Chapter 14: The Abandoned Church

300 21 0
                                    

Allysa's POV

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

The bell rang. Natapos na din ang aming math na subject. Hate na hate ko ang math. Hindi sa mahina ako dito, kundi ayaw ko lang talaga ng mga numbers. I hate math pero Im the best at it. Weird.

Magkaiba kami ng kursong kinuha ni Cheska. Ako ay BSED at siya naman ay BEED. Parehas naming gustong maging teacher pero mas gusto niyang magturo sa mga bata. Magaling siyang makihalubilo sa kanila.

Naglakad ako papunta sa likod ng aming university. Sabi niya magkikita daw kami after lunch. May importante daw siyang sasabihin sa akin. Siguro about ito sa ginawa niya noong na suspend ako ng isang araw kasama ang isang werewolf at isang vampire.

Top secret daw ito at dapat magkikita kami sa Mini forest sa likod ng university. Knowing Cheska, pag may bagay na na cucurious siya, gagawin niya ang lahat para lang makahanap ng sagot. At baka may natuklasan na siyang mga sikreto dito sa university.

Salutatorian ako noong elementary hanggang high school. Simula noong kinder hanggang senior high, palagi akong second sa klase. Isa lang ang nakakalamang sa akin sa academics, at iyon ay si Cheska. Napakagaling ng kaniyang retentive memory. Kapag nag memorize siya, naaalala niya lahat. Ngunit kahit ganon, hindi ako maghihinayang na palagi lang akong second dahil bestfriend ko naman siya at masaya ako para sa kaniya.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating na din ako sa Mini forest. Nakaramdam ako ng takot. Malakas ang hangin ngayon na naging dahilan ng malakas na pagaspas ng mga punongkahoy. Tumayo ang mga balahibo ko ng pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin.

"Ally!"

"Ches-

Di ko na natapos ang sasabihin ko.  Halos di nako makahinga sa higpit ng yakap ni Cheska. Isang araw lang naman kami hindi nagkita.

"Namimiss kita", maiyak iyak niyang sinabi. "Kumusta naman ang knight in the shining armor ko?"

"Ok lang. Di ngalang kami sabay bumalik dito sa university", sagot ko sa kaniya. Di ko alam kung anong nangyari kay Kevin pero isa siyang werewolf, alam kong buhay pa siya.

"Mabuti naman!", masayang sinabi ni Cheska. Nawala agad ang bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Pero bakit tayo nandito sa mini forest?", nalilitong tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga si Cheska. "Sabi ng friend kong vampire ay-

"Ano?!!!! Vampire????!"

"Isang batang Vampire lang siya Ally, mapagkakatiwalaan natin siya", sagot niya. Parang confident talaga siya sa sinasabi niya.

Napa facepalm nalang ako.

"Hindi, tama na to. Huminto na tayo. Mag aral tayo dito na parang normal na estudyante, Cheska. Ayokong mas lumala pa ang sitwasyon natin dito. Nanganganib na ang-

"May mga anti-vampire weapons daw malapit dito"

My eyes widened. "Talaga?! Saan?"

Napa facepalm din si Cheska.

I sighed. My curiosity can't resist after all.

-------------------

Matapos ang halos tatlong minutong paglalakad, nakaabot na din kami sa aming destinasyon.

Isang abandonadong church. Sa dinamidami ba naman ng pwedeng puntahan bakit ito pa. Kaya pala di niya sinabi kung ano ang pupuntahan namin kanina kasi alam niyang di ako papayag pag sa isang creepy, abandoned church kami pumunta.

Vampire UniversityUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum