Chapter 45

8.4K 140 13
                                    

Tiffany POV

Nandito kami sa gazebo sa bahay ni cous.

After namin sa ATC nagdesisyon ako na dito nalang sa bahay kaming mag usap usap nila Kirby.

Sobrang intense ni isa samin walang gusto mag salita.

"Kamusta kayo?" pagbasag ni katahimikan ni Kirby.

"We're okay. Kababalik lang din namin ng pinas 6 months ago." sagot ko.

Tinignan ko naman si cous nakatulala lang siya at nakayuko.

"Kamusta ka na?" pagtanong ni Kirby kay Claire.

Tinapik ko naman siya at siyang kinagulat niya.

"Ha-a? A-ano o-okay lang." utal na sagot niya. Tumango naman si Kirby at ngumiti.

"I-ika-aw ka-amusta ka-ana, B-by?" utal na pagtanong niya.

Mukang kinagulat naman ni Kirby at hindi niya inaasahan ang tinawag sakanya ni Claire.

"A-anong tinawag mo sakin? B-by? Naalala mo na ko Cla-ara?" this time si Kirby naman ang utal na utal sumagot.

By kasi tawag ni Claire sakanya dati short for Kirby at parang mag jowa kasi talaga sila dati. Kung hindi lang pumasok sa eksena si Jake panigurado akong naging masaya silang dalawa.

Tumango lang si Claire sa tanong ni Kirby. Napaluha naman bigla siya sa saya dahil naalala na siya ni Claire.

"3 years ago nung manganak ako kay Shannia na car accident si Claire sa NY galing siya sa photoshoot niya. Nag 50/50 siya. Akala namin tuluyan ng mawawala samin si Claire. Sinisi ko sarili ko noon dahil sakin kaya nagmamadali siya mag drive dahil hinahanap ko siya. Gusto ko nasa tabi ko siya pag nanganak ako." pag umpisa ng kwento ko.

Nakatingin naman si Kirby sakin habang halata sa mata niya na nag-aalala siya at nasasaktan.

"2 months comatose si cous. Wala siyang malay. Hindi siya nagreresponse. Miski mga doctors hindi na kami binibigyan ng pag-asa na makakasurvive pa si Claire. Until one day 2 months ni Nia kausap ko siya. Kahit hindi siya nagreresponse hindi ako tumigil na kausapin siya. And sobrang tuwa ko kasi nagkamalay na siya. Thank God dahil hindi pa siya kinuha samin. Dahil buong buhay ko sisisihin sarili ko. Sobrang nagkaroon ng miracle. Lalo na nung pag gising niya naaalala na niya lahat ng memories na nawala sakanya. Naaalala na niya kayo. Naaalala ka na niya." napatulo naman na ang luha ko.

Totoo walang araw na hindi ko sinisisi sarili ko sa akisedente ni Claire. Hindi dahil sakin hindi mangyayari sakanya yun. Mas pinili niyang samahan ako sa hirap at ginhawa. Nag give up siya na iwanan yung café shop niya at iba nag manage masamahan niya lang ako.

"Pumunta kami ng NY kasi gusto kong iwasan na si Drake. Ayokong mas lalong mapalapit sakanya. Kasi hindi pwede. Sobrang hirap na ng sitwasyon namin." pagtuloy ko habang nakikinig lang si Kirby sakin.

"Nasa NY na kami nang malaman ko buntis ako. At oo si Drake ang tatay ni Shannia. Alam ng kambal mong mga kapatid. Updated sila samin. Hindi naputol communications namin. Pero sinabi namin sakanila na huwag sabihin sainyo na nagkakausap kami. Even the accident alam nila and lumipad sila sa NY para madalaw si Claire." naiiyak na ko dahil hindi naging madali yung mga sitwasyon habang nasa NY kami.

"Tinakasan ko yung problema ko dito sa pinas Kirby. Pero nung handa na kong ayusin lahat bigla ulit akong natakot. Lalo na nung malaman kong ikakasal na siya at magkakaroon na rin siya ng anak kay Nika. Ang sakit. Napaghinaan na ko ng lakas ng loob ipakilala sakanya yung anak namin. Anak niya." napatungo nalang ako habang umiiyak.

Bigla naman akong inakap ni Claire para kumalma.

"Pero hindi niya mahal si Nika. Ikaw ang mahal niya Shane. Nung bigla kayong nawala walang gabi na hindi nag iinom si Drakey kasi nasasaktan siya. Handa ka niya ipaglaban sa pamilya niya." sabi ni Kirby.

"Papaano? Anong laban ko? Against family niya sakin especially his mom! Ayaw niya sakin kahit anong gawin ko. Pinakamasakit pa na sinabihan niya kong gold digger. Ano pang sabi pa nila na itatakwil nila si Drakey pag pinagpilitan niya yung relasyon namin. Ayokong mahirapan si Drakey kaya ako na mismo ang lumayo." sagot ko habang patuloy ang pagtulo ng luha ko.

"Pero mas nahirapan siya magmula nung lumayo ka. Oo ikakasal na siya pero napipilitan lang siya. Buntis si Nika pero malakas ang pakiramdam namin na hindi siya ang tatay. Ginamit na alas niya lang 'to dahil alam naman nating lahat kung gaano kapatay na patay si Nika sakanya." pag explain ni Kirby.

"Sorry Shane pero sa tingin ko kailangan mo ng ipakilala kay Drake yung anak niyo. Lalo na alam na niyang nagkaanak kayo." dagdag pa niya na siyang kinagulat ko.

"WHAT!? HOW DID HE KNOW ABOUT NIA?!" hysterical na tanong ko.

"Remember nung tumawag ako kay Claire magkasama kaming tatlo. Nakita niya anak niyo. Hindi rin naman mapagkakaila dahil kamukang kamuka niya. Kaya be fair to Drake especially to your daughter. Wag mong ipagkait sakanya magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya." sagot niya.

Napabuntong hininga naman ako.

Tama naman siya. Hindi na kailangan ng DNA test dahil girl version siya ni Drakey.

Naguguluhan na ko. Naghahalo na yung nararamdaman ko.

"Hindi ko na alam. Bahala na." yun nalang nasagot ko.

"Wag kang mag-alala Shane nandito ako. Kami. Hindi namin kayo hahayaan ni Drakey. Kung itakwil siya nandito kami tutulungan namin kayo. Lalo na successful na yung mga business namin. May sarili ng pera si Drake. Mabubuhay niya kayo ng anak niyo." sabi pa niya.

"Tama siya Tif. Atsaka hindi ko kayo pababayaan kung sakaling mangyari yun. Pinangako ko sainyo yun ni Nia diba? Hanggang dulo. Sa hirap at ginhawa kasama niyo ko. Mahal ko kayo. Lalo na si Shannia" pagsalita rin ni Claire.

Napangiti naman ako.

Sobrang swerte namin ng anak ko maraming nagmamahal sa amin. Maraming gustong tumulong.

"Thank you guys." sagot ko.

Maraming taon na ang nasayang na dapat may kalinga ng ama ang nararamdaman ang anak ko.

Kaya ipaglalaban ko na ngayon kung ano ang dapat sa amin ng anak ko.

To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon