Chapter 9

3.7K 263 36
                                    

Bawat isa sa amin ay busy sa pagpapaalam sa mga parents namin. Ang mga pinsan ko ay hawak hawak ang cellphone nila habang ako ay nakahalukipkip at nakikinig sa habilin ni daddy at mommy.

"Nathan, you know what to do." bilin ni dad.

Nakita ko pa na inagaw ni Margo ang cellphone sa kay Ruby.

"Yes dad." tumango lamang si Nathan na nasa Hi-Ace van nakahilig at nakahalukipkip.

Dito na kami natulog sa bahay dahil dala naman nila kahapon ang kani-kanilang damit.

"Tita alis napo kami." Sabi ni Emerald sabay halik sa pisngi ni mommy at daddy. Sumunod narin ang iba.

Ngumiti ako ng tipid sa kanila ng pumasok na sa Van sila Nathan at mga pinsan ko.

"Bye mom,dad." niyakap ako nilang dalawa at sumunod na akong pumasok.

Alas nuebe kami umalis at alam ko na matatatraffic kami palabas ng Manila. Nang makatakas sa traffic ay hindi ko na maiwasan na hindi bumili ng pagkain.

"Emz, pakitingnan iyong baon natin na pagkain kung mayroon freshmilk."

"Okay." inukay ni Emerald iyon at ni Ruby. Si Margo naman naka headphone na.

"Wala Saphy."

Huminga ako ng malalim.

"Let's find some 7/11 or walmart here." aniya ni Nathan.

"Okay."

"Sama ako sa loob Saph, may bibilhin akong napkin."  si Emerald.

"Ako sana condom." si Margo, sinamaan siya ng tingin ni Ruby pero hindi man lang ito natinag.

"Wala bang two piece diyan sa loob Nathan?" tanong ni Ruby ng bumaba ako.

Nang tignan ko si Nathan ay nakapikit na siya at nakasandal. Alam kong napipikon siya sa mga naririnig mula samin.

Nang makapasok kami sa walmart ay expected na wala ang ibang gusto ng mga pinsan ko. Lalo na maliit lang ang store na iyon.

"Doon nalang tayo bibili sa Tagaytay. Marami namang' mall doon."

Sumang ayon kami sa sinabi ni Emerald.

Pumasok na ako sa van at nakatitig na agad si Nathan sa hita ko. I am wearing a white T shirt, a black short shorts. Nakasuot rin ako ng eye glasses dahil nasa bag ko ang contactlenses ko na may grado.

"Problem?" tinaasan ko siya ng kilay.

Umiwas siya na nakabusangot. "Pag mapapaaway ako mamaya, kasalanan mo."

Hindi ko nalang siya pinansin at nilagay na sa tenga ko ang headphone. May kanya kanya kaming lahat na dala ng headphone dahil hindi namin bet ang mga music sa stereo nitong Van.


Nasa Laguna palang kami ng may tumawag kay Nathan.

Hindi ko rin masyadong marinig iyon dahil may head phone ako.

Kinalabit niya ako. "May dadaanan lang ako."

Tumango lang ako sa kanya at sumulyap sa mga pinsan ko na mga tulog na.


Hindi nagtagal ay tumigil kami at nakita ko na may motorsiklo sa gilid at may mga nakatayo doon.

Napaayos ako ng upo ng makita ang kotse doon ni Raphael.

"What the heck?" hindi ako makapaniwala at tinitigan si Nathan.

"What?" nagmamatay malisya ba siya?

Broken Chains (Montemayor 2nd Gen)Where stories live. Discover now