Chapter 1

933 36 13
                                    

Chapter 1
Croix

I woke up several times after that. Hindi ko nasundan ang lahat ng pangyayari dahil madalas ang pananakit ng ulo. Kinalaunan ay nilipat ako sa isang pribadong ospital dahil hindi naman sapat ang mga equipments sa pinag-dalhan nila sa akin. The doctor, Yshan, performed a series of tests on me during my stay at the hospital.

Si Adalius ang madalas na dumadalo sa akin, kasama ang nakababata niyang kapatid na si Aster. O di kaya'y ang babaeng nurse na si Winona.

Ayon sa kay Adalius ay si Aster ang nakakita sa akin, luckily, as he was performing some body training. Maswerte nga ako kung ganoon dahil ayon sa doctor, kung hindi daw naagapan agad ay baka patay na ako ngayon dahil sa lubhang pagkaubos ng dugo.

Mahigit isang linggo akong gumigising at kalauna'y nawawalan ng malay pero unti-unti'y gumagaling ang mga sugat na natamo mula sa aksidente at mas naiinda ko ang pananakit ng ulo. They treated me well. Doctor Yshan recommended not to force myself too much on remembering my past dahil posible daw na sa pamimilit kong makaalala ay mas lalo lang mawala ang aking memorya. I don't want that to happen so I refrain from thinking about it too hard.

Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay ako si Amaryllis Keyla Madrigal. Isang suspect sa pag-patay sa sarili kong ama. Hindi mawala sa isipin ko ang sinabi ng lalaking iyon. The man was Adalius' older brother, Alistair. A beautiful name for a harsh, brooding man.

I asked Adalius once about what Alistair told me but he immediately changed the topic. Mukhang iniiwasan niyang pag-usapan iyon dahil alam niya ang epekto sa akin. I feel grateful for his concern. Hindi ko nga lang maiwasang mahiya dahil naabala ko sila kahit pa hindi naman talaga ako related sa kanilang magkakapatid.

I'm only a lost injured girl who doesn't even remember who she was.

I asked if someone is looking for me. Maybe they could transfer me to the care of a relative or something pero patuloy lang siya sa pag-iiba ng pinaguusapan so I gave up trying. But I'm sure he's hiding something. Imposibleng walang maghahanap sa akin gayong suspek ako sa pag-patay.

Kinurot ko ang aking palad nang maalala nanaman ang sinabi ni Alistair. I was a suspect for murder. Is that true? Siguro nga. Dahil hindi rin naman idinideny ni Adalius sa ilang beses ko siyang tinanong, baka nga totoo 'yon.

Then why don't they just surrender me to the authorities? Para hindi na sila mamroblema pa. They could easily do that. Bakit kailangan pa akong protektahan at itago dito? Maaaring madamay pa sila at isiping kasabwat sa pag-patay.

I stared at my pale hands. Did my old self really do that? Did she kill her own father? And for what? Kaya ko ba talagang gawin iyon? Anong galit ang mayroon ako para magawa iyon sa sariling ama?

Hindi ko alam. I don't know myself. I'm like a lamb lost in a dark forest of thoughts.

Kung totoo ngang isa akong suspect, bakit sobrang bait nila akong itrato? Not all people would baby sit a possible criminal. Ni hindi nila alam kung mapagkakatiwalaan ko. Kahit nga ako mismo'y hindi alam kung katiwa-tiwala pa ko. Ngunit sa ngayo'y gusto ko din munang lubusin ang kanilang tulong dahil tingin ko'y mas maktutulong din iyon sa akin.

Kung totoo man ang sinabi ni Alistair, hindi rin maganda na lumabas din ako agad sa publiko gayong wala akong maitutulong sa imbestigasyon. Hindi ko gustong tumakas kung ako man talaga'y nagkasala, gusto ko lang mabalik muna lahat ng aking ala-ala bago ko isuko ang sarili ko sa awtoridad. Tingin ko'y ganoon din ang nasa isip nila kaya't willing silang itago't gamutin muna ako.

A knock on the door took me away from my thinking. Pinagmasdan kong bumukas ang pintuan at hinintay kung sino ang papasok. Ngayon ang huling araw ko sa ospital. Ani Adalius kahapo'y susunduin daw nila ako at dadalhin sa lugar kung saan ligtas ako.

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon