Chapter 18: Welcome to Camp Nightmare

372 21 6
                                    

Allysa's POV

Welcome to Camp Nightmare

Yan ang napakalaking sign na nakapwesto sa entrance ng napakalawak na camping site. Una, Vampire University, ngayon naman ay Camp Nightmare. Pangalan palang ng lugar na ito alam mo nang may hindi magandang mangyayari. Masama ang kutob ko dito.

"Ally, eto tubig baka inuuhaw ka", sabi ni Adrian habang inaabot sa akin ang isang bottled water ng nature's spring.

"Salamat", sabi ko. Kailangan ko nga ito ngayon. Halos isang kilometro mula sa mini forest ng school ang camping site na ito. Hindi nga ito "mini forest" lang kundi maliit na parte lang ito ng isang napakalawak na gubat sa likod ng university.

"Five per group diba? Hindi tayo mananalo sa annual hunt kapag dalawa lang tayo", nag-aalalang sinabi ni Adrian.

I smiled at him. "Huwag kang mag alala, nag recruit na ako ng makakasama natin mamaya"

Ang annual hunt.

Yan ang idinaraos ng Vampire University once a year. Sa grupo na lima, paramihan ng mga golden orbs na makikita sa palibot ng buong Camp Nightmare. Ang camp ay napakalawak ngunit may hangganan ito. Sabi nga sa announcement ng SSG, ang Camp Nightmare ay isang malaking pentagon at sa mga hangganan nito ay may nagtataasang mga walls na gawa sa matitibay na alambre. May mga signs din silang inilagay sa mga parte ng Camp na bawal lapitan. But why still push an event here kahit delikado dito?

Mag start ito mamayang gabi at matatapos sa madaling araw. Kaya naman, alam kong maraming students ang natulog buong hapon sa kanilang mga dorm. They can't afford to sleep knowing na may malaking prize daw na matatanggap ang mananalo.

"Sigurado kabang walang kababalaghan na mangyayari mamaya? Pinaghalong day at night students ang sasali dito", tanong ko kay Adrian.

"Sumama ka sakin"

Ibinaba namin ang aming nga gamit sa isang camp cabin at sinundan ko si Adrian. Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakaabot kami sa matataas na walls na gawa sa alambre. Ang kapal nito sa malapitan. Dahil sa matatalim na mga dulo ng alambre, napaka imposible na makakaakyat ka dito ng buhay.

Is it to prevent the campers from going out or to prevent any intruders from going in?

"Tingnan mo ito Ally", sabi ni Adrian habang inilalapat ang kanyang kamay sa isang napakalaking bato. May nakaukit ditong isang simbolo ng dragon.

Nagulat ako ng biglang lumiwanag ng kulay pula ang nakaukit dito.

"Ano yan?", tanong ko sa kaniya.

"Eto ay isang Sanguine Sigil. Sa buong sides ng Camp ay meroong ganito. Kapag limang Sigil ang nakalagay sa isang pentagon, lahat ng mga Vampires ay mawawalan ng lakas at abilities. Parang tao na din kami dito sa camp.

My eyes widened. Hindi ba siya nagjojoke?

I smirked.

Bag!

"Aray!"

Sinipa ko siya ng napakalas sa tiyan. Napayuko si Adrian sa sakit. Hindi nga siya nagbibiro.

"Try ko lang kung totoo mwehehe*

"Pfft. K. Basta yun lang masasabi ko. Safe lahat ng mga day students sa mga masasamang vampires ngayong gabi"

"Pero paano ang mga werewolves?"

"Hindi din sila makakatransform. Pero kahit na normal ang mga lakas namin ngayon, hindi ibig sabihin nun na kakaibiganin na namin sila"

Crap. Tinawag ko si Kevin para maging isa sa mga ka grupo namin. Kapag magkita ulit itong dalawa, baka maulit yung nangyari sa inn. Pero bahala na, kailangan kong gumawa ng paraan para magbati silang dalawa. I need them both para masalba ko ngayong gabi si Cheska.

Vampire UniversityWhere stories live. Discover now