Chapter 54

4.9K 126 21
                                    

Mabilis akong umalis sa bahay ni Douglas ng araw na iyon at ilang araw ko siyang iniiwasan. Kahit sila tita Cel at tita Mamang ay ingat na ingat kumausap sa akin. Every day, mornkng sickness and vomit welcomes me.

Ilang araw na akong nag iisip at sinusubukan na kausapin nila tita ngunit mas pinipili kong mag isa...at nag iisip ng mga gusto kong kainin.

Ngumuso ako at nakatanaw sa dalampasigan. Gusto kong maiyak dahil sa sarili kong pride. Gusto kong maiyak kay aga aga dahil sa malayo nakikita ko si Douglas... with his shining rocky abs! Ni hindi ko man lang iyon mahawakan! And....sa tuwing umaga na umuulam ako ng de lata ay naaalala ko kung gaano kataba ang kanya! Mas mahaba nga lang!

"Fuck! Bakit ba ako nag iisip ng ganito?!" umayos ako ng upo at kinagat kagat ang aking kuko. I am so worried.

Ngayon lang ako nagkaganito at kahit anong sabi nila tita sakin na magpacheck up ay ayoko muna dahil makikita ko si Douglas! Siya gumagastos sakin kaya alam ko na sasama siya!

Gusto ko na namang umiyak! Gusto ko siya pero...ayoko sa kanya!? What the hell? At sa sobrang pag iisip siguro ay agad na naman akong nasuka.

"Sapphire! Hija!" nanginginig si tita Mamang ng makitang kakagaling ko lang sa banyo para magsuka.

"Sapphire sabi ko naman sayo ay magpacheck up na tayo! Iba na ang kutob ko e!" hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang aking pawis.

Pinaupo ako nila ni Tita Cel sa upuang mahaba namin sa sala. Pinunasan ko rin ang aking leeg at huminga ng malalim.

"Anong kutob naman iyon Mamang? Na baka nanuno si Sapphire? Wala namang ganoom dito!"

"Hindi Cel! Alam na alam ko iyan e. Dati na akong nabuntis ngunit nakunan. Ganyan na ganyan ako kung naglilihi!"

"So ang ibig mong sabihin na baka buntis si Sapphire?!" maging si tita Cel ay gulat sa sariling sinabi!

Humingang malalim si Tita ng makitang pumikit nalang ako ng mariin.

"Tita...hindi ko na talaga alam ang gagawin." ngumiwi ako. "B-Bakit po ganito? Gustong gusto ko si D-Douglas pero...pero ayoko siya! Ayoko sa mukha niya! God!" sinubsob ko ang mukha ko sa aking palad out of frustration!

"Tapos.... miss na miss ko na siya! Hindi ako kumakain ng kanin dahil gusto ko siya ang magsaing sakin?! God! This is so...frustrating!"

"Patay na ate..." namutawi ni tita Cel.

"Magpapacheck up tayo sa ayaw at sa gusto mo." nagbabanta ang boses ni tita. Hindi na ako nagsalita pa at kumain nalang ng gusto ko.

Gosh! Tataba talaga ako nito!

Hindi ko maintindihan ang biglaang pagkaweird ng nararamdaman ko kaya tama nga siguro si tita. Kailangan kong magpacheck up.

Nag ayos kami at nagsuot ako ng manipis na bestidang puti. Hinayaan ko ang buhok kong nakalugay. Mamasa masa pa ito ng umalis na kami ni tita Mamang. Nagpaiwan naman si tita Cel sa bahay kaya kaming dalawa lang ni Mamang ang babiyahe.

Kung check up pang kalusugan lang naman ay hindi na namin kailangan pang pumunta sa Mindoro. Meron sa bayan dito at hindi iyon kalayuan.

Kinakabahan rin ako dahil baka sumama sa amin si Douglas.

"Tita ano ho ang sasakyan natin?"

"Mag traysikel tayo. Ayaw mong makita si Douglas diba?" nag iingat ang boses niya. Kinagat ko ang labi at hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"Hay! Tara na. Alam ko kung ano ang pakiramdam mo lalo na unang beses mo iyan!"

Unang beses? What the heck is she talking about?

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon