Chapter 17: The King's Vendetta

278 17 6
                                    

Alyssa's POV

Tama nga ako. Nasa delikadong sitwasyon si Cheska dahil sa nalaman niya sa library. Kung may nalaman siya, ano naman kaya iyon?

Ganun ba yon kaimportante?

I clenched my fists. Her life is at risk at di ko alam anong gagawin ko para matulungan siya. I slowly opened the door to my room. Nagulat ako sa aking nakita. Hindi ito maari.

Sa pagkaalala ko, sira na ang lahat ng bagay dito sa dorm. Pero bakit ang pinto saka ang bintana ay maayos na? Sira ito kanina. Halos tatlong oras palang ang nakalipas nung umatake ang matabang vampire.

Ganito nalang ba ang patakaran sa Vampire University? Kapag may nangyaring kababalaghan ay aayusin nalang na parang walang nangyari? Katulad ng pagbomba nila sa Veranza Mall? This has to stop.

Kaya ang ganda ng buong campus. Sa unang tingin akalain mong safe at perpekto dahil sa magagandang mga building at may sariling campus police pa. Kung ganito din ang nangyari sa amin ni Cheska, hindi na ako magdalawang isip pa kung maraming students na din dito ang nasaktan o namatay.

Di na rin ako nagtangkang magreport sa campus police or sa administration ng school. Napakadelikadong magbigay ng tiwala sa kanila lalo na't mga vampire ang namamahala dito. At kung magtangka akong humingi ng tulong sa labas ng school, baka may masamang gawin sila sa akin o sa pamilya ko.

Kung may makakatulong man sa akin, isa sa mga day students ito. Kailangan ko ng kakampi para masalba si Cheska. Kailangan ko si Kevin, siya lang ang day student na may lakas para tapatan ang mga vampire. But
still, having him alone is not enough. Kailangan ko pang humanap ng ibang mga kakampi.

Agad akong lumabas ng dorm at lumakad papunta sa administrative building. Kailangan kong malaman kung ano ang section niya at kung saang room ko matatagpuan si Kevin.

Agad akong pumunta sa isang glass panel kung saan makikita ang isa sa mga school staffs.

"Excuse me ma'am, pwede magtan-

O_O

Di ko na natuloy ang sinabi ko. Nakikita ko sa reflection ng glass na nasa likod ko na ang Vampire Lord na si Ramzes. Agad kong kinuha ang rosary na bigay ng Nun sa abandoned church at ipinakita ito sa kaniya like he's some sort of a devil. Well in fact, totoo naman talaga.

He let out a devilish laugh. "You think that little souvenir item will have any effect on me?"

"N-nasa protection ako ni Veronica, ang babaeng vampire Lord"

Nagpipigil siya sa tawa. "You're late on the news. The Vampire King already declared a Vendetta against you. The other vampire lords might not care much about you two, but I do. I can smell the aroma of your blood. I can't wait to have a taste of it"

Agad akong tumakbo palabas. Buti nalang at may nakita akong isa sa mga campus police na naka uniporme. May kasama itong K9 na nakatali sa kaniyang kamay.

"Tulong! Nasa panganib po ako!!!", nagmamakaawang sinabi ko sa kaniya.

Nakarinig ako ng pagaspas ng pakpak at sa isang iglap, nasa tabi na ng campus police si Ramzes at may ibinulong ito sa kaniya.

"Tulong! Papatayin niya po ako!", sinabi ko ulit sa police habang hinahawakan ang kamay nito.

Naririnig ko na ang tibok ng puso ko. The police grinned at me. Tumayo ang mga balahibo ko.

Ramzes smirked. "Don't be scared of death because good girls will definitely go to heaven HAHAHA"

Hinawakan ng police ang kamay ko.

Vampire UniversityWhere stories live. Discover now