Chapter 15 - Mall

3.6K 154 117
                                    

"baby," tawag ko sakaniya. Lumingon naman siya ngunit binalik din agad sa iPad ang atensyon niya.


Why am I with my little sis again?


My eyes rolled out of frustration. Kanina pa kami nakahiga rito sa couch sa living room pero ang batang ito wala atang kasawaan sa panunuod ng cartoons.


Wala naman akong magawa dahil gusto niya pati ako nanunuod. Dinamay pa ko. Naiwan ko sa kwarto ang phone ko kaya walang choice kundi sundin ang gusto niya.


Buti nalang may pagkain siya sa bag niya kaya kahit papano nalilibang ako. Hinayaan ko siyang manuod habang unti unti kong inuubos yung pagkain niya ng hindi niya na mamalayan. Wala naman akong pake bilhan ko nalang siya ulit pag naghanap.


Marahan kong hinahaplos ang buhok niya ng biglang kumalam ang sikmura ko. Napabusangot ako dahil naalala kong hindi pa pala ako kumakain ng kahit ano.


Paano ba naman, hindi pa ko nakakagising hinatid na rito ni Kuya dahil may emergency daw sa bahay.


Binilin niyang ako muna raw ang bahala since friday ngayon at wala akong pasok. Kukunin din naman daw niya mamayang gabi kaya pumayag na ko kahit labag sa loob. Sakin pa niya pinaalaga pwede naman siyang kumuha ng magb-babysit kay Eli pero okay na rin kasi makakapagbonding kami.


"Eli, come on, ate's hungry," I said and pouted. Jeez.


"Let's finish watching this first ate." tumingin siya sakin ng naka pout din at puppy eyes pa.


Cute.


Parang tanga kaming dalawang naka pout sa isa't isa. Parehong nagpapaawa.


"But ate is hungry, baby."


"Pwease ate? pwease?" hindi ako nakatiis ay kinurot ko ang pisngi niya. Sarap niya lang isako.


"Alright, last na yan ha. Ate's really hungry." pagyapag ko na ikinatili niya.


Muli kong hinaplos ng marahan ang buhok at ipinikit ko lang din ang mga mata ko habang hinihintay matapos ang pinapanuod.


Ilang minuto ang nakalipas ng marinig ko siyang magsalita. Hindi ko nalang pinansin baka tungkol lang sa pinapanuod niya.


"H-hey! Don't throw that, t-that's mine!" Eli voice broke kaya naalarma ko.


Napakunot ako ng noo at dahan dahang dimilat.


"What's wrong baby?" nag-aalalang tanong ko at napansing hindi siya sa ipad nakatingin kaya patingin din ako sa tinitignan niya.


It's Ma'am Ramirez with her usual poker face. Hawak niya ang laruan ni Eli na nakakalat at nasa tabi siya ng trashcan. May balak atang itapon. Ang aga aga ang sama ng timpla.

Our Impending SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon