Chapter 46

9.2K 156 44
                                    

Ashley POV

Dalawa nalang kami ni By nandito sa gazebo.

Nasa kwarto na din sila Tiff dahil pinatulog na niya si Nia.

"Masaya akong nakabalik kana Clara." pagsalita niya habang titig na titig sakin.

Napangiti naman ako.

"Sorry." sabi ko sakanya habang nakatitig na rin sakanya.

"Bakit ka nag sosorry?" taka niyang tanong.

"Kasi natakot akong humarap sayo. Natakot akong kausapin ka nung nakakaalala na ko." sagot ko.

"Naiintindihan ko. Wag kang maguilty. Ang mahalaga naman ngayon bumalik ka na ulit." sabi ko sakanya

Napangiti naman ako.

"Oo. Alam mo yung pakiramdam na wala ng kulang sakin. Yung nabuo ulit ako. Kilala ko na ulit yung sarili ko." nakangiting sabi ko habang nakatingin sakanya.

Nagkatitigan lang kami.

Biglang bumilis tibok ng puso ko.

Kaya pala nung mga panahong hindi ko siya naalala laging bumibilis tibok ng puso ko pag nakikita siya.

Si By yung laging nasa tabi ko lalo na nung nag aaral pa kami.

Sobrang perfect ng meron kami.

Siya yung unang minahal ko bago kay Jake.

Gusto kong sabihin sakanya non na mahal ko siya. Mahal ko na siya. Hindi lang bilang kaibigan.

Kaso natakot ako.

Natakot akong mabago lahat. Natakot ako papaano kung hindi niya ko gusto? Or papano kung mahal niya ako pero bilang kaibigan lang? Natakot ako baka layuan niya ako.

Until one day nakilala ko si Jake sa party nila By non. Birthday ng Mom nila.

Pinsan ni By si Jake. Naging malapit kami.

Umabot na sa talking stage hangga't sa dating na kami.

Dumating rin na umamin si Jake sakin na gusto na niya ko. Mahal na daw niya ako.

Naging kami ni Jake kasi sinantabi ko na yung pagmamahal kay By kasi ayoko talagang may mabago samin.

Pero mali pala ako.

Kasi nung naging kami ni Jake dumistansya na si By sakin. Nilayuan niya ako. Nababalitaan ko na ang dami niya ng nakakafling.

Gabi gabi nasa bar.

Wala akong magawa kasi ayaw niya kong kausapin. Iniiwasan niya ako.

Hangga't sa na busy na kami after college sa mga kanya kanya naming career.

Wala na ko naging balita sakanya.

Kasalanan ko rin kasi lumipas ang taon na kami ni Jake nakalimutan ko na rin siyang kamustahin.

Naging masaya kasi kami ni Jake. Ang smooth lang. Consistent yung efforts and love niya sakin.

Pinaramdam sakin ni Jake kung gaano kasarap magmahal. Kung papaano mahalin ng buong buo.

Kaya hindi ko akalain na magagawa niya akong lokohin.

Nangyari yung aksidente sakin wala na kaming communication ni By.

Kinwento sakin ni Tiffany nung bumalik na mga alaala ko walang araw, linggo, buwan at taon na hindi ako tinatanong ni By sakanya.

Sobrang naguilty ako non kasi siya never niya ko kinalimutan samantalang ako nung mga panahong masaya ako kay Jake hindi ko na siya kinamusta at naalala.

Sinabi rin sakin ni Tiffany na nung araw na umamin si Jake sakin na gusto niya ako aamin na rin daw dapat non si By.

"Clara." tawag niya at di ko namalayan na nasa likod ko na nasa harapan ko na siya.

"Hmm?" sagot ko habang nakatingin sakanya.

"Clara ngayon na bumalik kana ayoko ng sayangin ulit yung chance na 'to. Ayoko ng mawala ka ulit sakin." sabi niya.

"What do you mean?" takang tanong ko.

"Clara. Can you be my pahinga sa mundong nakakapagod?" seryosong tanong niya.

Nanlaki naman mata ko sa sinabi niya.

Wait. Ano daw?

Gusto niya akong maging ano daw?

"Ha-a?" yun nalang naisagot ko.

"Gusto kita maging girlfriend Clara." deretsong sabi niya.

Hindi ko talaga alam anong isasagot ko.

"Alam kong masyadong mabilis at nagulat ka sa tanong ko. Don't worry hindi mo kailanga sumagot ngayon. Mag aantay ako sa sagot mo." ngiting sabi pa niya.

Tumayo naman siya at nag ayos na.

"I need to go na. Magpahinga kana rin. Masyadong gabi na." pagpapaalam niya.

"I love you, Clara." bulong niya sakin at hinalikan ako sa noo bago siya tuluyang umalis.

Naiwan akong tulala.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang gusto lumabas.

Sinampal ko ang magkabilang pisngi ko baka nanaginip ako.

Pero totoo lahat ng 'to.

Haaayyyy

Kirby mahal din kita. Mahal na mahal.

Pero hindi ko alam kung ready na ko.

To be continued...

Sex Tutorial (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon