epilouge

40 0 0
                                    

Nagising si Mayo na hinahabol ang hininga at pawisan. She had the worst nightmare that night. Hindi n'ya gustong pumikit dahil natatakot s'yang maalala ulit ang panaginip na iyon.

In her dream, her sister died. Napakayap s'ya sa sarili nang makaramdam ng pangingilabot. Alam n'yang panaginip lang 'yon pero ang takot na hatid no'n ay kakaiba.

It somehow felt real, she thought.

Madilim pa ang paligid. Kinapa n'ya ang cellphone sa table at binuksan. It was 2:00 am. Maaga pa.

Napaisip tuloy si Mayo.

Ano kayang ginagawa ngayon ni Ate?

"And when did I start caring about her?" sarkisto n'yang tanong sa sarili. Pinilig n'ya ang ulo para makalimutan ang panaginip. Inayos n'ya ang unan at kumot saka muling humiga para bawiin ang kan'yang naudlot na tulog.

***

Samantala, patuloy pa 'rin sa pagtakbo si Jam. Masakit at namamanhid ang kan'yang mga paa ngunit hindi pa 'rin s'ya tumitigil. Gabay n'ya ang flashlight sa kan'yang cellphone sa pagkatakbo.

Wala pa 'ring signal kaya hindi s'ya makatawag o makapag-text.

Muli n'yang naalala ang habilin ng kaibigan. 'Wag kang hihinto. 'Wag kan lilingon. Tumakbo ka lang.

Pinunasan n'ya ang naghalong pawis at pisngi sa kan'yang tabi. Nanghihina na ang dalaga pero ayaw n'ya pa 'ring itigil ang paa sa pagtakbo.

Hanggang sa...

"D'yos ko, salamat!" napasigaw na lamang s'ya sa tuwa nang sa wakas ay natagpuan n'ya na ang daan palabas ng gubat— ang main road!

Ang mas kinatuwa n'ya pa ay nang makita ang isang nakaparadang sasakyan. Maari s'yang humingi ng tulong sa may-ari noon.

Mas binilisan n'ya pang tumakbo. Pumipintig ang puso n'ya sa galak!

Nang makalapit s'ya sa sasakyan ay halos mangiyak s'ya. Nakalabas na s'ya ng gubat, ligtas na s'ya!

Sinilip n'ya ang loob ng sasakyan.

"Walang tao?" tanong n'ya sa sarili.

Paano s'ya makakasakay ng sasakyan? She didn't even know how to drive.

"TABI!" May kung sino ang malakas s'yang tinulak at bumagsak sa lupa. She cried in pain because that made her ankle to twist.

Nilingon n'ya ang tumulak sa kan'ya.

Si Moises!

"Moises!"

"Sorry, Jam. Gusto ko pang mabuhay!" ani Moises saka pumasok sa loob ng sasakyan. Dahil marunong s'yang magmaneho, madali n'ya lamang nabuksan ang makina nito.

"Moises, 'wag mo akong iwan! Moises!Moises!"

But it was too late, Moises sent the car flying down the road.

And she was left there... dying.

"M-Moises," she uttered. Gusto n'yang habulin ang sasakyan ngunit alam n'yang wala na s'yang lakas—naubos na kakatakbo.

Nakahiga lamang s'ya sa gilid ng madilim at malamig na kalsada.

"Moises..." huling bulong nito bago nawalan ng malay.

Samantala, sa loob ng sasakyan ay umiiyak si Moise, inuuntog ang ulo sa manubela.

"Sorry, Jam! Sorry! Sorry! Sorry!"

He continued driving the car back to the city of Hillshade...

Their sinister night might have ended.

But another night will come soon... and that will be more sinistrous and deadly.

End of Epilogue.

A/N:
      Thank you for reading SN. I hoped you like this version of this story. Kung nabitin ka, 'wag ka mag-alala. The 2nd installment will come soon.

SINISTER NIGHT | CompletedWhere stories live. Discover now