Prologue

2.3K 48 10
                                    

Prologue
Beauty and Death

"Salamat, Ate Amary," the little girl said politely. She showed a small warm smile that touched my heart. Kitang-kita ang mumunting saya sa kanyang mga inosenteng mata.

Pinagmasdan ko siyang nakihalubilo sa iba pang mga bata, dala-dala ang pagkaing inihanda ko para sa kanila, pati na ang bagong bigay na manika. Ang kulay pulang dress na regalo ko sa kanya noong nakaaraang pasko'y masaya niyang suot. It looks pretty on her. Iyon nga lang, dahil mabilis ang kanyang paglaki'y lumiliit na ito.

Her name is Laura. She's only six and is an orphan. Natagpuan namin siya ni Mommy noon sa isang kalye sa Ermita na mag-isa at nanginginig sa lamig dahil sa malakas na buhos ng ulan. She was four years old then. Left alone by her parents to live in the dangerous streets of the city.

She's just one of the many children who lives here in the Flora's Home for Children, an orphanage established by my mother, Flora Daisy Madrigal. Karamihan sa mga batang narito ay ang mga batang natagpuang palisaw-lisaw sa daan. Ang iba nama'y iniwanan ng sariling mga magulang sa labas mismo ng orphanage.

Hinding-hindi ko maiintindihan kung bakit iniiwan ng mga magulang ang kanilang anak para mabuhay mag-isa sa kalsada o sa kung saan. Iniiwan nalang ang mga walang muwang na bata na para bang ni katiting na pagmamahal ay wala silang nararamdaman para sa mga anak nila. Ni hindi manlang naisip ang posibleng mangyari sa mga bata kapag pinabayaan. Mabuti pa kung ibigay sa alaga ng ibang tao na siguradong katiwa-tiwala. Though, sa dami ng mga nangyayaring krimen ay mahirap na talagang mag-tiwala.

There are countless excuses why parents leave their children to our care. Madalas dahil sa pinansyal na problema. Naiintindihan ko ang kanilang rason iyon ngunit masakit pa ring makita ang mga bata na lumaki nang 'di nakikilala ang tunay na mga magulang. Mahirap ding ipaintindi sa mga ito ang kanilang sitwasyon. Dahil mahirap tanggapin ang katotohanang mismong magulang nila ay sinuko't iniwan sila. That's why most of our children here have trust issues. Matagal o ilang buwan bago nakukuha ng tuluyan ang kanilang loob.

"Salamat sa pag-bisita, hija. Talagang malaking tulong ang ginagawa mong gabay sa mga bata," ani Sister Cecille. Isa sa mga supervisors at kauna-unahang house mother sa aming foster care. Halos buong buhay niya'y iginugol niya na sa pag-aalaga at pag-didisiplina sa mga bata.

Ngumiti ako ng matamis. "Walang anuman po. It's a pleasure to help and continue following my mother's path. Napalapit na rin po kasi talaga sa akin ang mga bata."

Ang iba ngang halos kasing tanda ko na'y masayang nagsisilbi sa amin sa mansyon. Some were luckily adopted but most grew up here. Although, pinag-aaral ang ilan at scholar ng aking ama, may gusto pa ding manatili para pag-silbihan kami. Ang ibang nangibang bansa'y paminsan-minsang umuuwi at bumibisita dito. Nakakatuwa dahil naging matagumpay ang campaign ni Mommy na iparamdam sa mga tumutuloy dito na mayroon silang pamilya na pupwedeng balikan.

Dalaga palang ang Mommy ay sinimulan niya na ito. She is really fond of children dahil nag-iisang anak lamang siya. Ganoon din ako.

"Siguradong proud na proud sa'yo si Flora, hija. Kamusta na nga pala ang governor? Balita ko'y tatakbo siyang senador sa susunod na eleksyon."

Governor. My father. Lucio Julian Madrigal. The most prominent and respected person in our province. Or even in other provinces.

He gained the respect of the majority because he was then from a family of poor farmers. Matagal bago nakapagtapos ng high school dahil kabi-kabila ang sinusubukang trabaho. Halos lahat yata ng trabahong mahihirap ay kanya nang nagawa. Hindi nakapagtapos ng kolehiyo ngunit masipag at madiskarte sa buhay kaya't marami ang namamangha sa kanya.

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon