Chapter Nine - Fireworks

15 8 0
                                    

Ugh, I cannot take this anymore. But I should continue. Maybe for a bit then I will stop.

***

For some unknown reason, my heart is thumping fast. My brain feels like falling apart.

Napahawak ako sa sentido at hinilot ito. Naramdaman ko ang pagtingin ng mga kaibigan ko sa akin at agad nagtanong kung anong nangyari sa akin. Hindi ko sila sinagot dahil nakakapagod. Halata naman siguro na may problema sa akin tapos tatanungin ako kung okay lang ako?

May mga mata ba kayo?

There was a moment of pause around me. Like the time stop. Literally. Tapos wala sa sarili akong bumaling sa gilid ko at katabi ko na si Coran na may dalang bag. Bag ko!

"D-Damian... Nakuha ko na." Nahihiya niyang sabi at nilahad sa akin.

Nagtataka ko itong tinanggap. "Ang bilis naman yata?" Kakarating lang namin dito at hindi naman malayo ang soccer field sa high school building. He should be stranded along the way back to the room. Dahil paggugulohan siya ng mga babae.

Well, hindi siguro siya gusto ng mga babae kaya para siyang hangin kung itrato nila?

Natawa ako.

"E-E', nasa second floor na ako nang madaanan ko si Gio na dala ang bag mo." Sagot ni Coran.

Natigilan ako. Matagal bago ko iyon nakuha. "Huh?" Paano niya nalaman na pinapakuha ko ang bag ko?

"Ang bait nga niya, e'." Dagdag ni Coran.

Nag-apoy sa galit ang mga pisngi ko sa sinabi niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Umalis ka nga sa harapan ko! Pumunta ka sa nerd na 'yon!" Sigaw ko.

I expected people will look at us!

And surprisingly, no one look at me. Like they never heard it. Ang lakas n'on, maikukumpara mo na sa boses ng tao kapag gumagamit ng microphone! Nevertheless, that doesn't matter.

Atleast, mareresolba ko pa ang malinis kong reputation.

"Umalis ka na, Coran." Mas kalmado kong sinabi. Mukha namang nagulat at hindi makapaniwala si Coran sa harapan ko.

"O-Okay..." At lumayo nga siya na sa puntong hindi ko na siya makita sa buong soccer field.

Napupuno na rin kasi ng mga estudyante ang camping site dahil ilang minuto nalang at magsisimula na. Dahil malapit na rin naman magsisimula, hindi nalang kami umalis sa pwesto namin at naghintay.

Sa loob ng thirty minutes, nagsimula nang mangalay ng mga paa ko kaya inutusan ko si Sebastian na kuhanin ako ng upuan. Mga alipin ko kasi.

Unti-unti na ring napupuno ang soccer field at umiingay na sa mga tsismisan ng mga estudyante. Nakadekwatro ang mga paa ko habang nakaupo, nakatingin sa buong paligid.

Nagsisimula na ring dumilim ang langit, hudyat na malapit na magsisimula.

At ilang sandali, nagsisimula na nga.

Nagsigawan ang mga estudyante nang umapak sa mini stage ang school principal kasama ang secretary niya. Kumaway ito sa mga estudyante bago lumapit sa microphone.

"Good day! I am requesting everyone. Especially the students, to gather on the soccer field. The Camping Event is about to begin!" Anunsyo nito.

Nagsigawan ang mga estudyante. May mga pangalan silang binabanggit, siguro tinatawag ang mga estudyanteng hindi pa dumadating dito.

While the three of us transferred our chairs in front of everyone. Malapit kami sa mini stage. Tumingin ako sa paligid at agad nahilo sa dami ng estudyante sa likod ko. Ewan kung nandoon ba si Coran.

Anong pakealam ko sa germs na 'yon?

"This is the very first camping event our school has held! And I am looking forward to it! I know that everyone wasn't ready for this but I am really glad that some of you stayed and participate! Thank you, dear students!"

Nagsigawan na naman ang mga estudyante.

"Okay, for starting the event. We will be having a bunch of fireworks ready to officially start the Camping! Okay, students! Let's count from ten to one!"

"Ten!" It was loud.

"Nine, eight, seven!" It was louder. And the students clapped.

"Six!"

"Five!"

"Four!"

"Three!" My heart started to thump violently. It feels like the moment I have been waiting for is yet to come into my palm!

"Two!"

"One!"

And that night became the loudest of all. The dark sky turns into colorful light as the fireworks started to scatter around the spacious sky. Buong lakas na nagsigawan ang mga estudyante na sinabayan ng drums ng iba.

My brains start to palpitate and then everything turns black.

I growl in pain when I felt that sting in my head. Nagmulat ako nang mga mata at natakot dahil wala akong makita kung hindi kadiliman.

Nang biglang may ilaw na lumabas. Parang sa mga theater. 'Yong paraan nang magpapakilala nila sa mga karakter. May ilaw na biglang lalabas galing sa tuktok nila at tanging sila lang ang makikita sa stage. Parang ganoon.

At nakita ko ang nerd na 'yon! Si Gioachino Monterde! Nakatayo siya sa harapan ko na nakangisi!

Big Brain: What?Where stories live. Discover now