Chapter 12

40.2K 880 186
                                    

Chapter 12: Not okay

Biglang tumili si Ate Grace pagkatapos ng kwento ko kaya nilayo ko konti ang aking ulo at napatakip ng tainga. Kasalukuyan kaming nandito sa kwarto ko at sobrang aga nang bumisita si Ate Grace dahil naikwento ni Mama kay Tiya Flordeliza ang pakay ng mga Buenavista noong nakaraan dito sa amin.

"Amara! Ang sweet naman ni Ruhan sa'yo!" puri ni Ate Grace sa mataas na boses. "Tingnan mo, dinala niya ang pamilya niya rito. For sure kung nandito rin sa probinsya sila Monsieur Eros at ibang pinsan niya, naku! Puno ang bahay ninyo sa mga Buenavista."

"Si Kuya Maddox lang ang hindi nagpunta. Naiwan sa Vista Manor... kasama ang mga Liang."

Umismid si Ate Grace. "Ewan ko sa Maddox Buenavista na 'yan. Boto naman sa'yo pero bakit diniin niya na pakasalan ni Ruhan si Yuki Liang. 'Di ba, narinig mo sila mismo?"

"Baka may ibang paliwanag pa, Ate Grace. May ibang dahilan si Kuya Maddox kasi mabait naman talaga siya." singit ko.

"E, alam ko na mababait ang mga Buenavista, Amara, pero tao rin sila. May attitude na hindi natin alam o kung alam man natin, pinipilit lang nating huwag pansinin." aniya. "Anyway, tama na nga iyan. Basta kinilig ako sa inyo ni Ruhan!"

Mahina akong natawa. Kinilig din ako sa nangyaring date namin ni Ruhan noong Miyerkules.

"Hindi makapaniwala na magugustuhan ako ni Ruhan..."

"Anong hindi?" agap ni Ate Grace. "Sa ganda, talino, at bait mong iyan, Amara, deserves mo mag-jowa ng lima."

Namilog ang mga mata ko. "Ate Grace!"

Tumawa siya ng malakas. "Joke lang ang lima, no. Alam ko na isang Ruhan lang sapat na."

"So, kailan mo nga siya sasagutin, Amara?" excited na dagdag ni Ate Grace.

"Hindi siya nagtanong, e."

"What if magtatanong siya mamaya?"

Ngumuso ako at sandaling napaisip. "Gusto ko naman si Ruhan kaya bakit ko papatagalin? Pero..."

"Pero?"

"Sasagutin ko si Ruhan kung nasa tamang panahon na."

Kumunot ang noo ni Ate Grace. "Pag-eighteen ka na?"

Mabilis akong umiling. "Ang tagal pa no'n, Ate Grace. Siguro mga isang buwan o dalawa. Depende kung kailan magtanong si Ruhan pero alam ko na hindi pa siya ngayon magtatanong."

"Pareho n'yo lang pinapatagal ang sarili, e."

"Di naman minamadali ang pag-bo-boyfriend sabi ni Mama. Natakot ako na kapag sagutin ko agad si Ruhan, hindi kami tatagal at mag-break agad. Ayaw kong mangyari iyon."

Hindi kumibo si Ate Grace at mahinang tumango tila agree siya sa sinabi ko. Napahugot ako ng malalim na hininga. Ayaw kong mangyari iyon, isa sa mga bagay na sobrang kinatatakutan ko.

"Tama. May karanasan akong ganyan, Amara." mahinang tugon ni Ate Grace. "Yung boyfriend ko na naikwento ko sa'yo dati."

"Yung boyfriend mo bago ka nagpunta rito?"

Tumango siya. "Si Kenn. Crush ko siya mula first day of school, Grade 11. Naghiwalay kami dalawang buwan mula noong naging kami. Hindi naman masakit, hindi ko naman minahal iyon ng lubos at nagpunta ako ngayon dito sa Isla de Vista. Happy and single."

"Ayaw kong mangyari iyan sa amin ni Ruhan..." may bahid ng takot ang boses ko at iyon ang totoo.

"Maniwala ka sa akin, Amara. Hindi iyan mangyayari sa inyo ni Ruhan pero tama ka, 'wag mong madaliin. Kapag sa palagay mo oras na para sagutin mo siya, e, go ka lang. Kahit hindi mo pa sinagot ang Prince Charming mo, iyong iyo naman iyon."

Sand of the Past (Isla de Vista Series #3)Where stories live. Discover now