Chapter 41

10.3K 146 26
                                    

Ash POV

Tatlong araw na nakalipas mag mula ng nagkita kami ni Kirbs sa kasal ng kapatid niya.

Hindi namin natapos yung event dahil nag aya na agad umalis si Cous.

Walang nag expect saming dalawa ni Tiff na darating yung tatlo. Ang buong akala namin hindi na sila makaka attend kasi nasa business trip at busy sila.

Nandito lang kami sa bahay ngayon.

Actually malapit lang 'tong bahay namin ngayon sa simbahan na kinasalan ni Ate Kath.

Bago kami bumalik dito sa pinas bumili kami ng property ni Tiff sa isang subdv dito sa tagaytay magkapitbahay lang din naman kami kaya minsan dun ako natutulog kay Cous minsan naman sila ni Shannia ang natutulog dito.

May kasama rin ako sa bahay si Nanay Lin sabay namin sila kinuha ni Nanay Bel sa agency nila para maging kasama namin sa bahay lalo na para may mag aasikaso sa bahay.

*Cous Tiffany❤ Video call from messenger*

Bakit kaya nag video call 'tong si Cous.

Pagkasagot ko ng tawag niya bumungad naman ang isang apaka gandang anghel na muka ng bata.

"Hi mimi!" masayang bati ni Shannia

"Hello baby angel." ngiting bati ko rin sakanya.

"Where's mimi?" tanong niya habang lumilingon sya sa paligid niya at hinahanap ako.

"Mimi is here in my room baby. Why?" sagot ko naman sakanya.

"Nia wants to see you. *pout*" sabi niya habang nag pout pa talaga siya. Narinig ko naman ang maliit na tawa ng kanyang Mommy.

Kakatuwa talaga 'tong baby ko sino ba namang makakatanggi dito.

"Okay Mimi will go there now. You want chocolate?" bigla namang kuminang ang mata niya sa sinabi ko.

"YEEEYYYY NIA WANTS CHOCOYEY MIMIIIII~" excited na sagot niya.

^______^ ganyan na ang facial expression niya.

Natawa naman ako bigla hahahaha

"Wait for me okay? Love you baby angel." sabi ko sakanya

"Yabyu Mimi babye." at inend na nya ang tawag.

Bumaba naman na ko at dumeretso sa kusina.

Nakita ko rin si Nanay Lin na nasa kusina na naglilinis.

"Hi Nay." bati ko sakanya

"Hello anak anong kailangan mo dito sa kusina?" tanong niya.

"Kukuha lang po ako ng chocolate sa ref dadalhin ko po kasi kay Shannia hehe" sabi ko sakanya at napatango lang naman siya.

Lumabas na din ko ng bahay at pumunta na kala Tiff pagkakuha ko ng kitkat favorite kasi ni Shannia 'to tsaka cadburry kaya nag i-stock ako ng ganto kaso ngayon nga lang e last na 'tong kitkat na 'to kaya need ko na ulit mag grocery.

Nasa gate palang ako nakita ko na si Shannia na nagsasayaw sayaw habang may pinapanood sa tv.

"Where's my baby shanniaaa?" excited kong bungad pagpasok ng bahay nila.

"MIMIIIIIIII~" akap niya sakin.

Binigay ko na sakanya yung chocolate na dala ako at tumabi sa sofa kung nasaan si Tiff na busy mag cellphone.

"Yow" sabi ko sakanya napatingin naman siya sakin

"Hmm" sagot niya at bumalik na ulit ang tingin a pagcecellphone

Ano na naman kaya pinagkakaabalahan nito?

"Busy?" tanong ko

"Cous." napahinto siya saglit at nakatingin lang sa screen ng phone.

"Problem?" tanong ko ulit

Pinakita naman niya yung phone niya at nasa profile siya ni Drake.

Napatingin naman ako sakanya at kay Shannia.

This time naluluha na si Tiff.

"Sobrang sama ko ba dahil pinagkakaitan ko ng ama ang anak ko?" tanong niya at tuluyan ng bumuhos ang luha niya.

Inakap ko naman siya

"Sshh. Ginawa mo lang ang dapat ang makakabuti kay Shannia." habang pinapakalma ko siya

"Ang dami kong what ifs ngayon. What if kung sinabi ko sakanya? What if binigyan ko ng chance? Edi sana hindi ko pinagkakaitan ang anak ko ng isang kumpletong pamilya." dagdag pa niya habang umiiyak pa rin siya.

"Hindi pa naman huli ang lahat. Alam mo yan diba? May time ka pa." sabi ko sakanya

"Papaano? Engaged na siya. Ayoko masaktan ang anak ko." sabi niya

"San ka ba natatakot? Masaktan si Shannia o masaktan ka lalo?" tanong ko at bigla naman siyang 'di nakasagot.

"Mommy?" nagulat kami kasi nasa harapan na pala namin si Shannia

Bigla namang pinunasan ni Tiff yung mga luha niya.

"Yes baby?" sagot ni Tiff at kinarga paupo si Shannia

"Are you hurt?" tanong niya sa Mommy niya

"No baby." pagsagot niya

"Why Mommy cry po?" tanong niya ulit

3yrs old palang siya pero matalinong bata si Shannia. Marunong siya makiramdam sa paligid niya.

Nagkatinginan kami ni Tiff.

"Baby angel come to Mimi." kinuha ko siya sa Mommy niya at ako na kumarga sakanya.

"Mimi?" parang nalilito siya sa mga nangyayari sa paligid niya.

"You want to go to the mall and play with Mimi and Mommy?" pag iba ko para malibang yung bata.

Bigla naman nagbago ulit ang facial expression niya and this time nakasmile na sya.

"Okay Mimi! Nia will babath na po." sabi niya at sabay takbo ng kusina para magpapaligo kay Nanay Bel.

"Thank you." sabi ni Cous sakin.

"Mag asikaso ka na. Babalikan ko kayo after an hour." sabi ko at tumayo na ko palabas ng bahay nila.

"Nanay Lin mag mamall po tayo ilalabas po namin si Shannia and mag grocery na rin po tayo paki lista nalang po ng mga need natin." sabi ko kay Nanay Lin na nasa sofa na nanunuod ng tv.

"Sige anak maliligo na din ako pagkatapos kong mag lista ng kailangan natin." sagot ni Nanay Lin.

Umakyat naman na ko sa kwarto ko para makapag asikaso.

*Ting*

Papasok na ko ng cr ng biglang tumunog yung cp ko.

Nagulat ako pagkabukas ko ng cellphone ko sa nakita kong notification.

Kirby Lee sent you a friend request.

Pano niya ko nahanap? Iba yung name ko dito. Super private din and limited yung mga friends ko.

Hindi ko namalayan na confirm ko na siya. Late na nung marealize ko.

Omg!!!!!

Anong gagawin ko???

Hindi naman siguro siya online noh?

What if i-unfriend ko nalang?

Tama tama.

Pumunta ako sa profile niya.

Grabe mas lalo siyang gumwapo.

Mas nag matured na siya.

Bago ko ma click ang unfriend button biglang may nag pop-up sa chat heads ko.

Kirby Lee sent you a message.

Para kong binuhusan ng malamig na tubig na punong puno ng yelo.

Anong gagawin ko?

Ready na ba kong harapin siya?

To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon