Chapter 42

11.3K 178 53
                                    

Kirby POV

3 days na nung una kong nakita ulit si Clara pagkatapos ng tatlong taon.

Plano ko sana siyang kausapin after the event. Pero nagulat ako kasi bigla nalang sila nawala ni Tiffany.

Tinry ko rin siya hanapin sa kahit anong social media account pero hindi ko siya mahanap. Impossible rin naman na wala siyang social media.

Nandito ako sa kwarto ko ng maisipan ko pumunta sa kwarto ni Ate Keith.

*Knock.knock.knock*

"Pasok!" sigaw niya mula sa loob.

Nakita ko naman siyang nasa kama niya habang nanunuod ng Emily in Paris.

Tumabi ako sakanya.

"Oh anong kailangan mo?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Ate..." pagtawag ko sakanya.

"Alam mo kung about na naman yan kay Claire stop. Wala kang makukuha sakin." pagsusungit pa niya.

"Please? Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo? Hanggang kailan mo ko papahirapan ba? Gusto ko lang siyang makausap." pagmamakaawa ko sakanya.

"But lil bro nag promise ako kala Claire at Tiffany na walang makakaalam ng information nila." sabi naman niya.

"Hindi naman ako manggugulo Ate. And si Clara lang ang gusto ko makamusta. Please. I beg you Ate. Bibilhan kita ng pinaka gusto mong bag or anything sa Dior or kahit sa LV pa yan. O kaya ako na sasagot ng ticket mo pa out of town ibigay mo na sakin kung saan ko macocontact si Claire." sabi ko sakanya.

Halos lahat ng pwedeng isuhol sakanya makausap ko lang si Clara gagawin ko.

Napatigil naman siya sa panunuod niya at tumingin sakin.

Napabuntong hininga muna siya ng malalim bago siya nagsalita.

"Fine. But promise me na hinding hindi mo siya guguluhin and Please kapatid wag na wag mong sasabihin kay Drake kahit anong information na ibibigay ko sayo sa mag pinsan." seryosong sabi niya.

Hindi ko maintindihan pero bakit ayaw niya ipaalam kay Drake?

Pero dahil sa gusto ko lang makausap na talaga si Clara papayag na ko.

"Promise." sagot ko sakanya.

Binigay niya ang facebook account ni Clara.

"Thanks Ate! The best ka talaga! Love you!" sabay akap sakanya.

"Oo na basta yung sinabi ko sayo ha. Utang na loob. Ako malalagot sa mag pinsan pag hindi ka tumupad." sabi niya na halatang nag aalala siya.

Tumango naman ako at bumalik na sa kwarto ko.

Pagkabalik ko ng kwarto umupo ako sa sofa at nag scroll sa profile ni Claire.

Actually masyado siyang private. Halos lilimang picture na profile picture lang ang nakikita.

Mas lalo siyang gumanda.

Pagkatapos kong i-stalk yung profile niya walang pagdadalawang isip nag send agad ako ng request sakanya.

Wala pang limang minuto biglang nag notif sakin na inaccept na ko ni Clara.

Medyo kabado pa ko na may halong saya. Syempre kasi eto na yung chance ko makausap ulit siya.

Agad agad ko naman siyang chinat.

Hi. How are you? It's been a long time.

Pagkasend ko binaba ko muna yung phone ko kasi kinakabahan talaga ako.

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon