Chapter 7: Immortal Love

1.2K 53 5
                                    

Adrian's POV

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko. Pero alam kong ang pinakatamang gagawin muna ay ang magpaalam sa nakatataas.

"Tol sigurado ka ba sa gagawin natin?", tanong ko kay Brian.

"Oo naman! Pero ayun sa narinig ko wala pang nakakakita sa mukha ng Supremo!"

Napalunok ako. Ang makipagkita sa pinakanakatataas na bampira ay nakakatakot. Kinakabahan na ako ngayon. Ay mali, hindi pala tumitibok ang aming puso.

Nakasulat sa pinto ang mga letrang Oficina del Supremo. Kulay pula ang kulay ng pinto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.

Nadatnan ko ang isang lalakeng nakaupo sa kaniyang office chair at nakatalikod at nakatingin sa window. Kaya naman pala, paano makikita ng mga tao ang mukha niya kung tatalikod siya!

May mahaba siyang buhok. Pakiramdam ko tuloy nakikipag usap ako ngayon kay Loki ng Avengers. May isang champagne glass sa kaniyang kanang kamay. Kitang kita ang kulay pula na likido na nasa baso. Hindi ako magkakamali. Obvious naman diba? Dugo yun.

"Magandang umaga, Supremo", sabi ko ng may malalim na boses. Para formal pakinggan.

"Que dijiste?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko ito maiintindihan!

"Ano po?"

"No pierdas mi tiempo!"

Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya, alam kong galit na siya. Wala na akong ibang ginawa kundi ang tumalikod palabas ng Supreme Office.

"Just kidding, go talk, what do you want?"

-_-

Takte, marunong naman pala mag english!

"I need a permission from you, Supremo"

Uminom siya sa kaniyang champagne bago nagsalita. "What permission"

"I need a mortal to fall in love with me"

Naibuga niya ang kaniyang nainom na "red wine".

"Ahahahahahahahahah"

Tumawa siya ng parang demonyo. Anung nakakatawa dun?

"If you really NEED to do so, then go on", dagdag niya at diniinan ang salitang 'need'.

"Thank you, sir", sabi ko at nag bow with hands on my chest. A sign of respect to the high-position vampires.

Tumalikod na ako sa kaniya palabas ng room.

"Wait"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"I want to remind you that making a mortal fall in love with you is just ok for me, but if YOU fall in love with her, you already know the consequences"

"Yes, sir", sabi ko at lumabas na ng room. Nadatnan ko si Brian na nasa labas at nakasandal sa pader.

"Huyy, kumusta?", tanong niya na parang naeexcite.

"Ok na daw", sagot ko.

"Ayus yan pare! Kailan mo balak na magsimula?"

Lumapit akpo sa kaniya at bumulong sa kaniyang tenga.

"Ngayon"

------------------

Allysa's POV

Lumalakad ako papuntang sa park upang mag study. Para sa akin, ang tahimik at mahangin na park ang pinakaperpektong lugar.

Hindi na sumama si Cheska. Naisipan niyang manuod nalang ng TV sa kaniyang dorm. Sinimulan ko ng basahin ang aking Biology book habang naglalakad ng-

Vampire UniversityΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα