Chapter 34

16.3K 149 5
                                    

Ash POV

Maaga akong gumising para sana maghanda ng breakfast naming lahat.

Kaso paglabas ko ng kwarto amoy na amoy ko na ang mabangong sinangag.

Tumingin ako sa wall clock namin

7am palang ng umaga.

Sino kaya ang nagluto ng ganto kaaga at impossible rin namang si cous yun.

Pababa na ko ng hagdan ng mapansin ko wala ng katabi si Migs.

Si Kirby kaya yung nasa kusina?

Pagpasok ko sa kusina nakita ko siyang naglalagay na ng mga plato at nandun na rin yung mga niluto niya.

May sinangag, bacon, hotdog and tocino. Pano niya nagawa 'to ng mabilisan?

And infairness marunong pala siyang magluto ha

"Good morning" bati ko sakanya habang nakangiti

Nagulat pa ata siya kasi napatalon siya nung nakita niya ko.

"Hi good morning Claire. Sorry pinakealaman ko na loob ng ref nyo." Sabi niya at umupo naman na ko.

"Okay lang noh. Ako nga dapat mag sorry and  thank you kasi nag abala ka pang mag luto." Sagot ko habang nakahawak sa ulo ko

Sakit ng ulo ko may hang-over na naman ako.

Kinuha naman niya yung pitsel sa ref.

"Tubig oh baka may hang over ka" inabot naman nya sakin yung baso.

Nginitian ko naman siya at kinuha yung baso.

Nabalot ng katahimikan ang kusina.

Walang umiimik saming dalawa.

Maya maya pa eh bigla akong may narinig na mga yapak papalapit samin.

"Oh Kirby and Claire, good morning." Bati ni Ate Kath.

"Good morning have a sit." Sabi ni Kirbs sa mga Ate niya.

Sila Ate Kath and Ate Keith pala. Ang aga nilang magising. Parang walang mga hang-over.

"Aga nyo atang dalawa? Kayo nag prepared niyan?" Parang gulat pa na tanong ni Ate Keith.

"Good morning mga Ate. Si Kirbs gumawa niyan lahat." Ngiti kong sagot sakanila.

"Wow kapatid! Bakit sa bahay 'di mo ginagawa to?" Pabirong sabi ni Ate Keith pero nag smirk lang si Kirbs

Sweet nitong magkakapatid na 'to. -_-

"Teka gigisingin ko lang si Migs para sabay sabay na tayong kumain." Tumayo naman na si Kirbs at lumabas ng kusina.

"Sila Tiffany ba hindi pa ba sila bumababa?" Tanong ni Ate Kath.

"Oo nga pala wait mga Ate katukin ko lang sa kwarto so we can have our breakfast together." paalam ko rin sakanila at umakyat na ko.

Nakita ko pa si Kirbs na dahan dahang ginigising si Migs.

*knock.knock.knock*

"Cous? Gising na ba kayo? Breakfast is ready. Tara na." Pagtawag ko pero mukang tulog pa ata sila.

Hindi ko rin naman mabuksan yung door at naka lock.

Hinayaan ko nalang muna sila at bumaba na ulit ako.

Pagbalik ko ng kusina nandun na din si Migs.

"Good morning" greet ni Migs sakin at tumango naman ako.

"Tulog pa sila?" Tanong ni Ate Keith.

"Yes Ate. I think we can start our breakfast na. Hayaan nalang muna natin sila." Sabi ko sakanila.

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon