o5

33 3 0
                                    


Jam

     "Beh, 'wag ka na umiyak," umupo sa tabi ko si Rachel. She was wearing her swimsuit, and I was wearing mine too. Pinapanood namin ang mga kaibigan namin na nagtatampisaw sa ilog dito sa likod ng haunted house. Nasasanay na tuloy akong tawagin 'yon na haunted house.

According to Yvone, her mother's family own this land. Simula sa haunted house na ito hanggang sa kadulu-duluhan ng gubat na ito. In fact, on the other side of the lake was a summer camp. Camp Swanlake. Her auntie runs that camp that opens in summer season. Doon kami tuwing summer. Another fun fact, I am one of the camp leader there.

Pero speaking of this lake...

Wala naman sigurong alligator na lumalangoy-langoy sa ilog na 'to, 'di ba?

"Ito o, snack. 'Wag ka lang umiyak," inalok n'ya sa akin ang hawak n'yang titserya. Natawa ako sa gesture n'ya. It felt like she was treating me like a goddman toddler na kakatapos lang mag-tantrum.

Actually, I was done crying. Kaso bakas pa 'rin sa namumula kong mata ang pag-iyak kanina.

Akmang kukuha na ako nang biglang may isang hampas-lupang kamay ang biglang dumakot rito. Muntik na ngang matapon kung hindi lang namin nahawakan ng maigi.

"Pahingi!"

"Leche, nagpaalam ka nang nakadakot ka na!" asik ko sa  kanya. The latter laughed at me.

"Gwanon dapwat!" wika nito habang puno ang bibig. May tumatalsik pa ngang pagkain sa bibig n'ya. Kadiring bata!

"Alam mo, Kobe. You really needs Jesus, oo. Kulang na kulang ka na sa pananampalataya," turan ni Rachel.

"Hoy! Nagpre-pray kaya ako!" Buwelta nito.

"Oo, kay Satanas," banat ko. Nagmake face lang ito sa harapan namin at nilabas ang dila n'yang may tira-tira pa ng kinain.

Kadiri talaga!

"HOY! ANAK KAYO NG MGA MAGULANG N'YO! 'WAG N'YO UBUSIN 'YONG FOOD SUPPLY NATIN!" Sigaw ni Gwyneth sa malayo. Kasama n'ya si Gabriel na iniihaw ang mga isdang hinuli nila rito sa ilog. Gabriel knew how to catch fish dahil mahilig mangisda ang tatay n'ya— bonding ba nila.

"Si Kobe kasi, e!" asik ni Rachel. "Tinago-tago ko nga e!"

Tirik man ang araw nang hapon na 'yon, hindi no'n kami napigilan para magtampisaw sa ilog

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tirik man ang araw nang hapon na 'yon, hindi no'n kami napigilan para magtampisaw sa ilog. Para kaming mga batang naghabulan sa tubig, nagwisikan, at 'yong iba nagpatagalan pa sa pagsisid.

Hindi na namin tinangkang lumayo pa dahil takot kaming malunod at malapa ng buwaya, kung meron man dito.

Nang mapagod naman kami ay pinapak namin ang mga isdang inihaw nila Gwen at Gabriel. Wala kaming tinira 'ron, maski tinik ay hindi na namin pinalagpas.

SINISTER NIGHT | CompletedWhere stories live. Discover now