Chapter 2: The Host

1.7K 63 1
                                    

Adrian's POV

7:00 na ng gabi. Unti-unti ng bumabalik sa kanilang dorm ang mga tao. Ngayon, kami naman ang mag-aaral. Di ko alam kung bakit pinaghiwalay pa ang mga tao saka mga bampira. Pwedeng pwede naman kami makisabay sa mga tao dahil hindi kami nasasaktan sa init ng araw. Katulad ng sa movie na Twilight. Ewan ko ba kung bakit madalas na iniisip ng mga tao na masusunog o mamatay kami sa araw. Ang weird.

Akala ng mga tao sila lang ang may karapatang matuto. Siyempre kami rin. Hindi porke't hindi gumagana ang aming mga puso, ay hindi na rin gumagana ang utak namin. Dahil sa talino ng ibang mga bampira, lingid sa kaalaman ng mga tao na mga bampira ang ilan sa mga matataas na pwesto sa gobyerno.

Night Class is real. Ang klase namin ay mula 8:00-12:00. Wala kaming exact na subject. Naka depende na sa professor namin kung ano ang kanyang ituturo. Minsan math, minsan science, minsan vampire history, at minsan english. Pero ang pinakamaganda at pinakapaborito naming subject ay ang abilities enhancement. Bawat bampira ay may iba't ibang abilidad o kakayahan para maipagtanggol ang sarili o para maprotektahan ang iba.

Sumakay ako ng elevator papunta sa third floor. Tumayo ako sa harap ng pinto ng room namin. Parang iba ang nararamdaman ko ngayon. Parang may hindi tama.

Unti-unti kong binuksan ang pinto. Sumilip muna ako dahil sa nararamdaman kong hindi tama. Nakita ko ang aking mga kaklase at ang aming professor. Mukhang wala namang problema kaya pumasok na ako.

"Good night Mr. Faronilmo"

"Good night sir" sabi ko sa kanya ng nakangiti at umupo sa aking chair sa likuran.

"You're too early for tomorrow's class"

O_O

Anu daw? Hindi naman ako late ah. 7:00 pm ang nakalagay sa relo ko.

"Um sir? 7:00 pa lang ah"

Tumawa ang aking mga kaklase. Naguguluhan na ako. Wala namang mali sa sinabi ko >.<

Pinakita ng bestfriend kong si Brian ang kanyang relo.

11:58

Joke ba to. Baka pinaprank lang nila ako. Tiningnan ko ang relo ko. 7:00 talaga.........teka bakit hindi gumagalaw yung relo ko.

"Class dismissed"

Napanganga ako at tumingin sa aming professor. Kaya pala ang aga dumilim kanina. Bwiset na relo ito. Paano na ang grades ko. Ayokong umabsent kahit na isa lang.

"Sir, huwag niyo akong i mark na absent plss nasira po kasi ang relo ko"

"Sorry Mr. Faronilmo, but you have to deal with the consequences"

Ang consequences na minimean ng aming Professor ay ang deduction sa final grades. Ganyan ka strikto ang Prof namin. Isang absent, minus three agad sa final grade. At first time kong umabsent dahil lang sa relo.

"Sir, huwag niyo namang i deduct ang grade ko running for ho-"

Di ko na natapos ang sinabi ko. Tumingin si Sir sa akin gamit ang kanyang mga pulang mata. Ang mata naming mga bampira ay parang mga mata ng pusa, kulay pula nga lang. Pero nakakatakot talaga pag tumingin ang aming Prof. Mukha niya kasi.

"It's done Mr. Faronilmo, I only say my words once"

Napayuko ako. Wala na akong magagawa pa. Gusto ko lang naman na tumaas ang mga grades ko. Hayyys kailangan ko na atang bumili ng bagong relo.

12:00 na pala. Ngayon ko na makikilala ang host ko. Ngayon ko na rin siya matitikman. Sana hindi na tulad ng dati kong host na masakitin.

Pumunta ako sa guidance office para malaman kung sino ang bago kong host. Room 453 ang binigay sa akin na card. Agad akong pumunta sa Room 453 dahil sa sobrang excited ako na matikman siya.

Vampire UniversityWhere stories live. Discover now