Chapter 38

11.5K 146 5
                                    

Tiffany POV

It's friday night ang bilis ng panahon kabuwanan ko na pala ngayong month.

Mejo nitong mga nakaraang araw rin hindi ko na maintindihan yung pakiramdam ng tyan ko.

Halos mag iisang taon na rin kami nandito ni Claire. Sobrang appreciate ko dahil hindi ako iniwan sa ere ng pinsan ko.

Hayy napaupo naman ako sa sofa habang himas himas ang tyan ko at kinakausap siya.

"Hi baby excited na si Mommy makita ka. Sorry anak hindi kita mabibigyan ng masaya at kumpletong pamilya. Mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal kita." bigla na namang pumatak ang luha ko.

Naiisip ko palang ngayon pero nadudurog na ko para sa anak ko.

Sa lalim ng iniisip ko bigla may umakbay sakin.

Napalingon ako kung sino, si Clara pala.

"May masakit ba sayo? Bakit ka na naman umiiyak? I told you na don't cry baka maging iyakin yang baby shannia natin eh. Pag yang pamangkin ko talaga naging iyakin kasalanan mo yan." sabi niya habang naka pamewang pa

Napangit naman ako at pinunasan ko ang luha ko.

Buti nalang sa 9 months na nagbubuntis ako bukod kala Mommy at Auntie andyan si Clara.

Grabe yung spoiled ko sa babaeng 'to lalo na nung nasa paglilihi stage ako. Naalala ko pa non isang beses na nasa photoshoot siya bigla akong tumawag sakanya umiiyak. Natataranta pa siya non kasi humahagulgol ako sa iyak. Nung tinanong nya ako kung ano bang problema ko sinabi ko sakanya na gusto ko ng chicken at spaghetti ng jollibee. Agad agad naman siyang nagpaalam para umalis ng photoshoot nya tapos pagdating ng bahay tawang tawa sya kasi muka daw akong batang hindi binilhan ng kendi. -_-

Maraming beses pa naulit yun. Kaya sobrang thankful ako sakanya. Kasi kinaya ko lahat dahil sa pag aalalay at pag alaga niya sakin.

"Thank you, Cous. Sobrang laki ng utang na loob ko sayo." niyakap ko siya at muling tumulo nanamn ang luha ko.

"Hoy buntis masyado ka ng madrama ayoko ng ganto. Tsaka wag mo nga iisiping may utang na loob ka sakin kasi ginusto ko naman 'to dahil mahal ko kayo ng pamangkin ko." sabi niya sabay tapat ng tenga nya sa tyan ko

Halos everyday niya ginagawa yun pag uuwi siya.

"Hi baby shannia! Excited na si Mama Ashley makita ka." Excited na kinakausap ni Claire yung anak ko na nasa tyan palang.

Napangiti naman ako.

For sure magiging kasing daldal din niya yung baby ko. ^___^

Nagpahinga naman din kami after ng pag uusap na yun.

Kinabukasan

Pabalik balik ako ng cr patuloy pa rin ang paghilab ng tyan ko.

Bigla namang may kumatok sa kwarto ko.

"Cous alis na ko may photoshoot ako ngayon. Call me kapag may need ka ha?" sabi niya

Tumango lang ako at napansin niyang para hindi ako mapakali.

"Are you okay? Bakit ayaw mo pa magpadala sa hospital baka manganganak ka na." pag-aalala niya

"I'm okay Ash. Pag hindi ko na talaga kaya papadala na ko sa hospital. Sige na umalis ka na. Malelate ka na sa appointment mo." habang pinupush ko na siyang lumabas ng kwarto ko

"Tawagan niyo ko agad pag may emergency ha! Anytime kahit nasa kalagitnaan ng shoot sasagutin ko yan." dagdag pa niya.

"Oo na Cous. Sige na ingat sa pag drive ha!" paalala ko

Papaano mabilis mag drive yang babaeng yan eh.

"Yes Madam. Love you!!!" pahabol pa niya bago lumabas ng pinto.

Binuksan ko nalang yung tv pagkaalis ni Ash.

At hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

Pag gising ko sobrang sakit na ng tyan ko.

Pagkatayo ko ng kama pumutok na pala yung panubigan ko.

Natataranta ako.

"MOMMYYYYYYYY!!!" sigaw ko.

"AUNTIEEEEE!!!!" paulit ulit kong tawag sakanila

Bigla naman silang pumunta sa kwarto ko at natataranta sila.

"Ma-nganga-nak na-a a-ta po a-ko" nauutal kong sabi sakanila.

Nakakapanghina pala yung ganito.

Pano kaya kung sinabi ko sa tatay niya? Siguro mas magaan kahit papano yung sakit.

Bigla namang kinuha ni Mommy yung mga kakailanganin ko sa hospital.

"Mommy I want you to call Ash. Gusto ko nasa tabi ko siya habang manganganak." sabi ko sakanila.

Agad naman ding tumawag si Auntie kay Cous.

Inalalayan naman na nila ko papuntang kotse.

Malapit lang naman ang hospital sa bahay namin. 20mins away lang kaya agad naman din kaming nakarating.

Nag start na ko maglakad lakad at nag labor na. Pero wala pa rin si Ash.

Iba yung kaba na nararamdaman ko ngayon. Halos isa't kalahating oras na nung tinawagan siya ni Auntie pero hanggang ngayon wala parin siya.

"Auntie where's Ash po?" nanghihinang tanong ko

"Hindi ko rin alam anak. Kanina sabi niya papunta na siya. Pero ngayon hindi na siya sumasagot sa tawag ko. Nag aalala na din ako." sagot ni Auntie.

Ipapasok na ko sa delivery room pero wala pa rin si Ash.

Nasan na kaya siya? Sana okay lang siya.

Papasok na kami ng delivery room saktong may pinasok ang mga rescuer babaeng duguan.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng parang familiar sakin yung babaeng duguan.

Hindi pwede.

Gusto ko sumigaw at tumayo lumapit sa naaksidenteng babae para masigurado kong hindi siya yun pero hindi ko na magawa kasi ininject na ko ng anesthesia at any time makakatulog na ko.

Wala na kong nagawa. Nakita ko nalang na lumapit si Auntie dun sa babaeng naaksidente at umiiyak gayon din si Mommy.

Bigla pumatak ang mga luha sa mata ko.

Ash. Ash lumaban ka.

Tutulungan mo pa ko palakihin si Shannia.

Hangga't sa nawalan na ko ng malay.


To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon