Chapter Eight - Looking Forward

14 8 0
                                    

It is still a surprise that I can reach him now. Hindi katulad noong kanina na parang walang katapusan ang paglalakad ko patungo sa kanya pero hindi naman umaabante.

E', dapat lang. Magaling ako sa lahat ng bagay! Kaya kong makalapit sa kanya sa pangalawang pagkakataon.

"Hey,"

Medyo nahilo ako nang bumaling siya sa akin. I tried to remain stable and composed. "What are you reading?"

"Huh?"

Kumunot ang noo ko pero mas nangunguna ang hilong nararamdaman. Maybe I should stop. Diniin ko ang tingin sa kanya bago bumalik sa upuan ko. What happened? It didn't work?

Ang bigat sa pakiramdam at parang mabibiyak ang utak ko nang magkaharap kami. Grabe siguro ang galit na nararamdaman ko sa kanya, tumatama na sa akin.

Nanatiling nakasalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa naglalaro kong mga daliri. Maybe I should try next time. Ang dami pang araw para subukin muli.

Fifty-nine... Sixty. Exactly one hour has passed. Ganyan kahaba ang pasensya ko, kahit ilang oras pa 'yan, hihintayin ko. Tumingin ako sa nerd at inobserbahan siya. Ang masasabi ko lang, grabe ang pangit niya. Bakit ko pa ito pinagtuonan ng pansin? Hindi naman niya deserve!

"Damian! Halika, labas na tayo! Mukhang tapos na ang pag-assemble nila sa mga tent!" Narinig kong sigaw ni Sebastian galing sa aking likod. Walang lingon akong tumayo at diretso ang lakad sa pintuan.

Susunod 'yan sa akin, hindi ko na kailangang sabihin.

Ramdam ko naman ang pagsunod ng mga kaibigan ko. Hanggang sa umabot na sila sa akin. Nasa gitna ako, katabi ko sa left si Sebastian, sa right si Coran at katabi ni Sebastian si Nazreal. Bumababa pa lang kami sa hagdan ay naririnig na namin ang sigaw ng mga babae.

"Andito na sila!"

"Plano ko talagang sumilip sa tent nila mamaya!"

"Oo nga! Tapos magrequest na magkatabi kaming matulog! Ayyie!"

"Ang landi mo! Akala ko ba Maria Clara ka, bes?"

"Well, ibang usapan na sila, bes! Makalaglag panty!"

"Ang pogi-pogi mo talaga, Damian!"

"Damian, my loves! Tabi tayo matulog mamaya!"

Mga naririnig kong sigawan galing sa kung saan. Ngumisi ako at umaktong hindi iyon naririnig. I kinda like the attention but their words are disgusting.

Hindi maliit ang tingin ko sa sarili. Siyempre ang pipiliin kong mga babae... 'Yong reserved at maganda rin ang reputation, katulad ko. Dapat pareho kami. Siyempre, good looking.

"S*x tayo, Naz, babe!"

"Hoy, sino 'yon?! Sino 'yon? Follow me to the guidance office!"

"Ma'am! Hala, joke lang po 'yon!"

Narinig ko ang pagtawa ni Nazreal. "Later, baby." Bulong naman ni ugok.

Napailing nalang ako. Aksidenteng napatingin kay Coran na namumutla sa attention na binibigay ng mga babae sa amin. I scoffed at nilayo ang sarili sa kanya. How dare he lie to me?

Nasa tabi ko lang ang germs. Ang dumi isipin.

"Coran! Kunin mo nga ang bag ko sa room!" Utos ko sa kanya. Hindi, e'. Hindi ko mapigilan ang inis ko. Nakakainis tignan ang pagmumukha niya. Naaalala ko kasi ang pagsisinungaling niya. Nakakapang-init ng ulo.

Gulat siyang bumaling sa akin at natatarantang tumango. "S-Sige, D-Damian."

Nakalabas na kami ng highschool building nang inutos ko 'yon. Kaya kailangan pa niyang umakyat sa fourth floor para kunin 'yon. Ngumisi ako. Napabaling ako kay Sebastian na bigla akong sinikohan.

"Bro, kawawa naman ni Coran." Sabi niya. Mukhang nakita ang ginawa ko.

Nawala ang ngiti ko. "'Di tulungan mo. Pake ko ba?"

Hindi nakakaawa ang mga sinungaling!

Napapahiyang napakamot siya sa batok at wala nang sinabi. Itong si Sebastian, nagmamarunong pero duwag naman. Binalot kami nang katahimikan at matiwasay na nakarating sa soccer field.

Kumpara sa nakita ko kanina, malapit nang matapos ang pinanggagawa ng mga estudyante sa venue. Nagmumukha na talagang camping site ang soccer field.

May sampung malalaking beige na tents na nakaikot sa malaking bonfire. May nga fairy lights sa bawat tuktok. Mahahabang lamesa sa bawat gilid, at ibang dekurasyon. Katulad ng halaman, unan at mga music instruments. May parang maliit na stage sa pinakadulo at may standee ng microphone doon.

I smirk. I am kinda looking forward to this.

Big Brain: What?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon