Chapter 7

39.1K 832 479
                                    

Chapter 7: Miss


Lumapat muli ang labi ni Ruhan sa aking pisngi. Malamyos siyang humalik sa akin ng dalawang beses at sa pangalawang beses, nananatili ang labi niya roon.

"K-Kailangan ko ng magbihis," bulong ko.

Umiling siya. "Forgive me first..."

"Wala ka namang kasalanan sa akin, e."

"I have. I made you mad,"

Ngumuso ako at napahawak sa kamay niya na nasa aking kandungan. Ang kanang kamay niya ang nakapulupot sa aking maliit na katawan. Hinila ako ni Ruhan kaya dumikit ang katawan ko sa kanya. Nilusob na niya ang aking espasyo.

"Masaya ako dahil nanonood ka pala, Ruhan." mahina kong bulong.

"Uh-huh, I was watching all the time,"

"Kaya nga, okay na tayo,"

"Talaga?" paos niyang tugon.

Marahan akong tumango. "Oo..."

Hindi siya nagsasalita at nananatiling nagpapahinga sa aking balikat. Parang ayaw niyang bumitaw sa akin at hindi ko alam kung kailan niya ako bibitawan dahil kahit nagkaayos na kami, naliwanagan na ako, nakayapos pa rin siya sa akin, e.

"You're so pretty in your white dress, by the way..."

Uminit ang aking pisngi sa bulong niya malapit sa aking leeg. "Si Ate Grace nagbigay nitong damit,"

"Hmm..." he breathed. "It's bad though..."

"Huh?"

Umangat ang tingin niya sa akin kaya nagkatitigan kami. Nagpupumungay ang mga mata niya. Sobrang rahan nito at parang nagpapakalma ng puso. I pursed my lips a bit when he just stared at me for a few minutes.

"It's my first time seeing your hair up," puna niya bigla.

Hinawakan ko ang aking buhok. "Medyo mainit kasi at makapal ang buhok ko kaya naisipan ni Ate Grace na ganito na lang ang hairstyle na gagawin."

"Yeah, that's cool,"

"Bakit? Hindi ba bagay sa akin?"

Nagulat ako ng hinawakan ni Ruhan ang aking batok at hinagod ng marahan. Napanguso ako sa kiliti na nararamdaman sa loob ng aking tiyan.

"Bagay sa'yo pero parang ayaw kong nakikita ng iba ang batok mo,"

Umangat ang aking dalawang kilay. "Batok ko?"

Bahagyang ngumuso si Ruhan at binaba muli ang ulo niya sa aking balikat. Hindi naman siya nagpapabigat kaya okay lang na ganoon siya. Pinisil niya ang aking kamay habang nasa ganoong posisyon.

"I can't seem to think straight, baby..." bulong niya.

"E, bakit ayaw mong makita ang batok ko?"

He just groaned.

"Ruhan..." nakanguso kong tawag.

"I love to see your nape but I don't want others to see 'em. It's too sexy, Amara..."

Umawang ang aking labi. "Ngayon lang naman ako naka ponytail, e."

"I know, baby..." bulong niya at napaahon. "Go inside now, get change. Babalik ako mamayang gabi,"

Nginitian ko siya ng malapad at tumango. Pupunta talaga siya mamayang gabi at dito kakainin sa maliit naming handaan. Sobrang nagagalak ako roon at hindi naitago ang ngiti sa harap niya.

"Hihintayin kita," maligaya kong saad.

Kumawala sa kanya ang isang halakhak. "Okay, see you tonight,"

Sand of the Past (Isla de Vista Series #3)Where stories live. Discover now