Chapter Five - Endless

17 9 0
                                    

Minulat ko ang mga mata. Nasa classroom ako. Nilibot ko ang tingin sa paligid at pareho pa rin sa dati, magulo at maingay.

Hinilig ko ang likod sa upuan at naisip tignan ang nerd. Nagkasalubong ang mga kilay ko nang hindi ko siya makita sa kanyang upuan. Biglang may anino akong natanaw sa entrada ng pinto, nakita ko si Coran at nakaakbay sa kanya ang nerd na 'yon!

Saan sila galing?

Umayos ako ng upo nang makalapit sila sa lamesa niya. Nagkasalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanila.

"You deserved gratitude for helping me, Coran."

Nagulat ako nang marinig ang boses ng nerd na 'yon. I heard it! I heard his voice... And it sounds a little bit like me. But the difference is his voice is heavy and lacks emotion.

"Okay, lang. A-Anong nangyari sa 'yo?"

"Just feeling dizziness."

"O-Oh? Sige. Sigurado ka b-bang sasali ka pa rin sa camping?"

"Hm-mm. Once again, thank you."

"Y-Your welcome!"

Ngumuso ako at nakaramdam ng inis kay Coran. Sinabi niya sa akin kanina na wala na siyang ibang alam sa nerd na 'yon maliban lang doon? Ano pala 'to? Parang close kung mag-usap silang dalawa!

Ang ayoko sa lahat? Sinungaling! Ang dami na ngang sinungaling sa mundo, dadagdag pa siya? Hindi na talaga aayos ang mundo na 'to kung ganoon!

Umiwas ako ng tingin at yamot na yamot na naghihintay sa wala. E', wala akong magawa. Hindi naman ako kinakausap ng mga 'kaibigan' ko kung wala silang kailangan sa akin. Hindi ko rin sila kailangan kaya pataasan nalang kami ng pride. Nakita sa gilid ng mga mata ang pen ko na nakalimutan kong ibalik sa bag. Naglaho ang kunot sa aking noo at akma na sana ilalagay iyon sa bag nang may maisip ako.

I smirked.

Inikot ko ang pen sa daliri bago tinapon patungo kay hinayupak. Lumaki ang ngisi ko dahil mukhang hindi niya iyon nakita. Nang malapit na ang nguso ng pen sa sentido niya... bigla siyang yumuko at may kinuhang libro sa sahig!

What?

Naiwang bagsak ang panga ko sa gulat at inis sa biglaang ginawa niya! It could've hit him!

Bakit niya naiwasan?

Kinuyom ko ang kamao at mas lalong nag-apoy ang galit na naramdaman sa nerd na 'yon! How dare he! How dare he! How can he dodge it? It was so close! So very, very close! Like ilang gap nalang! Parang tatama na nga sa kanya tapos... Ugh!

Heh! Now, paano niya ako maiiwasan kung ako na ang lalapit sa kanya? He should be grateful! Damian Estrova is walking towards him. Bumalik ang ngisi ko at nagsimulang maglakad patungo kay hinayupak.

Okay lang 'yan. Sisiguraduhin kong ngayon na matatamaan na siya.

Pero...

Pero ilang hakbang ba ang kailangan para makalapit sa kanya? It should be five steps! Ilang minuto na akong naglalakad palapit sa kanya pero parang ang layo-layo niya sa akin. Parang walang katapusan!

Nakaramdam ako ng takot kaya hindi ko nalang tinuloy ang balak na itulak si hinayupak. Bumalik ako sa aking upuan habang nagtataka sa nangyari.

Malapit lang naman ang upuan niya sa pwesto ko pero bakit hindi ako makalapit? Ramdam kong humahakbang ang mga paa ko pero para itong hindi umaabante.

Huh?

"Bro, may dala kang extra shirt?"

Umangat ang mga balikat ko sa gulat nang bumalandra ang pangit na mukha ni Sebastian sa line of sight ko sa nerd na 'yon. Nanlaki ang mga mata niya sa reaksyon ko kaya agad nagkasalubong ang mga kilay nito.

"Yow, bro, okay ka lang?"

Umiwas ako ng tingin at matagal siyang sinagot. "What is it?"

Tumikhim siya at nakita sa gilid ng mga matang umayos siya ng tayo. "Gusto ko lang magtanong kung may dala ka bang extra shirt--"

"Wala. Begone from my sight." I cut him off.

Narinig ko ang manghang singhap niya bago siya umalis sa gilid ko. Habang bumalik naman ang aking mga mata sa hinayupak na 'yon. Patagal ng patagal, dumidiin ang ngipin ko sa isa't-isa sa pagpipigil. Nagtataka pa rin ako kung bakit hindi ako makalapit sa kanya. May problema ba sa pagkatao niya?

Possible pala iyong hindi ako malapit sa kanya?

Kasalukuyang nagbabasa na naman ng libro ang nerd at mukhang naiiba iyon sa unang binabasa niya. Nanliit ang mga mata ko at sinubukang basahin ang nakasulat sa cover ng libro.

I tsked after realizing he was just reading our English book.

Big Brain: What?Where stories live. Discover now