Chapter 12

260 17 0
                                    

Chapter 12
Secrets

Dumating ang Sabado at napagpasyahan naming sa dating cafe nalang magkita-kita kahit pa buo na ang aircon sa bahay. Iniiwasan ko lang din ang panunukso ni Thea na hindi ako pumupunta rito dahil sa barista ng cafe, na wala naman talagang kinalaman sa akin.

Si Alistair lang naman talaga ang aking iniiwasan pero dahil nagkasundo kaming susubukan naming maging maayos ang samahan, hindi ko na inalintana na makita siya ngayon. Kaya lang, isa't kalahating oras na kami narito pero wala pa siya. I expected to see him the moment we enter the cafe but he was nowhere to be found.

"What if gumawa tayo ng watercolor gamit ang mga bulaklak?" tanong ni Jeremiah sa kalagitnaan ng pag-bebrainstorm sa ibebenta naming product.

"Pwede pero hindi naman patok iyan sa masa," sabi ko kahit pa ang mga mata ko ay umiikot sa paligid. Tuwing bumubukas ang pintuan ay agad na doon nananatili ang aking mata.

"We should choose a product that's easy to make? Our target market are teenagers mostly," dagdag ko. Kinuha ko ang phone ko para tignan kung may text roon pero naalala kong hindi naman kami nagpapalitan pa ng number.

"Hmm, 'wag na siguro tayo magfocus sa mga kakaibang produkto. What about milktea? Coffee jelly? O kaya mga shakes? Pwede tayo mag-put ng stall sa labas ng flower shop niyo, Amary. Tapos pwede din mag-manage ng online shop," ani Thea.

"Marami nang nagtitinda niyan. Kailangan pa din na may something unique sa shop natin."

"We can focus sa aesthetic ng product para nakakahikayat sa kabataan. Tsaka malaman lang na si Amary ang nagtitinda, siguradong unang araw palang nareach na natin ang goal para sa project."

"Naisip ko kasi mas mabuti if mayroon tayong panibagong produkto na kahit magdaan ang taon ay mapapatuloy nating tatlo, hindi ba? Kunyare ay mga rice bowl na kakaiba?"

"Puro ka kakaiba. Bakit 'di ka mag-isip nang may basehan naman 'yang gusto mong kakaiba?!" iritable na na sabi ni Thea kay Jeremiah.

"We have to think long term. Kaya nga tayo pinagawa nang project na ito para mahasa tayo sa pagtayo ng business eh. Milkteas are overrated nowadays, Thea."

"Kaya nga mag-isip ka ng kakaiba!"

"I am thinking!"

I sighed and just let them argue. Nagfocus ako sa phone ko at tumipa ng mensahe para kay Ivor. Our last message was last night. He said his good night early because he could finally take his rest after their hell week.

Madalas kaming mag-text kagaya ng napangakuan. He would usually greet me in the morning and updates me once he's home. Minsan ay nagkikwentuhan kung ano ang nangyari sa araw. Minsan ay nagvivideo call siya kapag nakakasama niya si Leilani. Magkaiba sila ng school pero minsan ay nagmimeet sila para magdinner. Every time, they would video call and tell me stories. Leilani would always enthusiastically tell me how different it is to live in the city than here. Kaya naeengganyo akong roon na din mag-kolehiyo.

Nag-send na ako ng application sa mga universities roon pero sigurado akong mas gugustuhin nila Mommy na dito na din ako sa Pangasinan mag-aral. Maganda rin naman kasi talaga ang unibersidad dito at madalas ding nasasama sa top schools sa mga board exams.

To: Liam Ivor <3
Hi! Sorry to disturb you in the middle of the day. Pwede ko bang makuha ang number ni Alistair?

It took him five minutes to reply. Dalawang mensahe iyon. Una ay ang number ni Alistair, and the next one was him asking me why.

Siya:
Bakit? May kailangan ka ba kay Alistair? Don't tell me you two are arguing about something again. You should be more patient with him. Talagang mapanukso lamang iyon.

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon