Chapter Two - Name

22 11 0
                                    

I grit my teeth. Then I narrow my eyes. I followed my attention to the lanky boy walking like a weak chopstick while my friends and I are in front of the canteen.

Nang makaramdam ng pangingilo, tinigil ko ang ginagawa. Kinuyom ko nalang ang kamao bilang pagpipigil na ungasan ang nerd na 'yon!

How dare he! How dare he!

It's been hours since that happened but my blood is still boiling. 'Yong pakiramdam na napupuno ka na pero wala kang mahanap na pagbuhusan sa galit mo? Hanggang sa nakikita ko ang pagmumukha ng nerd na 'yan na parang walang kasalanan na ginawa sa akin kung kumilos, nag-iinit ang ulo ko. Pwede na maging heater. Tapos may benefits kung gagawin nilang inumin ang mainit kong dugo dahil dugo 'yan ni Damian Estrova... Pero, ang weird.

"Fuck," I can't help but utter that magic word. Fuck dahil naririnig ko ang ungol sa tinitignang p*rn ni Nazreal. Nakita sa gilid ng mga mata ang pagbaling ng mga kaibigan ko sa akin. Pero may isang hindi lumingon, obvious naman kung sino. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at nagtanong. "Did you know about that..." I don't know what to address him. Nerd? Transferre? Boy? Student?

Nahinto sa paglantak ng ice candy si Sebastian, lumayo ang likod niya sa pader, nakakunot ang noo at nasa akin ang buong atensyon. "Sino?"

Nagtataka rin akong tinignan nina Nazreal at Coran. Oo, sila lang, dahil si Jonathan ay nanatiling nakaupo sa sahig. Walang pakealam sa mundong kinabibilangan ni Damian Estrova.

Ginamit ko ang nguso para ituro ang hinayupak na transferee na hanggang ngayon ay nasa quadrangle pa rin dahil ang bagal maglakad. May dala siyang libro at galing siguro sa library.

I tsked, cannot surpass the annoyance I am feeling.

Sebastian chuckled. "What a! Even the great Damian Estrova knows that nerd? Yow bro, this is new. This is something new!"

"Siya iyong tinutukoy ko kanina, e'! Nakikinig ka pala sa akin, Dam?"

"That's Gio Monterde or Gioachino Monterde." Sagot ni Coran.

Umangat ang isang kong kilay. Nanliit ang mga mata ko kay Coran at inisip kung paano niya nalaman ang pangalan ng nerd na 'yon. Napansin ko ang paglunok niya.

"N-Nakasama ko kasi siya sa library noong isang araw, D-Damian. Medyo nagpakilala kami... dahil k-kami lang naman ang tao sa library." Natataranta at nauutal niyang dagdag.

Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin, e' 'di ikaw na may alam sa pangalan niya. Palabas na si hinayupak - Gio nang matanaw ko siya. Muli akong bumuntong hininga. Now that I know his name, my anger quickly subsided.

But not entirely erased from my organs!

"Yow, bro, bakit mo pala natanong? Naiinis ka sa lalaking iyon, 'no?"

Nasira ang panandaliang katahimikan dahil sa boses ni Sebastian. Naiinis akong bumaling sa kanya. "As much as you do."

Tumawa siya ng malakas, humakot ng mga ulo ng tsismosa kaya napailing nalang ako. As much as possible, ayaw kong madumihan ang records ko. Iyan ang magpipigil sa akin para makamit ang average na 100.

Ayaw ko talagang madumihan ang records ko. Pinaghirapan kong linisin ang ugali dito sa school para maging 'perfect' student model, hindi dapat ako nagpaplanong sirain ang buhay ng transferee na nerd na 'yon ngayon. Hindi talaga, hindi ako nagpaplano.

Damian Estrova? Being a bully? It sounds cool but I will pass. For now. Kasi nakukuyom ko pa ang galit ko.

Kung sasagabal na naman ang nerd na 'yon sa patience na matagal ko nang pinag-iipunan. Ibubuhos ko talaga lahat sa kanya ang frustrations na naranasan ko habang kinakamit na maging 'perfect' student kung sakali man.

Dahil makita lang ang pagmumukha niya, nakakapang-init na ng ulo. Ang pangit! Sobra! Nakakapanira ng araw!

Siya siguro ang dahilan kung bakit ako minamalas ngayon!

"Hey, Coran. Buy me ice cream!" Utos ko sa katabi. I only need a cold dessert to cool down this boiling blood. Wala na, e'. Wala na akong maisip na sulosyon para makalma ko ang sarili ko.

Nakakainis na kasi, e'.

"Ah? Okay..."

"Meh, kailan tayo babalik sa room? Tulog na tulog na ako!" Nakaalis na si Coran nang biglang magsalita si Jonathan na nakaupo na naman sa sahig. Napaka tamad niyang tao, kahit pagtayo mapapagod pa rin. Mabuti nalang at marunong akong dumisiplina sa sarili ko at hindi nagaya sa katulad niya.

Always be productive and look for what's ahead.

"You just slept, mate." Si Nazreal sa kanya. Agad nalihis ang atensyon nito nang may dumaan na grupo ng mga babae sa harapan namin. After all, we are in front of the canteen. At ang nagsuggest ay si Nazreal, sino pa ba?

Umirap ako at tinanggal sa pagkakakrus ang mga kamay sa harap ng dibdib at umayos ng tayo.

Naghagikgikan ang mga babae nang lumapit si Nazreal sa kanila. 'Yong babaeng nasa pinalikod ay hinawakan niya sa bewang at may binulong. Pairap akong umiwas ng tingin dahil nauumay na sa galawan ng malanding iyon.

Why those girls are dumb? Can't they see Nazreal is up for something? Hindi ka tutugunan niyan kung mabuntis ka man. Hindi siya responsible. Hindi katulad ko na inaako ang kamalian, pero ako si Damian Estrova at wala akong kamalian dahil hindi ako aligaga magdesisyon.

I frustratingly wait for Coran to arrive. While Sebastian also entertains the group of girls in front of us. And Jonathan went back to take a nap on the ground.

Nang makabalik na rin si Conan ay siyang pagring ng school bell. Hudyat na magsisimula na ang klase sa hapon. At dahil nawalan na ako ng ganang kumain, binigay ko nalang kay Sebastian ang ice cream tutal gusto rin naman niya.

At gaya kanina, pagpasok sa room ay lahat ng ulo ay nagtungo sa amin. Nanatili akong tutok kung saan nakaupo ang nerd na 'yon habang patungo ako sa aking upuan.

And the damn nerd didn't even bother to lift his head to look at us. The audacity to do this to Damian Estrova!

I tsked. Nang makarating sa harap ng upuan, padabog akong umupo at nilabas na ang libro sa unang subject ng hapon. Bumalik na sa dating kalagayan ang classroom pagkatapos n'on. Habang nagbabasa, narinig ko ang mahinhin na boses ng teacher namin sa Araling Panlipunan.

"Good Afternoon, grade ten. So ngayon--"

"Cher! 'Wag nalang tayo maglong quiz! Hindi pa kami handa!"

"Don't worry, students. Next week na 'yan. May sudden announcement kasi at immediate response kaagad ang kakailanganin. Please listen first then I will let you ask me afterward. Are we clear?"

"Yes, Teacher!"

Pinaliwanag niya ang mangyayaring camping ngayong gabi na iheheld dito sa school. I don't know why but participating could add to my grades. Desisyon namin kung sasali ba kami o hindi. Dahil biglaan naman kasi ito.

Almost half of my classmates decline the event and the rest were fine. And I am among those who will participate. Because this mysterious transferee nerd is participating too.

Big Brain: What?Where stories live. Discover now