Chapter Six - Espionage

14 8 0
                                    

One hour has passed. The whole class is still noisy and busy but my eyes are locked on the nerd. I am watching what he will do next because why not? I'm Damian Estrova! I can do whatever I want!

Kahit nga buhusan siya ng mainit na tubig kaya ko! Dahil ako si Damian Estrova! Lahat ng gagawin ko, ayos lang sa kanila dahil ako si Damian Estrova.

Sa loob lang ng isang oras, ang tanging ginawa niya lang ay ang magbasa nang magbasa. Nalulumay na nga ako kakatingin sa kanya pero hindi ko dapat tigilan dahil unpredictable ang nerd na 'to!

Baka bigla nalang itong tumabling tapos mabalian ng buto. Deserve.

Ayon nga at biglang tumayo. Imposible palang tumambling siya, wala kasi sa hitsura. Gaya nang ginawa ko kanina, sinundan ko siya dahil mukhang lalabas na naman. Nagpatuloy ang paglalakad namin hanggang sa makalabas ng high school building. But this time, sa ibang direksyon naman siya dumaan.

Patungo sa quadrangle!

Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa likod niya. Nasa kalahating kilometro yata ang layo ko sa kanya pero kitang kita ko kung gaano siya kalamnay maglakad. Nakatingin na nga sa dinadaanan pero nabubunggo pa rin. Para rin tuloy akong nabunggo dahil may naramdaman akong pwersa galing sa kung saan.

Parang umaabot sa akin ang kamalasan niya.

Alam ko naman na masama talagang magbintang. Dapat inaako ang kamalian. Pero wala naman akong ginawang mali! Kasalanan ng nerd na 'yan kung bakit ako naging ganito! Kung hindi ko lang siya nahuling nakatingin sa akin at binalewala ako, hinding-hindi ko talaga 'to gagawin!

Nevertheless, lumabas kami ng quadrangle. Akala ko sa canteen siya tutungo pero nilagpasan rin namin iyon. Doon lang siya tumigil sa paglalakad nang makarating siya sa harapan ng library.

Napabuga nalang ako ng hangin. Where else would he be going? Of course, the library.

This is useless.

Tinigil ko na ang espionage na ginawa at planong bumalik na sa classroom. Wala ako sa mood magbasa dahil wala akong dalang alcohol. Alcohol dahil maraming germs na naninirahan sa library. Coran, nerd, librarian, sipsip, feeling matalino at ang mga gustong matulog.

Kasalukuyang naglalakad nang nilagay ko ang mga kamay sa loob ng bulsa, magfe-feeling cool tayo dahil maraming tao. Naalarma ako at agad umiwas nang may dumaan na mga estudyanteng may dalang camping materials.

Magagalit na sana ako pero huwag nalang. I remember my goal of being the 'perfect' student. Dapat, mabait at kalmado sa lahat ng panahon.

Oh! They are setting up the venue! I realized.

Gusto kong makita ang pag-aayos kaya nagtungo ako sa soccer field kung saan ihe-held ang event. Nang makarating, tumatango ako dahil wala pa akong nakikitang tent. Hindi pa inaayos.

Naghintay ako nang ilang minuto at dumating ang mga lalaking may dalang mga lamesa at upuan. May mga iilang babae ring nakisabay sa pagbubuhat. At ilang sandali ay nagsimula na silang mag-ayos.

Tumango ako at nasiyahan na sa nakita kaya babalik na ako ng classroom. Nang makapasok, natigilan ako nang walang ulong bumaling sa akin. Kumiling ang ulo ko sa gilid at nagtatakang tinignan ang kabuoan ng room. Damian is about to enter the room! Look at me!

Feeling of snaping, tumingin rin ang mga ulo ng mga kaklase ko sa akin. Natanggal ang pagtataka sa mukha ko at saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa upuan.

Nang makaupo, hindi inakalang dumilim ang paningin ko. Parang... Nagshut down ang sistema ko.

***

I need some adjustments. Because of things bothering me, some minor incidents needed to happen but I neglect to do them in my head.

I need a thirty-minute break and I will resume...

Big Brain: What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon