Chapter 13

38.5K 910 176
                                    

Chapter 13: Magic


Tumawa ako ng malakas dahil nahulog ang paa ni Ruhan sa pisak.

"Oh, shit..." bulalas niya.

Napasapo ako sa bibig para pigilan ang tawa ngunit inalis ko lang din ulit ang kamay sa bibig para tumawa muli ng malakas. Basa ang blue jeans ni Ruhan mula sa kanyang kanang paa hanggang sa ibaba ng tuhod.

"Yan kasi, hindi ka tumitingin sa daan." natatawa kong sambit.

He playfully pouted at me. "You're a bully, baby."

"Ikaw kaya itong 'di tumitingin sa dinadaanan, ah."

"Pull me up."

"That's not deep."

"Pretty please..." malambing niyang sabi.

Tumawa pa rin ako at inabot ang kamay niya. "Sige na nga,"

Imbes na siya ang hilain ko, hinila niya ako kaya napatili ako sa gulat at sinita siya sa pangalan niya. Bago pa ako makaapak sa pisak, walang kahirap hirap niya akong binuhat paangat sa lupa.

"Ahh! Ruhan!"

Tumawa lamang siya at kinarga ako na parang bata. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit natawa nalang din. Yumakap ako sa leeg niya habang karga niya ako.

"Balik nalang tayo sa bahay." natatawa kong sinabi.

Kasalukuyan kasi kaming naglalakad patungo sa kubo. Nandoon ang sasakyan niya at plano niyang sa labas kami kakain ngayon pero ito ang nangyari. Kanina rin napag-usapan namin ang balita na maging judge siya sa pageant at sabi niya ay inalok siya pero hindi niya pinaunlakan kaya bukas, hindi siya kasama sa panel of judges.

"Do I smell bad, baby? My shoes got soaked." aniya habang naglalakad pabalik sa bahay namin.

"Hindi naman. Ibaba mo nalang ako, Ruhan. Ikaw naman itong nabasa, e."

"Ayoko. Gusto kong buhat-buhat kita."

"May pantalon si Papa at short na panlakad. Pwede tayong manghiram." suhestyon ko. "Pero mukhang kailangan mo ng belt kasi medyo mataba si Papa."

"Hmm, nagpapahiram ba ang Papa mo ng damit?"

Agad akong tumango. "Oo naman, malakas ka sa kanya, e."

Humalakhak siya kaya napapangiti ako. Inabot ko ang pisngi ni Ruhan at hinaplos gamit ang dalawang kamay. He smiled a bit and let me do my thing. Hinaplos ko ang panga niya at tinalunton ang mataas niyang ilong.

"Mas gwapo talaga kapag may foreign blood, no?" bigla kong sambit.

"Pure Filipina ka at sobrang ganda mo."

Ngumuso ako ng konti. "Sobrang nagagandahan talaga ako sa mga mata mo."

"Hmm, really?"

"Yeah! They are gray and sometimes they look like light-blue or a crystal." puri ko. "But you're light sensitive, right? Alam ko rin na bihira lang ang mayroong abong kulay na mata."

"Hmm, I have photophobia. You know what it means?"

"Uh-huh. Light sensitivity."

"Right. It is hard for me to keep my eyes open in front of the sun or any bright light."

"Tapos?"

Ngumisi si Ruhan. "Gusto mo lang talagang marinig akong nagpapaliwanag, ah?"

"Oo." halakhak ko. "I like hearing your voice."

He nuzzled his head against mine making me laugh and felt the tickle. Sumungkal ang ilong niya sa aking pisngi at napapikit ako upang hindi pumasok sa aking mata ang buhok ni Ruhan habang ginagawa niya iyon.

Sand of the Past (Isla de Vista Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon