!"


"Wala tayo sa library tigilan mo ko."


"Tumigil nga kayo." saway ko sakanila at kita kong nag make face pa sila sa isa't isa.


"Avirielle, kanta ka." Sage suggested.


Hindi ko feel kumanta ngayon kahit maganda mood ko tsaka wala si Ma'am- anong connect? napailing nalang ako.


"Sige na dali! tutal maganda mood mo lubos lubusin na natin!"


"Go bitch!"


"I second emotion!"


"Tara Avi." wala akong nagawa nang hilahin ako sa braso ni Ven. Hindi pa nga ko nakakaangal, eto nanaman sila sa kahihila sakin.


"Kuyang songerist, pwede po ba palitan ka muna netong kaibigan ko? may gusto raw kasi siyang haranahin." sabi ni Ven sa vocalist ng band.


Sinamaan ko siya ng tingin dahil kung ano anong sinasabi niya. Wala nga akong nagugustuhan nililigawan pa kaya.


Si kuyang vocalist naman ay mukhang nauto ni Ven. Kita ko ang malawak na ngiti nito samin.


"Sure! come here, lady. I'll introduce you to the audience." sabi ni kuyang vocalist sabay lahad ng kamay sakin.


Ven lightly push me because he knows that I'm hesitating if I will accept the guy's hand or not. Sa huli tinanggap ko nalang at tumuntong sa mini stage.


Nag-usap usap muna kami ng banda para sa song na kakantahin ko, nang makapili ay pumunta na kami sa harap kasama si Kuyang vocalist.


"Hello again everybody! I have this beautiful lady here and she's going serenade someone so let's give her a round of applause!" sabi ni kuyang vocalist tsaka binigay sakin ang mike, though wala naman talaga akong nililigawan. "The stage is yours, lady." bulong pa niya sakin at kumindat pa bago bumaba.


Our Impending SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon