Chapter 28

4.8K 223 17
                                    

Amy never left. Kahit nung oras na magising ako ay nasa kwarto ko siya. Gusto ko mag rattle ngunit nag iisip ako. Kailangan kong mag isip para sa ganoon ang mga gagawin ko ay tama.

Nakaandar ang aircon dito sa kwarto ko at nakita ko si Amy na naglagay ng soup sa side table. Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit.

"Nagpaluto ako para sayo." mahina ang kanyang boses at nananantiya sakin.

"Wala akong gana,"Nang tumingin ako sa bintana ay nalaman kong' umaga na. Nilapat ko agad ang mga paa sa sahig at agad lumabas. Humingang malalim si Amy at sumunod sakin palabas.

Tulad ng inaasahan ko ay maraming tao doon. Nandoon sila tito Marco na may iilang bahid pa ng dugo ang kamay. He looks exhausted, tired and I can see the grief in his eyes. Si tito Damon kasama si tita Zandria. Si Tito Clinton kasama si tita Kylie. Si Tito Radleigh na mag isa.

Lahat sila napunta sa akin ang tingin. Sa dulo nakita ko si Raphael kasama ang kanyang kapatid na si Ysmael. Nakita ko ang pag igting ng panga ni Raphael ng makita ako.

Iyong pakiramdam na nasa kawalan.

Inisa isa ko silang tinitigan hanggang sa nilapitan ako ni Nathan na hindi ko namalayan na nandito.

Agad niya akong kinulong sa kanyang mga bisig na naging hudyat ng aking mga luha. Agad kong nakitang umiyak ang mga tita ko. Lumapit si tito Damon sa akin at hinalikan ako sa aking buhok.

"A-Anong ibig sabihin nito?" sa kabila ng iyak na narinig ko ay sinubukan kong magtanong. "Tito?" tinitigan ko si tito Damon. "Nathan? Please! Bakit ayaw niyong sabihin sakin?"

I raised my voice at masamang tinitigan si Nathan.

Lahat sila ay hindi maayos. Si Nathan ay gulo gulo ang buhok at halatang walang tulog.

Pumikit siya ng mariin at pinaupo ako sa sofa. Lumuhod siya sa aking harapan at hinawakan ang aking kamay.

"Anong nangyari noong wala ako dito?" biglang sumagi sa isipan ko ang mga narinig ko kanina.

"Dad...is dead." he confirmed.

Sa mga oras na iyon ay walang salitang namutawi mula sa akin. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Nathan at dumaloy ang luha ko. Pakiramdam ko wala nang ibang tao sa paligid ko.

"Hindi totoo iyan!" Sigaw ko at hinila ang mga kamay sa hawak niya. "Si m-mommy? N-Nathan maayos sila noong kelan! Kahapon...Kahapon ay kausap ko pa si daddy-"

"That was his last wish, princess." he said, in gritting teeth. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

Umiling ako at umiyak. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa.

"Binigyan siya ng huling pagkakataon ni Elizabeth Lee na tawagan ka bago pinasabog ang bomba sa katawan nilang dalawa."

Tinakpan ko ang aking tenga dahil ayokong marinig ang mga iyon.

"Enough!" si Tito Marco at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang daliri.

"Enough Nathaniel." si Tito Damon.

Namayani ang aking mumunting iyak sa sala at kahit ang mga katulong namin ay umiiyak.

"At si mommy? N-Nasa hospital dahil?" Alam ng diyos kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

Parang gusto kong dalhin si Eli sa impyerno at patayin ng paulit ulit!

Napalunok si Nathan. His expression was blank.

"Bakit tingin niyo sakin ay mahina? Fucking say it, Nathan!"

"Hija, Sapphire." agad na dumalo sakin si tita Kylie na namumula ang mga mata. "Nasa hospital siya at inaalagan ni tita Frixxie mo." sabi niya.

"Why? Why tita?" siya ang tinanong ko dahil walang gustong magsalita.

"N-Nakunan siya." sagot ni tita ng walang pakundangan. Agad na tumitig sa kanya ang lahat at narinig ko ang mahinang pagmumura ni tito.

"What?! Masyado niyong pinaglilihiman si Sapphire! Ultimo mommy niya hindi niya alam ang nangyari! She's not weak and we all know her!"

I nodded dahil totoo iyon.

"Calm down." hinila agad siya ni tito Clinton.

Bakit ganito? Una ang pinsan namin ngayon si daddy? Ayoko. Ayokong tanggapin. Ang klase ng pagkamatay niya ay hindi ko kayang tanggapin!

At si mommy ay nakunan dahil sa nangyari. Maraming kumosyon na nangyari at ang ginawa ko ay ang umiyak. 

Umalis si tita Kylie at Zandria dahil nagyaya si tita Zandria na ayusin ang kusina para sa pagkain. Habang si tito Marco ay may tinawagan kung paano makukuha ang nacremate na katawan ni daddy.

"Princess..." tawag sakin ni Nathan. "I have to go. May kailangan akong gawin." tinitigan ko siya at hinimas ang kanyang panga.

My little brother. Hindi niya pa dapat maranasan ang mga ganito. Ngayon pakiramdam ko ay sinasalo niya lahat ng mga dapat gawin para sa amin ni mommy.

"N-Nathan...I want you safe all the time." sabi ko dahil parang alam ko na ang mga gagawin niya. Hindi siya sumagot at hinalikan lamang ako sa ulo at umalis.

Sa gitna ng mga taong abala na halos hindi ko na sila mapansin ay may naramdaman akong haplos sa aking buhok.

Unti unti kong tinitigan si Raphael na nakatitig sa akin habang nakatingala ako sa kanya. Ang parang nakaramdam ako ng kaligtasan sa kanyang haplos sa akin at uminit na naman ang aking mga mata.

I can't imagine kung ano ang mga naranasan ni daddy. Ayokong isipin kung paano at ayokong isipin ang mga pagdurusa niya.

Base sa pag uusap namin kanina ay hinold-up ni Eli si mommy. Ginawa lahat ni daddy na pakawalan lamang nila si mommy kapalit na sumama si daddy kay Elizabeth.

Maraming tauhan si Eli base kay tito Marco. Galing pa raw iyon sa ibang bansa na mga tauhan niya at well-trained. Ginawa lahat nila ngunit ng makitang nakatutok na ang baril sa ulo ni mommy ay nakiusap na si daddy.

Sa harap nilang lahat ay sumabog ang bomba na nasa katawan ni Eli at daddy.

Fucking crazy bitch! Alam niyang hindi siya mamahalin ni daddy kaya iyon ang way niya para magsama sila ni daddy magpakailan man. Fucking crazy!

Umiling ako at dumaloy ang aking luha.

Lumuhod si Raphael sa harapan ko at hinalikan ang aking noo.

"Give me all the pain, please." he whispered. "I hate to see you like this." bulong niya habang magkalapat ang noo naming dalawa.

Dumaloy ang aking luha at napahikbi ako. 

"I want to see my mother." I croaked. He nodded instantly. Tila ba handang gawin lahat ng sasabihin ko. "I want a private information about dad's death. At kung may natira sa tauhan ni Eli...Skin them alive. Little by little."

He nodded immediately. "As you wish." he whispered in a gentle way.




Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon