Chapter Four - Silence

16 11 0
                                    

"Utak?" Natatawa kong ulit.

Sino namang taong interesado sa gan'on? Siyempre, ang nerd na 'yon!

Seryosong tumango si Coran sa akin. Bahagya akong natakot sa seryso niyang mukha kaya nawala ang aking ngiti. Tumikhim ako at umayos ng upo. Wala naman akong maling sinabi, a'. Kung makatango parang makasalanan ang ginawa ko! Life sentence ba?

"Wala ka na bang ibang alam maliban doon?"

Umiling siya. Pinaalis ko rin siya kalaunan. Hindi ko na mapipiga ang taong piga na ang utak. Hinilig ko ang likod sa aking upuan at nag-isip nang paraan para makaalam tungkol sa pagkatao ng nerd na 'yon.

Hindi ako magpapalampas sa kahit sino! Kahit pa sa gaano kadami ang alam ko tungkol sa hinayupak na 'yon!

He's so weird. Ngayon lang ako nakasalamuha ng taong walang pakealam sa akin. I have been the apple of the eyes of many. With my ethereal features, next level of genius and I came from a well-known family that runs a successful business. And they even labeled me as a handsome prodigy. I referred to myself as a prodigy as well.

I can't understand him! He can't see me? He can't hear the rumors about me? Why can't he be like anybody else? Why can't he be normal? He is so weird.

Weird... Like weird. Creepy weird. Ganoon ang nararamdaman kong weird sa kanya.

Bago lang siya nagtransfer sa school. Dahil patapos na ang second quarter... I assume noong kakasimula lang ng second quarter siya nandito. At first, hindi naman talaga niya nakuha ang atensyon ko.

"Okay, class. You have your new classmate. Galing siya sa Cebu kaya be friendly and nice to him, okay?"

As I remember, it was followed by a deafening silence. Gusto ko nga matawa dahil doon. Ikaw, mabalewala? Ang laking kahihiyan. Mabuti nalang hinding-hindi iyon mangyayari sa akin dahil ako si Damian Estrova.

Snickering, I glance at the nerd while thinking about that scenario. Napatalon ako sa kinauupuan nang makitang nakatayo na siya at mukhang aalis ng classroom. Napabalikwas ako at agad tumayo. May nabunggo akong tao sa likod pero hindi ko na pinansin.

Lalabas ba 'yon?

Tama nga ang hinala ko, lalabas nga ang nerd na 'yon. Sinundan ko siya ng patago. Hindi ko alam kung napapansin niya ba ako dahil mukhang lutang siya at nakahawak ang mga kamay sa ulo. Pero ginawa ko pa rin ang lahat para hindi niya mapansin na may sumusunod sa kanya.

Nakalabas na kami ng high school building pero patuloy pa rin ang lutang niyang paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa pero nac-curious ako sa gagawin niya. Conscious, kada oras akong tumitingin sa paligid kung nahalata ba ng mga estudyanteng nadadaanan ko na may sinusundan ako pero para lang akong hangin kong dumaan. Hindi ko alam kung bakit...

Nevertheless, lumiko ang nerd nang marating namin ang elementary area. Kumunot ang noo ko pero sinundan pa rin siya.

May kababalaghan siguro siyang gagawin? Pwede ko siguro iyon gawing pangblackmail? Para makita ng lahat kung gaano kaliit ng t*te niya!

Hindi ko napansin na pinagpawisan na pala ako kung hindi ko lang aksidente hinawakan ang mukha. Ang lakas rin ng tibok ng puso ko at ang bigat ng katawan.

First time ko kasi itong gawin. Baka may makahuli sa akin.

Dumilim ang paningin ko saglit at muntik nang matumba. Mabuti nalang at may lakas pa ang mga tuhod ko. Lumiko rin ako at patuloy ang ginawang pagsunod sa nerd.

Ayon at nakatayo malapit sa kahoy. Anong ginagawa niya dito? The place is creepy... Like him.

Para akong naglalaho na ewan at paminsan-minsan dumidilim ang paningin. Pero nanatiling tutok ang mga mata ko sa nerd at sa susunod niyang gagawin.

Nang biglang bumagsak ang katawan nito. Gusto ko sanang suminghap at sumigaw pero hindi ko mahanap ang boses ko. Nababahala akong tumingin sa paligid pero wala akong mahawakan bilang suporta.

May biglang dumaan sa gilid ko at nakitang si Coran 'yon! Tatawagin ko na sana siya nang lumagpas siya sa akin at mukhang pupunta sa nerd na 'yon.

Hey! Coran! Can't you hear me! Nandito ako!

I was about to step forward but suddenly everything went black.

Big Brain: What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon