Chapter 4

42K 976 457
                                    

Chapter 4: Okay or not


"Kaibigan mo pala ang anak ko, hijo." narinig kong sambit ni Papa mula sa sala namin.

Paalis pa lang si Papa nang dumating si Ruhan para sa lakad namin ngayon. Hindi pa nga alas nuwebe, mga quarter to nine pa lang, nandito na si Ruhan. Tapos na akong naligo at kumain ng almusal ngunit nahihirapan akong maghanap ng damit na maisuot.

Akala ko umalis na si Papa patungo sa PBMC, umalis na talaga siya pero may nakalimutan siya kaya bumalik at eksaktong paalis na muli siya nang dumating si Ruhan. Si Papa na mismo ang bumabati kay Ruhan at nagpapasok sa kanya sa bahay.

"Hija, matagal ka pa ba diyan?" si Mama sa labas ng aking kwarto.

Sinuklay ako ang aking mahabang buhok gamit ang mga daliri bago lumabas ng kwarto. Pinili ko nalang na suotin ang aking sunday dress na kulay soft peach at puting flat sandals na binili namin ni Mama sa tianggehan noong Recognition Rites ko last year.

Nginitian ako ng malapad ni Mama at sumabay sa akin pababa. Hindi naman ganoon ka haba ang hagdanan namin dito sa bahay. Gawa sa limang hakbang lang ito. Naabutan ko sa sala si Ruhan kasama si Papa, nag-uusap sila.

I smiled at Ruhan when he looked at me. Nakasuot siya ng olive green polo shirt at puting slacks at puting adidas shoes. Pinasadahan ako ng tingin ni Ruhan mula ulo hanggang paa bago bumalik sa aking mga mata at ngumiti pabalik.

"Walang maghahatid sa akin ngayon ng tanghalian," si Papa.

Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya. "Sabi ni Mama siya raw maghahatid,"

Humalakhak si Papa. "Ayos lang, anak. Mag-ingat ka, ha?"

"Kasama ko naman po si Ruhan." nakangiti kong sabi.

Hinatid kami ni Papa at Mama sa labas. Aalis din si Papa at nais ni Ruhan na sumabay sa amin para ihatid muna sa PBMC pero tumanggi si Papa.

"Sa Farm ulit tayo?" masigla kong tanong.

Tumango siya. "Yep. How about we'll go horse riding too?"

Parang kumislap ang aking mga mata sa narinig.

"Can we?"

Ruhan chuckled and nodded. "Sure,"

"Pero hindi pa gumaling si Angus, 'di ba? Anong sasakyan mo?"

"Kabayo ni Eren ang gagamitin natin. Hindi ka pwedeng ikaw lang mag-isa sa kabayo," aniya.

Tumango ako at tumingin sa daan na aming tinatahak. Ibig sabihin isang kabayo lang kami ni Ruhan? Napangiti ako. Sobrang bait ni Ruhan sa akin na parang panaginip lang ang lahat sa akin.

"Good morning, Sir!"

"Magandang umaga, Sir Ruhan."

"Magandang umaga rin sa inyo," pormal na bati ni Ruhan sa mga nagtatrabaho sa farm.

Ngumiti ako ng magalang sa kanila habang dumadaan kami. "Magandang umaga po,"

Patungo kami sa kabalyerisa at abalang abala ang lahat dahil may dinidiskarga sila mula sa mga truck. The men workers were carrying crate, box made by wood filled with goods, and some were pushing a push cart with bigger crates.

'Di agad ako nakasunod kay Ruhan dahil pinauna ko silang makadaan, mabibigat kasi ang dinadala nila. Lalo na ang mga matatanda ay nakasuot ng salakot at long sleeves na jacket panangga sa init. Ang iba pa nila ay may hibilya sa baywang na kadalasan ay manipis na lubid at doon tinatali ang kanilang bolo o karit.

"Salamat, Miss." ani ng isang matandang trabahante.

Magalang akong ngumiti sa kanila bago tumingin sa malayo. Medyo nakalayo na si Ruhan at may lumapit sa kanya na isang trabahante at kinakausap siya. Hinintay ko matapos ang huling crate na binubuhat nila.

Sand of the Past (Isla de Vista Series #3)Where stories live. Discover now