Chapter 19

36.3K 273 18
                                    

Kirby POV

Alasingko palang ng hapon pero busy na kami nila Ate Sofia sa paghahanda sa pa house party kuno nila.

Ewan ko ba pero para bang may mga special na mga bisita pa ang darating bukod sa aming apat.

Nandito kami sa pool nila Drake. May bahay kubo kasi sila. Ganto naman palagi pag nakukumpleto kami.

Maglalagay ng stand barbeque, inuman, swimming, soundtrip at kwentuhan magdamag.

Mga typical na bonding lang ba kumbaga.

"Kirbs matanong nga pala kita kamusta si Tiffany? Okay lang ba siya?" biglang tanong ni Ate Sofia habang inaasikaso niya yung decoration

Bakit naman kaya bigla syang napatanong? Hindi kaya nag kwento na ang chismosong si Drake? Tss.

"She's fine Ate. Actually minsan pag may time kasama namin siya sa bar ni Migs" sagot ko sakanya

Napansin ko naman na napaharap sya sakin at tinigil yung ginagawa niya

"Eh sakanya may balita kana ba?" halatang curious siya na para bang kelangan kong umamin.

Napalingon naman ako kay drake at nakatingin siya samin ni Ate Sofia.

Napaiwas naman siya ng tingin sakin

Wtf. Drakeeeee!! Yari ka talaga sakin napakadaldal mo.

"May sinabi ba sayo si Drake?" tanong ko sakanya

"To be honest meron pero nakiusap siya na wag ko daw sabihin sayo kasi baka bugbugin mo daw siya. So ano nga? Pinaglilihiman mo nako ngayon nakakatampo ka." nakapout pa na sabi niya.

Kinurot ko naman siya sa pisngi

"Ouuuuchhh!!" paghimas niya ng pisnge.

"Hindi ako naglilihim Ate noh. Hindi ko lang talaga alam kung pano at saan ako magsisimula. Tsaka lately ko lang din ulit siya nakita. Sobrang laki ng pinagbago niya Ate." sabi ko nalang sakanya

"Weeehhh? So pano kayo nagkita? Saan? So kamusta naman siya? Ano sabi niya sayo?" di makapaniwala niyang tanong.

Bigla namang sumingit si Drake sa usapan namin

"Ito na siya ngayon Ate." sabay abot ng phone niya kay Ate Sofia

So nakikichismis na naman siya sa usapan namin pala.

"O-M-Geeeeeee!! Is it real? Yan na siya ngayon? Hindi ako makapaniwala!! Ang ganda niya!" hindi maalis sa mata ni Ate yung pagkakatitig kay Claire.

"Absolutely yes Ate. Ang ganda niya noh? Sobrang chic na siya ngayon" sabay pa ni Drake

"So ano kamusta ung pagkikita niyo ni Clara?" pag uusisa ni Ate Sofia

Kinwento ko naman lahat sakanya. Simula na naaksidente si Claire. Sa pagkakawala ng mga ibang memorya niya.

"So hindi niya tayo kilala?" malungkot na tanong niya

Tumango naman ako

"Haaaayy nakakamiss si Clara. Kung hindi lang kasi napunta sa gago mong pinsan yun edi sana kasama pa natin siya ngayon." bakas padin sa muka niya ang kalungkutan

"Kundi lang din naging torpe yung isa dyan at nag confess ng nararamdaman niya edi sana happy na silang dalawa" parinig naman ni Migs.

Ako ba pinapatamaan niya? ---______---

"Bro sa wakas nagsasalita ka din pala! Akala ko hangin ka lang dito eh." biro ni Drake

"Gusto mo maging hangin lang din kainin at inumin mo mamaya?" banta ni Migs

"Joke lang dude. Dika naman mabiro. Pa kiss nga!" akmang ikikiss na ni Drake si Migs ng biglang pinakita ni Migs yung kamao nya

"Pasabugin ko nguso mo gusto mo?" sabi niya kay Drake

Pero walang effect yung pagbabanta ni Migs kaya nakiss padin siya ni Drake sa pisnge hangga't sa naghabulan na sila

Tawa naman ng tawa si Ate Sofia

"Hahaha. Tignan niyo mga sarili niyo. Edad lang talaga nagbago sainyo pero mga ugali niyo ugaling bata padin. Sarap niyo panoorin." sabi ni Ate Sofia

Tama si Ate Sofia. Wala paring pinagbago.

Mga nasa bentesingko na kami.

Mga babaero at seryoso kung titignan mo.

Pero mga isip bata parin pala. Hahahahaha!

Umupo kami ni Ate Sofia habang pinapanood namin na mag habulan yung dalawang mokong.

To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon