Chapter 5: The Night Stalker

1.3K 46 5
                                    

Adrian's POV

.........


..........



............

Isang inn? Ba't naman sumama ang host ko sa isang walang kwentang lalake. Mukhang natakot siya nung magpakita ako sa kanya kanina sa daan.

Hindi ko na napigilang pumula ang aking mga mata. Uhaw na uhaw na talaga ako sa dugo ng tao. Iba pa rin talaga ang dugo ng tao kesa sa dugo ng hayop. Mukhang nilabag ko ang mga batas naming mga bampira na hindi dapat magpakita sa mga tao.

Buti nalang at wala akong naamoy na ibang mga bampira. Siguradong parurusahan ako kapag nakita akong nag "vampire form" sa harap ng isang tao. Ang masaklap ay sa harap pa ng aking host. Ang bilis ng mata ng babaeng iyon.

Siguro hindi naman siya naniniwala sa mga bampira. Pero teka.....nakalimutan kong wattpader nga siya. Sana walang mga libro sa wattpad ang tungkol sa aming mga bampira.

Hindi ko na matiis ang uhaw na aking nararamdaman. Labag din sa batas naming mg bampira ang pag-inom sa dugo ng hindi mo host. Malas talaga ang babaeng to.

Tinry kong buksan ang pinto. Nakalock ito. Pinilit ko itong buksan. Ayaw mo talagang bumukas ah.

TSK TSK TSK TSK

Maingay na tunog ang nagagawa ko habang pinipilit na buksan ang pinto. Hindi naman siguro magigising ang host ko. Maghahating gabi na. Sigurado akong mahiming ang tulog nito.

TSK TSK TSK TSK

Arrrrrrrghhhh. Ba't napakalakas ng pintong ito. 

"Sir, may I help you?"

O_O

Nagulat ako ng may staff na lumapit sa akin. Lagot na. Ano naman kaya ang magiging palusot ko nito.

"Ummm, pwede bang makihiram ng susi sa pintong ito?", tanong ko sa staff.

"Hindi po pwede sir, kailangan pa po ng consent mula sa mismong nagma-"

Hindi na niya naituloy ang sinabi niya. Hinawakan ko siya sa balikat. Nakita kong nagblush siya. Mga tao talaga oh.

Tiningnan ko siya gamit ang aking mga pulang mata sa kaniyang mata. Alam kong labag ito sa rule ng mga bampira, pero kailangan ko siyang i hypnotize ngayon.

"Ibigay mo sa akin ang susi sa room na ito", sabi ko sa kanya.

"E...to...po"

Agad kong kinuha ang susi. "Bumalik kana sa iyong trabaho, at sa pagbalik mo, wala kang maaalala sa nangyari ngayon"

"S......si.......ge.....po", sabi ng staff saka umalis.

Napatawa ako saglit. Mga tao talaga ang dali daling mauto. Napakalayo talaga ang agwat ng abilidad ng mga mortal laban sa mga imortal. Agad kong ipinasok ang susi at binuksan ang pinto.

Click!

Kahit madilim ay malinaw na malinaw sa akin ang mga nakikita ko. Isa rin ito sa mga abilidad naming mga bampira. Ang makakita sa dilim.

Agad kong sinara ang pinto. Napakalamig naman ng aircon. Hindi ba siya giniginaw dito?

Lumapit ako sa kanyang kama. Nakabalot siya ng kumot. Mahimbing siguro ang tulog nito. SIguradong maeenjoy ko na ang dugo ng tao ngayon hehehe.

Inalis ko ang kanyang kumot. Nagulat ako sa aking nakita. Mga unan ang nakatago sa kumot.

"Teka, paanong-"

Vampire UniversityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ