Chapter 45

4.5K 158 14
                                    

Isang malamig na tubig ang nagpabalikwas sakin mula sa kawalan. I gasped when I felt the cold rushed all over my body.

Mula sa pagkaka-blurr na paningin ay luminaw ang aking mga mata. Nasa isang kwarto ako at kinabahan ako agad dahil klaro pa sakin ang huling nangyari!

Ang sakit ng aking katawan at marami akong pasa!

Isang lalaking banyaga ang lumapit sa akin. Sa pintuan ay may dalawang nakabantay at dalawa pa sa aking harapan. Ang isa ay lumapit at ngumisi.

"So you are Sapphire, hm?" he tried to touched my face pero inilayo ko ang aking sarili!

Hindi ako makagalaw! Nakatali ako sa isang upuan! Ang aking kamay ay nasa aking likod at nakatali rin.

"Don't you dare touch me!" At dahil hindi nakatape ang aking bibig ay malayo akong sabihin iyon sa kanya. His smile widened!

"Oh! What a clever girl. You maybe don't know who I am. Yeah maybe you don't really know."

"What do you want huh? Tell me! Ngayon pa lang sasabihin ko na wala kayong mapapala sakin!-

He slapped me hard! Halos mamaga ang aking pisngi sa kanyang sampal sakin!

"You don't know what I do if someone shouts at me. Hm!" sinabunutan niya ako at doon ko nakita na hindi ako nag iisa! Nanlaki ang aking mga mata ng makita si Vanessa! Like me, she was leashed on the chair!

Umiyak ako dahil sa aking nararamdaman. Samu't sari iyon at nangunguna ang kaba dahil hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako.

I cried as he touched my face again. "Come on... You are so beautiful. No, I mean..You are a goddess. That fucking bastard is such a lucky to have you!"

"You are w-wrong! I am not his woman! I have no connections with him! And you can kill me now! Dahil mas pipiliin ko ang mamatay ako kaysa may mangyaring masama sa kanya!"

Nangunot ang noo ng lalaking ito! Onviously, isa ito sa mga kaaway ni Raphael!

"Tsk! Tsk! Seems that bastard already brainwash you, huh? You don't know that he played with my daughter's feelings before? That's why I'm suing him now because of my daughter huh? And now you trying to save a man with no balls?"

Damn! Hindi ko alam ang mga sinasabi niya! That left me doomed! Alam ko na delikado ang trabaho ni Raphael! Alam ko na madalas siya sa Germany noon kahit noong hindi pa kami! But I think trabaho niya ang ginawa niya doon at kung ano man ang ginawa ni Raphael sa anak niya ay alam kong trabaho iyon!

Narinig ko ang iyak ni Vanessa sa kabila ko at aking naisip na ano kaya ang ginagawa ng pamilya ko? Alam na na kaya nila? Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Sasagipin ba nila ako? O baka hindi pa nila alam?

Hindi ako nag aksaya ng lakas na magpumiglas tulad ni Vanessa. Palagay ko dapat kong i-save ang aking enerhiya kapag makakita ako mamaya ng tyempo na makatakas.

Walang pagsidlan ang aking kaba. Ilang beses man may nagtangka sa buhay ko ngunit hindi umabot sa ganito. Ngayon lang ako nahostage. Ngayon lang ako nagdadalawang isip kung mabubuhay pa ba ako?

Wala kaming inom o kain. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon dahil mga halang ang kaluluwa ng mga ito.

Nakita ko kung paano manghina si Vanessa. Umiwas ako at ang aking paningin ay unti unti nang kinain ng dilim.

Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ko ay sana mas ginugol ko ang aking oras kasama si mama. Kung mamatay man ako...atleast Nathan is there for her. Kung ito na talaga ang tadhana ko...atleast Nathan is there for mommy.

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon