Chapter 27

5.7K 206 43
                                    

   No!

  Halos hindi ako mapakali at agad akong lumabas ng kwarto. I don't care kung pasukan bukas. I don't care kung may magalit man na aalis ako ngayon!

I feel that something is wrong! And I'm not stupid enough not to get what's happening!

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong' nagmamadali rin si Amy sa pag akyat ng hagdan, hawak ang kanyang cellphone. Nakita ko na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Why the f-fuck are you c-crying?!" I hissed at her. Please, sana mali ako. Mali ang naiisip ko ngayon!

Umiling siya at dumaloy ang kanyang luha. May susi ng kotse siyang hawak at humigpit ang kanyang hawak doon.

"Let's go. Ako na maga-drive." she said with conviction.

I bit my lip. Nanginginig ako dahil baka totoo ang naiisip ko. Halos lutang ako habang pinapalabas ni Amy ang sasakyan sa gate. Si Lola Magda naman ay nanginginig at gustong umiyak.

"Mag iingat kayo mga apo ko."

Tumango si Amy at tumingin sakin na umupo. Sinaraduhan ko ang pintuan at tumingin kay lola Magda.

Tumango ako kay lola at pumikit ng mariin. My head was throbbing so bad. Biglaan ang pangyayaring ito.

"W-What the fuck is happening? W-Why-" halos hindi ko masundan ang sasabihin ko. Pakiramdam ko kapag magsalita ako ay iiyak ako ng lubos.

"I...I don't know Saph." kahit si Amy ay naguguluhan ngunit alam ko na alam niya ang nangyari.

"Tumawag ako kanina kay dad." mahina kong sinabi at nakita ko ang mabilis na pagpapatakbo ni Amy.

Her eyes widened at tumingin sakin. "A-Anong sinabi?"

Umiling ako at halos mapudpod ang kuko ko sa kakakagat.

"Babae ang sumagot and...and I am not fucking mistaken sa nararamdaman ko dahil ramdam kong may masamang nangyari kay daddy!"

Tumango siya at nakita kong pumasok na kami sa kahabaan ng Calax.

Habang tinatawagan ko si mommy at Nathan ay nanginginig ang mga kamay ko. Gusto ko rin maiyak dahil hindi ganito si Nathan. Isang tawag ko lang sa kanya ay sumasagot agad siya.

Sa huli sumuko ako sa kakatawag. Hindi ako makatulog kahit gabi na sa haba ng biyahe.

Nang makapasok na kami ng Quezon ay agad na akong tinanong ni Amy.

"Saan tayo?"

Hinilot ko ang sentido dahil hindi ko rin alam.

"S-Sa mansion tayo." dahil alam ko na kapag sa bahay didiretso ay malalaman ko agad ang lahat ng nangyari.

Mabuti nalang kahit mabilis magpatakbo si Amy ay maingat siya. Nang makapasok sa village ay mas kinabahan ako dahil maraming mga nakauniporme at police sa gate palang namin.

"Fuck.." Amy muttered. Agad na pumarking ang sasakyan niya at agad kaming nilapitan ng isang nakaunipormeng itim.

"It's not allowed to-" hindi natuloy ang sasabihin niya ng lumabas akong sa kotse. Siguro namukhaan niya ako agad at nag labas ng kanyang walkie talkie para magsalita doon.

"Daughter of the victim is on the way."

Daughter of the victim.. Victim...

Si Amy ay agad na may tinawagan. Mabilis ang bawat hakbang ko papasok ng bahay at nakitang katulong ang nasa balkonahe ng bahay at ang mga taong nandito ay sinisigurado ang mahigpit na pagbantay sa paligid ng bahay.

Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid at nakita ko ang pagsusukat nila sa akin. Kahit ang mga katulong ay tahimik at nakayuko. Si Amy ay nasa cellphone, may kausap at nangingilid ang mga luha.

Naalala ko noong bata pa ako. Siguro bata man ako pero hindi ako bingi para hindi marinig ang usap usapan tungkol sa pamilya namin. As a first born of Sebastian Montemayor ay maraming gustong umaalam tungkol sa akin lalo na sa sociao media. I know our family is wealthy, hindi ko na kailangan pang patunayan iyon.

Si daddy ay hindi nagkulang sa amin dahil kahit hindi pa namin sabihin ang aming gusto ay binibigay na niya.

Sebastian Montemayor cheated on my mother before; isa yan sa mga naririnig ko lalo na sa mga events. Kung hindi raw na coma si daddy ay hindi siya kakaawaan ni mommy at babalikan.

It was all about pity.

No. That was wrong.


Mom is self-made. He can live without depending on daddy. And even then I could see the love between the two of them and to the point I already asked my self...Daddy really cheated on mommy?


My dad is my hero. The best dad I've ever met. Mommy loves him so much and we don't care about people throwing shades on us.

"Madam, mas mabuting pumasok muna kayo sa loob." napapitlag ako ng magsalita ang lalaking naka itim na damit sa harapan ko.

I looked at him. "Where's dad?"

Hindi siya nakaimik. Nakita kong' may hawak siyang radio nila.

"Where's mom?" tanong ko uli. "And N-Nathan?" fuck! Para akong batang nawawala at nagtatanong sa aking mga magulang.

"Madam, mahigpit po na binilin ni Lord Mondragon na dapat nasa maayos kayong kalagayan. Masisesante po kami kapag-"

"Sagutin mo ang tanong ko at susundin kita." I think, ito ang pinaka leader nila ang kumukausap sa akin.

Nagkatinginan kami at pumikit siya ng mariin. Bakit ang hirap hirap nilang sagutin ang tanong ko?

"C-Come on. Bakit hindi niyo ako masagot?"

"Nasa hospital po ang mommy niyo. Si Nathan...Nasa lokasyon ng insidente."

My eyes widened. "What?!"

"Sapphire.." hinimas ni Amy ang aking likod. "Please.."

Umiling ako. "A-Ang baby? Si mommy? Si...dad? Where is he? Nasa hospital rin ba?"

"S-Sapphire... Come on." tuluyan ng umiyak si Amy sa tabi ko at napatigil ako at natulala sa kanya.

Iyong pakiramdam na namanhid ang aking katawan at mas nanaig ang malakas na tibok ng aking puso.

"Captain, Sebastian's remains already discovered. Ang ulo nalang ang nawawala-"

One snapped of their leader's finger ay agad na tumahimik ang nagareport. My jaw dropped at what I've heard. Humagulhol lalo si Amy sa tabi ko at niyakap ako.

"We need more men on the location! Lord Marco is unstoppable! We need help!" one of them shouted na tila ba urgent na ang mga oras na ito.

Nakakabinging echo ang narinig ko sa aking tenga at tila ba nawalan ako ng lakas. I think...I stopped from breathing and I collapsed.

____

Author's note: Ito na po ang last chapter ng Broken Chains. Magiging avail po ang ibang chapters nito sa aking VIP FACEBOOK PAGE. Paano makasali? Just 200php membership to be part of my Vip readers. Just message me on the link below. Please introduced your name and say if you want to be part of my Vip.


https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL



Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon