Chapter 11

196 13 1
                                    

Chapter 11
Talk

"I won't allow it." Iyon ang sagot ni Doc Yshan nang tanungin ni Alistair kung pupwede akong isama habang pinag-uusapan ang tungkol sa imbestigasyon.

Napayuko ako sa pagkadismaya sa narinig. Hinawakan naman ni Winona ang kamay ko bilang pag-alu. "Medyo delikado kasi, Amary."

"Amary, I'm really sorry about this but it's for the best. Hindi magandang biglain ka sa impormasyon tungkol sa nangyari. It would be a big risk dahil malaking factor ng trauma mo iyon. I suggest you rest and let them do the work. Sensitibo pa din ang iyong kalagayan bagamat normal na ang brain activities mo. Hindi natin alam kung kailan bubuhos lahat ng memorya mo at baka pag natrigger iyon lalo'y mahirapan ka," paliwanag ni Yshan na naiintindihan ko naman. 

Dahan-dahan akong tumango. Naiintindihan ko naman iyon at takot din akong baka pag pinilit ay hindi na talaga magbalik ang aking memorya. 

Lumapit sa akin si Alistair. He was standing near the door earlier, seryoso ang mukha, pero nang marinig ang desisyon ni Doc Yshan ay umaliwalas din ang kanyang ekspresyon.  He looks satisfied with Yshan's decision kaya hindi ko maiwasang isipin na baka pinakiusapan niya itong huwag pumayag.

"Can I at least ask some questions?"pahabol kong tanong. Tumango-tango naman si Winona bilang pag-agree sa akin. "She can, hindi ba, doc?"

"Yes. But please list down all your questions first. I'll narrow down what could be answered. I prefer you ask questions about the memories you've retrieved," he replied. Pumamulsa siya at maya-maya'y nagpaalam nang makareceive ng tawag.

I pouted a bit. Wala naman akong tanong sa mga naalala ko na. It was clear as the sunlight na maayos naman ang relasyon ko sa lahat, including my father. Bukod nga lang kay Alistair dahil puro away ang naalala kong interaksyon namin.

What I want to ask though is more on what happened years after my 18th birthday. Sigurado akong naroon ang turning point kung bakit nagawa kong...patayin ang sariling ama.

I shivered inwardly. Nakaramdam ako ng kaunting kaba at takot sa katotohanan. Matindi ang tiwala ni Alistair na hindi ako ang pumatay sa aking ama. Ayon din sa balita noon kay Ivor ay naniniwala siyang hindi din ako ang dapat na pag-initan. Even Adalius, Andre, and Yshan believes that I'm innocent. 

But for sure, the police are after me because they have evidences against me. Lalo lang akong nagigiit dahil siguradong iniisip nila na nagtatago ako at tumakas sa kasalanan. Paano kung ako nga talaga ang kriminal? Ikakapahamak nilang lahat ang pag-tulong nila sa akin.

Napasulyap ako kay Winona na paniguradong madadamay din. I don't want any of them involved in case it was proven that I am not innocent at all. 

Nag-abot si Winona ng kulay puting papel at ballpen para gamitin sa pag-lilista, habang si Alistair ay mataman na nakamasid lamang sa akin. His dark eyes bore into me like he's figuring out what I was thinking. Nag-iwas ako ng tingin.

"Kukuha lang ako ng tubig, Amary. Maiwan ko muna kayo," paalam ni Win saka nga kami iniwan ni Alistair roon.

Nasa isang silid kami na pinalilibutan ng bookshelves at samu't saring libro. Sa gitna ay may malaking couch at maliit na mesa. Doon ako pumwesto para umupo at mag-isip ng pupwedeng itanong na pasado kay Yshan.

I picked up the pen, and in a split second I was brought back to our living room kung saan nagkukumpulan ang mga kagrupo ko sa thesis. Nginitian ko si Nana Leticia na nag-lapag ng mga biscuit at juice sa gilid.

"Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, Amary."

"Opo, Nana. Salamat po," sagot ko sabay kuha ng isang stick-o at oreo.

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon