Chapter 8

908 37 13
                                    

Chapter 8
Hate

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman habang nakatanaw ako sa mga gusali at mga bahay na nakikita sa gilid ng daan. The sky is dark but the lights in each buildings are still very bright. Ang buwan din ay bilog na bilog at maliwanag.

I have seen this place the first time I traveled after being hospitalized. Pero noong mga panahong iyon ay wala pa ako ni katiting na ala-ala kaya't hindi ko masyadong pinagtuonan ng pansin ang lugar.

But right now, many of the views look familiar to me because I've seen it in my memories.  I'm sure that we're in Lingayen, the place where I grew up. I know very well the streets of my hometown. Nadadaanan ko ito noon sa tuwing umaalis kami ni Ivor o 'di kaya'y may campaign ang Daddy. May mga pagbabago dahil siguro sa nagdaang taon.

Napahawak ako kay Winona nang madaanan ang pamilyar na lugar. Kitang-kita ko ang mga kabataang kahit gabi na ay naglalakad-lakad pa din sa mailaw na daan patungo sa kapitolyo.

My eyes quickly saw a glimpse of the lights in the Capitol. Malapit lang doon ang Governor's House na madalas tuluyan ng Daddy nang maging gobernador siya ng lugar. In my memories, I used to go there with Ivor, too.

Concerned na tumingin sa akin si Winona. I can also see Alistair looking at me from the front seats. Sa kabilang sasakyan naman nakasakay si Doc Yshan at Andre.

Gustung-gusto kong bumaba at dumiretso doon pero alam kong hindi iyon magandang desisyon. Bigla ko tuloy naisip kung ano ang mga nangyari o naganap dito habang nagpapahinga ako. Sure, the police are looking for me pero nagkaroon kaya ng maayos na libing ang aking ama. Or was he cremated?

Ilang linggo na rin ang lumipas. Kung tutuusin, lagpas lagpas isang buwan na akong nasa alaga ng mga Croix. Magtu-two months na ata. Imposible namang hanggang ngayon ay nakaratay pa din ang labi ng aking ama. It's just sad that I wasn't there beside him...

My eyes stung from the thought. Unti-unti nagsisink in sa akin na wala na nga ang Daddy. Memories of my childhood suddenly flashed on my mind. He has been very good to me during my early years. He treated me like how my mother treats her flowers. Gently and carefully.

Ano ang nangyari para humantong sa ganito? Was I not a good daughter? Did I become a rebel? And more importantly, what does my mother think of me now? Where is she? And who is senator Villanueva?

And Ivor, I'm sure he's caught up in this mess because of me. He just announced in national television that he's my fiance. Did we pursue the engagement? Pumayag siya? Pumayag ako?

Sunud-sunod nanaman ang mga katanungan sa utak ko. I overthink about this a lot and it sucks that I cannot give myself any answers! Humigpit ang kapit ko sa braso ni Winona. Marahan niya akong hinaplos sa likod para pakalmahin pero hindi na siya nag-salita.

"We will visit the Governor's house and your home when you're ready. Magpahinga ka muna sa amin," Alistair spoke. Nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana at hindi manlang siya tinapunan ng tingin.

I remembered my parents. How they took care of me as a child and celebrated all my birthdays with me. How they celebrated even my least achievements in school. Sina Nana Leticia at Leilani. Pati na si Kuya Rio. They were with me most of my life. How are they? What do they think of me now? Galit ba sila sa akin? Did they doubt my innocence?

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon