Chapter 44

9.2K 139 18
                                    

Ash POV

We're here at ATC na. 3 hours lang inabot ng photoshoot ko kaya maaga kami nakapag packed up.

4pm pa lang. Wala pa rin naman yung kikitain namin kaya nilibot muna namin yung mall ni Tiffany.

Si Nia naman kasama ni Nanay Bel sa playhouse babalikan namin sila by 5PM pa.

"Anong oras natin siya kikitain?" tanong ko kay cous habang deretso pumasok sa SDK Trendsetter.

SDK Trendsetter sila yung appointment ko kanina for photoshoot dahil ambassadress nila ako.

May 50% discount kasi ako sakanila pag bumibilinako sa botique nila.

"I told him we can meet him at 6PM." sagot niya.

Tumango nalang ako at pinagpatuloy yung pamimili ko ng dress nila.

Naglibot libot pa kami hanggang sa magpunta na kami sa playhouse para sunduin na sila Nia at Nanay.

Saktong dating namin palabas na sila.

Tumakbo naman samin si Nia habang nakangiti.

"Mommyyy Mimiiii~" sigaw niya at kiniss kami sa pisngi.

"Are you happy?" tanong ng mommy niya.

"Opo." sagot niya.

Ang cute niya talaga pag nagsasabi siya ng po at opo dahil fluent siya mag english at slang.

"Are you hungry na ba?" tanong ko sakanya.

Nag nod naman siya.

"Nia wants jabee Mimi." sagot niya

Favorite niya kasi ang chicken and jolly spaghetti ng jabee tapos papartneran niya ng sundae masaya na siya.

"Okay then let's go para makakain na ikaw."

Pumunta naman na kami ng Jollibee at sobrang haba ng pila sa counter.

Naghanap muna kami ng uupuan namin para komportable na makapag antay sila Nia habang nag oorder kami.

Nang may mahanap na kami tsaka kami nag order ni cous.

Mabilis lang naman pala ang usad ng pila at hindi rin kami ganon katagal na nag antay.

Nag order lang kami ng 6pcs na bucket ng chicken and spaghetti tsaka sundae.

Dumating na rin yung order namin a table at kumain na rin kami.

Habang kumakain kami bigla nanlaki mata ni Tiffany habang nakatitig sa phone niya.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"Nandito na daw siya." sagot niya.

"What? Bakit ang aga niya?" tarantang tanong ko rin.

"I don't know cous. Anong sasabihin ko?" tanong din niya sakin.

"Sige papuntahin mo siya dito. Hindi naman pwedeng iwanan natin sila Nia dito." sagot ko.

After 20 mins. may lalaking pumasok sa loob ng jollibee.

Matangkad.

Matipuno.

Mukang koreano.

At iilan rin sa mga tao dito napatingin rin sakanya.

Si Kirbs.

Hinahanap niya kung nasan kami nakapwesto.

Hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon.

Naghahalo-halong kaba, takot, saya at pangamba.

"Kirby here!" taas kamay ni Tiffany.

Hindi ko alam pero nang makita niya kami nakangiti siya.

Ang ganda ng ngiti niya na mas lalo niyang kinagwapo.

Hindi ko namalayan nasa harapan na pala namin siya.

"Hi." bati niya habang hindi inaalis yung ngiti.

"Upo ka." ngiting sagot ni cous

Umupo naman siya sa harap namin. Sa tabi ni Nia.

Tinitigan naman niya si Nia na walang alam sa nangyayari sa kapaligiran niya dahil sa sarap niyang kumain ng ice cream habang nanunuod sa phone.

"Hello baby girl." bati ni Kirbs kay Nia.

Napalingon naman sakanya si Nia napakunot noo pero maya maya pa e ngumiti rin.

"Hi po! Tino po you?" takang tanong ni Nia.

Nagkatinginan naman kami ni Tiff at napangiti.

Ganyan kasi si Nia pag may bagong muka siyang nakikita kukunot muna noo niya pero ngingiti rin siya bago siya sumagot.

"I'm your Uncle Kirby." pagpapakilala niya sa bata

Nagpapalit-palit naman ng tingin samin si Nia.

"Mommy Mimi?" tawag niya samin

Alam naming naguguluhan siya.

Sa loob ng 3 years wala siyang nakilalang mga Uncle. Tanging sila Ninang Kath and Keith lang niya ang kilala niya pati na rin si Janel.

"Baby love Mommy will tell you everything later okay?" mahinahong sabi ni cous.

Tumango naman si Nia at bumalik ng tingin kay Kirbs.

"I'm Nia po. You want po?" sabi niya kay Kirbs at inalok ng hawak niyang sundae.

Napangiti naman si Kirbs at tumango lang.

Bumalik naman na sa pagkain at panonood si Nia.

"Kamusta kayo? Kamusta ka Claire?" tanong ni Kirbs samin.

Para kong binuhusan ng malamig na tubig nung binanggit niya pangalan ko.

"Kirby can we just finish our food muna? Then after dito gusto sana namin umuwi na kasi para makapagpahinga si Nia kung okay lang sayo sa bahay na tayo mag usap?" sabi ni Tiffany.

Nanlaki naman mata ko.

"Cous." mahinang sabi ko.

Tinanguan niya lang ako.

"Sure. Saan na ba kayo nakatira?" tanong niya.

"Tagaytay." ngiting sagot ni cous.

"Sakto. May meeting rin kami tomorrow sa Tagaytay. Mag bobook nalang ako ng tutulugan ko don." sabi niya at hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.

Hanggang ngayon wala pa ring lumalabas sa bibig ko.

Wala kong lakas na kausapin siya.

Pero halata sa mga mata niyang masaya siya ngayon.

Isa lang narealize ko.

Namiss ko siya. Namiss ko yung dating kami.

To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon